"wow.." Yan agad ang lumabas sa bibig ko ng makarating na kami sa lugar. Hindi ako makapaniwala na may ganitong lugar pala dito. Akala ko nga nung una ay mag ha- ha- hike kami sa kabundukan pero hindi naman kami umakyat kundi may pinasukan lang kaming lubak- lubak na daan tas mga punong walang humpay.
Yun pala ang nasa dulo nun ay malinis at magandang karagatan. Nakangiting lumingon ako sa gwapong dragon na kasama ko. Ngumiti naman siya sa akin,.ngumiti?? oh may gawd.. parang malalaglag ata ang puso ko. Shit..
"Nagustuhan mo?" tanong neto sa akin at tumango ako sa kanya ng nakangiti. Kinuha niya naman ang helmet sa kamay ko at sinabit sa motor niya pagkatapos ay hinawakan niya ang braso ko at hinila niya ako papunta sa kanan.
Habang hinihila niya ako ay pinagmamasdan ko ang karagatan na mukhang sinabuyan ng mga diamonds dahil nag gli- glitter ito dahil sa sinag ng araw na medyo papalubog na.
Napatingin ako sa harap ng bigla kaming huminto.
"Kaninong cabin to?" tanong ko sa kanya ng nakataas ang isang kilay ko. Binitawan niya naman ang aking braso at lumapit siya sa pintu-an ng isang maliit na cabin. May kinuha siya sa kanyang bulsa at isang maliit na susi iyun.
Sinusi-an niya ang pintu-an at binuksan ito. Lumingon muna sya sa akin at tina-asan ako ng kilay bago siya pumasok. I guess sa kanya tong cabin at pinapasunod niya ako sa kanya. Well, wala naman sigurong masama kapag pumasok ako diba?
Isang simpleng table na maliit at dalawang sofa ang unang bumungad sa akin, tas may isang pintu-an sa kanan at sa tingin ko ay silid niya iyun. Pumasok ako sa loob at tiningnan ang kabuuan ng cabin nato.
Relaxing at homie ang ambiance ng cabin at mga simpleng kagamitan at bagay lang ang nandito na tama lang para sa araw- araw. Lumiko ako sa kaliwa at nakita ko ang gwapong dragon na tinitingnan ang loob ng isang katamtamang laki na ref.
Kinuha niya ang isang box ng doughnuts at dalwang softdrinks na nasa can. Nilagay niya iyun sa mesa at tumingin sa akin.
"Ano pang hinihintay mo diyan?" tanong neto sa akin at napa ismid nalang ako at naglakad na papunta sa kanya.
"Dito ka nakatira?" tanong ko sa kanya ng maka upo na ako.
Binuksan niya muna ang kanyang softdrink at ininom bago tumingin sa akin.
"Hindi,. Tambayan ko lang to at minsan hideout ko na din. Ang sarap kasi ng simoy ng hangin dito at nakakarelax, malayo sa magulong mundo." Napangiti ako sa aking narinig at tiningnan siya sa kanyang mga mata. Di ko talaga malaman kung ano ang tinatakbo ng utak ng lalaking ito.
"So, bakit mo ako sinama dito kung hideout mo pala to?"
"Wala lang.., sa gusto ko lang isama ka dito. Mukha kasing kailangan mo ng malinis na hangin." Napatawa ako ng malakas at napangiti naman siya. Shit.. may ganitong side din pala ang lalaking ito?
"Thank you.." masayang sambit ko at tumango naman siya at ngumiti.
--------------------
"Talaga bang dito ka lang bababa?" tanong neto sa akin ng iabot ko na sa kanya ang kanyang helmet. Napatango naman ako at ngumiti.
"Yup,. Salamat ulit sa pagdala sa akin sa iyong hideout at sa masayang pagbonding." Ngumiti naman siya sa akin at tumango.
"Sige,. Ingat ka.." paalam ko dito, hindi pa ako nakakahakbang ng biglang hawakan ako ng gwapong dragon nato sa kamay.Bigla atang lumakas ang tibok ng puso ko at parang hindi ako makahinga.shit.. holding hands..,
"Bakit?" nakangiting tanong ko ng lumingon ako sa kanya. Pero imbes na sagot niya ang marinig ko.
Naramdaman ko nalang ang mainit at komportable niyang katawan na biglang yumakap sa akin. Napahinga ako ng malalim at pumasok ang mabango at nakaka- adik niyang amoy ng katawan at cologne sa aking ilong. Mas napa- relax ako sa kanyang yakap.
Napasarap ata ako ng yakap sa kanya, at naramdaman ko nalang ang pag- init ng aking mga pisngi. Magsasalita sana ako at iiwas ng mukha ng hawakan at haplosin niya ang kanang pisngi ko kaya napatingin ako sa kanyang mga mata.
"Ingat ka palagi.," di ako naka react agad at dumampi ang malambot niyang labi sa aking pisngi. Shit.. di ako nakakilos ng bitawan na niya ako at sumakay sa motorsiklo niya. Sinuot niya ang kanyang helmet at pina- andar na ang motor niya.
"See you again, sweet cheeks." Sambit neto bago umalis na., at heto ako nakatayo pa din at hindi makapaniwala sa nangyari,.
"hu.." mahinang sambit ko at doon lang ata pumasok sa utak ko ang nangyari at nagrehestro sa buo kong katawan. Shitt.. kinikilig ako!!
Napailing nalang ako at naglakad na patungo sa mansyon habang nakangiti ng parang baliw..
------------------------------------
Pasensya na po sa matagal na UD,..
Hope you like this story,.
do vote, comment and share., thanks.. :)
BINABASA MO ANG
The Outlaws (Complete)
ActionGenre: Action, Adventure, Random, (chaos, war, gangster, academy, university, red, blood) Language: tagalog, English Date started: April 30, 2016, 11:11pm Rated PG This is a work of fiction, any resemblance to any other stories are pure coin...