Chapter 31

5.1K 159 0
                                    


Third Person's POV

"Boss, kailangan na po nating sumalakay. Mukhang naubos na po ang mga maliliit na HQ nila, isang HQ nalang sa east side ang natira at ang main." Napatayo naman sa kanyang inuupu-an si Jin at humarap kay Davin na nakangiti.

"Musta ang mga business nila?" malamig na tanong neto.

"Wala nang problema doon, hindi na sila makakabangon ngayon. Mukhang pinalubog pa sila ng tumutulong sa atin eh." Ngiting pahayag ni davin kay jin kaya napatango nalang ito.

"Very well, kailangan na nating tapusin ito. Magsipag handa na at pupunta tayo sa main." Sambit ni Jin sa lahat kaya napa yes ang lahat sa kanya.

Nagsipag handa naman ang mga myembro niya pati na din siya at si davin. Maiiwan naman kasi sa kanilang mansyon ang mga Intel niya at ilang mga myembro para magbantay.

Nauna na ding umalis ang kanyang medic team para magamot ang mga myembro nilang may mga galos. Habang ang ilan naman sa kanyang mga tauhan ay pinuntahan ang mga HQ na nilusob at pinasabog para mag imbistiga at tingnan kung may natitira pa ba.

Habang sa isang banda naman ay nagsasagutan sina Sebastian at Die sa loob ng kotse. Pinag- aawayan nila kung saan na sila tutungo, nasa isang crossing sila ngayon. Ang kaliwa ay papunta sa east side HQ habang ang kanan naman ay papunta sa main HQ.

"Magbato- bato pick nalang tayo, oh ano?" malakas na sambit ni Sebastian. Napatapal naman sa dalawang tenga niya si Die dahil sa nakakairitang boses ni Sebastian. Napagdesisiyunan kasi ni Die na dumiretso nalang sila sa main habang gusto pa namang maglaro ni Sebastian sa natitirang HQ.

"Bwesit! Ano ka maliit na bata?" malakas na sigaw naman ni Die, nilagay naman ni Sebastian ang dalawa niyang hintuturo sa kanyang tenga at dumila ng panloloko kay Die. Mabuti nalang at nakahinto ang kanilang kotse sa kalsada pero ang masaklap lang ay nasa gitna ito nakahinto at kung may nakasunod man sa kanila ay siguradong magkakaroon ng traffic doon.

"Bwesit na kumag nato, oo na, oo na." Pagsusuko na saad ni Die, pumalakpak naman ng malakas at tumawa si Sebastian sa sinabi neto.

"Jack en poy!!" sabay na banggit ng dalawa at pareho silang naka bato. Napairap naman si Die kay Sebastian habang nakangiti naman ng malawak si Sebastian.

"Jack en poy!!" sabay na sambit ulit ng dalawa at naiirita na ang mukha ni Die habang mas lumawak pa ang ngiti ni Sebastian. Pareho na naman kasi silang naka papel.

"Bwesit na laro to oh!" reklamo ni Die na tinawanan naman ni Sebastian.

"Jack en poy!!" sabay ulit na sambit ng dalawa at napahalakhak ng malakas si Sebastian habang uminit naman ang ulo ni Die. Naka bato kasi si Die habang naka papel ulit si Sebastian.

"Panalo ako die,. Yes!" tuwang- tuwang sambit neto kay die na nagsasalubong na ang kilay at nakatingin sa kanya ng may pagkairita. Bigla namang tumaas ang sulok ng labi ni Die kaya napahinto si Sebastian sa kanyang pagsasaya.

"Sinong nagsabing panalo ka?" malamig na sambit ni Die at bago pa maka pagsalita si Sebastian ay malakas na sinuntok ni Die ito sa panga dahilan para mapahiga ito sa backseat.

"Oh, edi panalo ang bato ko!" masayang sambit ni Die at inayos na ang pagkakaupo niya sa harap ng manibela habang walang malay naman si Sebastian sa likod. Mabilis niya lang iniliko sa kanan ang kotse nila.

Habang sa main HQ naman ay tila hindi na mapakali ang lahat at nagpapanik na ang mga ito. Hindi na din nakaalis sina Trixie at Jaze dahil nabalitaan nila na isang HQ nalang nila ang natitira maliban sa main.

The Outlaws (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon