Chapter 6

6.9K 228 3
                                    



Die's POV

"Milady.. gising na daw po kayo." Napatakip ako ng unan sa mukha ng marinig ko ang tinig ng isang babae na gumigising sa akin. Si ina na naman ito siguro.. pero, bakit mahina ang boses neto? Dapat sa mga oras na ito ay sinisigawan at sinasabunot na niya ako. Hmm.. okay na ito at makatulog pa ako., masyado pa kasi akong inaantok..

Sa ika tatlong paggising sa akin ay napabalikwas ako ng bangon ng ma alala na wala na pala ako sa bahay namin at nandito ako sa kushimoto empire. Napatingin ako sa kanan ko at nakita ko si annie, yung maid na dumala ng pagkain sa akin noong una kong araw dito.

"Milady, maligo na po kayo at kumain dahil mag- uumpisa na daw po ang training nyo." Napakunot- noo ako sa sinabi niya sa akin. Anong training ang pinagsasabi neto??

Tumayo na ako sa higa-an ko at liligpitin na sana ito ng pigilan ako ni annie at pinasok sa loob ng banyo dito sa kwarto ko. Napabuntong hininga nalang ako at hinubad ko na ang pajama ko. Napatingin naman ako sa salamin dito at nakita ko na naman ang heir emblem na nasa aking leeg. Masyado itong mahalaga at maganda para sa akin.

Napailing nalang ako bago pumasok at umupo sa bathtub na may bubbles at tubig na naka handa para sa akin. Ini explain at pinapakilala naman ni annie sa akin ang ilang mga gamit dito at paano gamitin. Tsk,. Mabuti lang nga at mabait itong annie na ito pero syempre di ako nagtitiwala talaga sa kanya.

Pagtapos kong maligo ay sinuot ko na ang damit na inihanda ni annie para sa akin. Isang gray jogging pants at racer- back na sandong kulay beige ang nakahanda sa kama at isang running shoes. Tinirintas ko sa dalawang hati nalang ang hanggang beywang kong buhok.

Paglabas ko sa silid ay nakita ko si annie na nakatayo at mukhang hinihintay ako. Sinundan ko lang siya sa paglalakad. Nilibot ko lang yung mga mata ko sa kabuuan ng mansion. Kitang- kita sa mga gamit at paligid ang karangya-an at ramdam na ramdam ko din ang aurang delikado sa bawat sulok ng mansion.

"Nandito na po tayo milady." Nag bow muna si annie sa akin bago umalis. Pumasok na ako sa pinto at nakita ko doon si primo na naka upo sa pinaka dulong upu-an na nakatingin sa akin habang naka ngiti, nakita ko din ang isang lalaking sa tingin ko ay nalalapit lang ang edad sa akin na nakatingin ng mariin sa akin. Na parang kinikilatis ako,.

"magandang umaga, akira." Bati sa akin ni primo ng makalapit na ako habang tinapik niya naman ang kanang bahagi ng mesa para paupu-in ako doon.

"Magandang umaga din sa iyo, primo.." bati ko dito pabalik at napatingin ako sa lalaking nakaupo sa kaliwang bahagi ni primo nakatingin pa din sa akin habang papunta ako sa upu-an.

Akmang hahawakan ko na sana ang upu-an para maupo ng biglang naghagis ng bagay ang lalaki sa direksyon ko, at dahil sa mabilis na reflexes ko ay nahawakan ko ang maliit na telang nakatupi ng di ko alam sa ibabaw ng pinggan at mabilis itong pinaikot sa harap ko para sanggain ang bagay na iyon. Umiba ng direksyon ang bagay na iyon at tumusok iyon sa isang upuan na nasa linya ko. Nanlalaki ang aking mga mata at akmang magsasalita sana ako ng maghagis na naman ng mga gamit ang lalaking ito.

"Puta naman.., anong problema mo?" gulat at galit na turan ko dito habang umiiwas at sinasangga ko ng isang tinidor na nakuha ko ang mga kutsara, tinidor at kutsilyong tinatapon niya sa akin. Tumalsik ang tinidor ko habang wala pa ding sinasabi si primo at ang lalaki sa akin. Mabilis ko namang kinuha ang pinggan na nasa table at tinapon ito sa lalaki.

Umiwas lang siya doon, patuloy ko pa din siyang tinatapunan ng kahit anong bagay na mahawakan ko sa mesa. Napahinto ako sa pagtapon ng mahawakan ko ang isang mansanas. Kuminang bigla ang aking mga mata ng Makita ko ang pulang- pulang mansanas. Akmang kakagat na ako ng maramdaman ko ang pagsalpok ng isang plastic na baso sa aking noo. Teka? Saan galing ang plastic cup na iyon?

"Puta naman!!,,. Ayun na eh, makakagat na eh!!" malakas na sigaw ko na nakatingin sa taong bumato sa akin noon. Ayun na eh,. Kakagat na ako eh.. Makakain na din ulit ng mansanas, oh my baby apple!!.

"Hahahahahaha..." napatingin kami ng sabay kay primo ng bigla itong humalakhak ng malakas. Napakunot noo ako habang nanlalaki naman ang mata ng lalaking kaharap ko at ng ilang mga maids at men in black na nasa gilid lang.

"I can't believe it,. Hahahha.., nakalimutan mong nagbabatohan kayo dahil lang sa isang red apple? Hahahaha.., you are truly interesting akira.." kumunot ang noo ko at napatingin ng masama sa lalaking kaharap ko na nakatingin lang sa akin ng may mga amusement sa mga mata.

Mabilis kong kinuha ang kutsilyo na nasa mesa at akmang ibabato sa lalaki ng mag salita ulit si primo.

"Your reflexes are incredible fast at matalas din ang pakiramdam mo, sa tingin ko hindi na mahihirapan si Mr. Keido sa pagtuturo sa iyo."

"Primo?., si Mr. Keido?? Pero,. Bakit siya?? Baka mamatay lang ang babaeng iyan kay mr. Keido." Aba,. Minamaliit ba ako ng lalaking ito? Ginagalit niya talaga ako hah, pero di bale na.. wala na akong paki sa kanila dahil may red apple na ako sa aking mga kamay.

Umupo nalang ako sa upu-an at inabot ang maliit na basket na kinalalagyan ng mga red apple sa gulo- gulong table at inumpisahan ko nang kainin ito. Bahala na sina primo at ang lalaki sa pag- uusap nila basta ako kakain lang dito.

"Akira?., right akira?" napatango lang ako kay primo ng banggitin niya ang pangalan ko. Kahit wala naman akong narinig at naintindihan sa pinagsasabi neto.

"Good., now it settles., Akira will go in your school after 2 weeks and you, Zelos xerxes Mcknight will be her Guardian there inside the academy." Nabuga ko ang kinakain kong apple ng marinig ko ng maayos ang sinabi ni primo. Academy?? Ibig sabihin mag- aaral na ako?? At guardian?? Ano yun?? At sino naman si zelos xerxes na iyun?

"pero primo..."napahinto sa pagrereklamo yung lalaking gago ng itaas ni primo ang kamay neto para patahimikin ang gagong ito. Tumingin naman siya sa akin ng masama kaya ngiti-an ko lang siya ng pang- uuyam dahilan para kumuyom ang kanyang mga kamay.

"No more excuses, zelos." Mariing sambit ni primo kaya napatahimik yung lalaking gago.

Zelos Xerxes Mcknight pala pangalan niya hah... well, zelos xerxes papahirapan kita!


------------------------------------------------------------------------------

Do comment and voteguys',. Thanks.. :)

Hiruma Miura as Zelos Xerxes

The Outlaws (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon