"Gusto mo bang samahan kita?" alok neto sa akin ng mahismasan na ako at makapag- isip. Nandito na naman kami ngayon sa kanyang hide- out, hindi ko alam kung anong nakita ko sa kanya pero sa kanya lang ako nakakaramdam ng kapayapaan sa magulang buhay ko.
Kung pwedi ko lang sanang ibigay tong kwentas nato sa leeg ko ay gagawin ko, pero ang sabi kasi ni master ay hindi ito ma- oopen hanggat hindi namamatay ang holder neto.
Napailing nalang ako kay jin at tumango naman siya. Tumayo na ako sa upu-an at tiningnan siya sa mga mata.
"Salamat." Ngumiti naman siya at tumayo na, pagkatapos ay hinawakan niya ang dalawa kong kamay at pinisil ito.
"Gagawin ko lahat para sayo." Tila nagulat naman ako sa sinabi niya. Bago pa ako makapag tanong sa kanya ay binitawan niya na ang aking kamay at naglakad na papuntang pinto.
Bigla atang tumigil ang mundo ko at rinig na rinig ko ang malakas na tibok ng puso ko. Shit ka gwapong dragon...pinakikilig mo na naman ako!!!
Napangiti nalang ako at napahawak sa pisngi ko, whoo.. ang init, at alam kong namumula na naman ako.
"Die, dali-an mo na diyan." Napalingon ako sa kanya ng tawagin na niya ako. Mabilis akong tumakbo palabas ng pintu-an at sinirado ito.
Nakaupo na siya sa kanyang motorsiklo, shit.. Ang hot niyang tingnan. Ok, wag ka munang lumandi diyan die kailangan mo pang umuwi ng mansyon para makausap si master.
Kinuha ko na ang helmet na inalok niya sa akin at sumakay na at sinuot ito.
"Kapit ng mabuti hah.."rinig kong sambit niya bago pinaharurot ng mabilis ang motor kaya napayakap ako ng mahigpit sa kanyang bewang. Shit.. heaven!.
------------------------------------------------------
"So,. Hanggang sa muli. See you again sweet cheeks." Namula na naman ako ng halikan niya na naman ang aking pisngi bago umalis.
"See you jin, pag hindi pa ako mamamatay mamaya." Sagot ko dito pero wala na siya at tanging ang likuran niya nalang ang nakikita ko habang papalayo na siya sakay ng kanyang motor.
Napahinga naman ako ng malalim at tinatagan ang loob ko. Heto na,. Ihahanda ko na ang sarili ko sa anumang desisyon ni master.
Naglakad na ako papuntang mansyon at naglalaro sa isipan ko kung anong mga scenario mamaya ang mangyayari sa akin. Pupugutan ba ako ng ulo? Ito- torture muna? Shit naman, sana wag naman. Gusto kong mamatay ng mabilisan.
Yung babarilin nalang ako diretso sa ulo para patay agad. Yup, sana ganun ang mangyayari.
Wew, napahinga ako ng malalim ng pinapasok ako ng mga bantay dito na parang walang nangyari sabagay, Ang alam lang nila bagong salta ako dito sa organisasyong ito at masyado akong malapit kay master. At syempre, bali- balita din na ako ang tagapagmana ng organisasyong ito pero hindi pa naman iyon napapatunayan dahil hindi pa sinasagawa ang ritwal para sa pagpasa ng korona sa susunod na leader.
Isang buwan pa ang hihintayin para sa ritwal na yun na kasabay ng general meeting ng buong organisasyon.
Umakyat na ako sa malaking hagdan at mabilis na pumunta sa office library ni master kung saan siya palaging nakatambay. Hmm.. wala pa ata sina zelos dahil kahit isa sa kanila ay hindi ko nakita sa mansyon.
Kadalasan kasi pag nandito sila ay isa talaga sa kanila ay nakaupo sa sofa sa living room.
Humugot ako ng malalim na hininga ng nandito na ako sa harap ng pintu-an ng office library ni master. Kakatok na sana ako ng may marinig akong konting ingay at pagkabasag ng kung ano sa loob.
BINABASA MO ANG
The Outlaws (Complete)
ActionGenre: Action, Adventure, Random, (chaos, war, gangster, academy, university, red, blood) Language: tagalog, English Date started: April 30, 2016, 11:11pm Rated PG This is a work of fiction, any resemblance to any other stories are pure coin...