Chapter 24

4.3K 142 4
                                    


"Oy, isuot mo to muna bago ka mag- umpisa sa training mo." Napalingon naman ako sa aking likuran ng marinig ko na naman ang familiar na boses ng mamang kumausap din sa akin kanina.

Isang pares ng gym training clothes ang binigay niya sa akin. Isang racer back na itim at isang pares ng camouflage shorts ang training clothes ng mga babae habang ang mga lalaki naman ay naka camouflage pants lang.

Tinuro niya naman sa akin ang isang pintu-an kung saan merong naka hilerang mga lockers na may numero ng aming mga silid.

Pumunta ako sa D- 13, rm. 13 at binuksan na ito. May isang puting bandage na para sa kamay ng boxer ang nandoon at isang nakatuping maliit na towel na puti na may tatak ng room ko at sa ilalim neto ay isa ding malaking towel na puti na may tatak din.

Tas sa gilid ng mga towel ay merong sabon panligo at shampoong maliit. Wow naman, kung hindi ko lang alam na isang presinto ito ay iisipin kong nasa isang gym ako.

"Nasa kaliwa ang shower room, pwedi ka doong magbihis. At please lang, pakibilisan ang kilos mo." Napatingin naman ako sa aking gilid at napatango sa mamang ito. Mabilis akong pumunta sa shower room na sinasabi niya.

Wow naman, ang galing naman ng mga facilities dito. May mga cubicle dito at tanging shower curtain lang ang takip.

Mabilis ko nang hinubad ang aking overall at pinalitan ito ng gym clothes. Mabuti nalang nga at hindi na mahapdi ang sugat ko sa likod.

Pagkatapos kung magbihis ay dumiretso na ako sa aking locker at nakita ko na naman ang mamang iyon na nakasandal sa aking locker. Binuksan ko ang locker ko at nilagay na ang aking damit dito.

"Ako nga pala si Tobin, at ako ang magiging manager mo sa darating na tournament." Pakilala neto sa akin at sa unang pagkakataon ay nakita ko siyang ngumiti. Kung siguro kilala ko lang ang tatay ko ay baka magka edad sila.

"Die Akira,." Ngiting pahayag ko naman sa kanya at binigay ko ang kamay ko sa harap niya para makapag shake hands. Tinanggap niya naman ito, at shinake.

"Ito, itali mo sa buhok mo. Halika na at habang nagtre- training ka e- explain ko sa iyo ang mga palatuntunan sa darating na tournament." Kinuha ko nalang ang binigay niyang tali sa buhok at tinali ito sa aking mahabang buhok. Habang nakasunod na ako sa kanya papunta sa training area na nagsimula na din siyang mag explain sa akin.

"Ang tournament na sinasabi ko sayo ay ginaganap tuwing sabado ng gabi. Lahat ng mga nasa high detention cell at mga nasa top- lower detention cell ay sinasali sa tournament. At kapag nanalo ka sa tournament ay may tsansa kang maka alis sa lugar na to, ngunit mabibilang ka naman sa scorpion org. Hanggat kailangan ka ng scorpion org ay hindi ka nila papakawalan pero bumibigay sila sa iyo ng kahit na anong gusto mo pero isang beses lamang ito kaya dapat talaga pag- isipan mo ng mabuti kung ano ang iyong hihilingin sa kanila. Kung hindi mo pa alam, ang scorpion org ang organisasyong humahawak sa buong Branwar. Isa itong malaking organisasyon na katulad ng mga mafia at ang sabi pa nila ang scorpion org ang eraser ng mga mafiang hindi patas kung lumaban." Patuloy lang ako sa pakikinig sa mga sinasabi sa akin ni mang Tobin.

Grabe, hindi ko alam na may organisasyon din pala na naglilinis sa mga mafia. Ang akala ko lang ay tanging mga mafia lang din ang nagpapatayan.

Bigla atang nabuhay ang dugo ko ng marinig kong may tsansa pa akong makalabas dito. Wala na akong pakialam kahit na maging isa akong myembro ng scorpion org ang importante lang ay ang maka labas ako dito at malaman ko kung sino ang pumatay kay master at makapag higante dito.

Kailangan ko lang manalo sa darating na tournament, hanggang makapasok ako sa finals. Kaya ko to.. kakayanin ko.


----------------------------------------------------------------------------------

Hi guys,. pasensya na kung maikli lang ang UD dito babawi lang ako sa susunod.,

Do vote, comment and share guys., Thanks ., :)

The Outlaws (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon