"San ka nanggaling, die?" napahinto ako sa pag- akyat sa grand staircase ng marinig ko ang boses ni zelos sa itaas. Napa roll eyes lang ako sa kanya at nagpatuloy na sa pag akyat.
"Die!! Tinatanong kita kaya sumagot ka." Malakas na sambit neto sa akin at hindi ko siya pinansin at dinaanan lang.
"Die.., sumagot ka sa tanong ko. Saan ka galing hah? Magkasama ba kayo ng jin na yun? Sinasabi ko sayo.. delikado siya die. Mapapahamak kalang doon." Napakuyom ako ng kamao at napahinto sa paglalakad at hinarap siya habang nakasunod siya sa aking likod.
"Wala kang pakialam kong saan ako pupunta at kung sino ang kasama ko." Sambit ko dito sa seryosong tinig, at tiningnan ko ng matalim ang kanyang mga matang unti- unting nababahiran ng galit.
"Wag mo akong pagsalitaan ng ganyan, isang hamak na ampon kalang ng empire na pinulot ni master sa gilid ng daan!!" That's low blow... napa- nga nga ako saglit at napalaki ang aking mga mata sa biglang pagsambit ni zelos sa galit na tono ng boses niya.
Bigla atang uminit ang ulo ko at matalim ko siyang tiningnan, habang tila nahimasmasan na siya sa kanyang pinagsasabi sa akin.
"d- die.. I-Im.. sorry.." di ko siya pinansin,. At napahakbang ako pa- atras ng humakbang siya palapit sa akin at napahinto.
"Tama ka isang hamak na ampon lang ako ng empire na to at si master ang pumulot sa akin, kaya wala kang karapatan na pagsabihan ako ng ganyan. Wala ka ding karapatan na pagbawalan ako sa sinumang tao ang sasamahan ko at pakikitunguhan. At wala ka ding karapatan na pahimasukan ang mga desisyon ko., news flash zelos, itong hamak na ampon ng empire na to ang siyang sunod mong paglilingkuran. Tandaan mo yan." Tinalikuran ko na siya at hindi ko na hinintay kung ano pa ang kanyang sasabihin. Kahit magmakaawa pa siya sa harap ko, sino siya para pagsabihan ako ng ganun? Sino siya para controlin ako?
Isang tao lang ang susundin ko at yun ay si master. Ayoko nang maging weak, ayoko nang ako ang palaging pino- protektahan, at ayoko nang ako ang laging kinakawawa.
Binuksan ko ang pintu-an at malakas na sinirado ito at sumilampak sa kama ko.
Hindi ako iiyak,. Hindi ako magpapadala sa kanyang sinasabi. Hindi..
Maaga akong umalis ng masyon at sinakyan na and ducatti monster ko. Hindi na ako kumain dahil nawawalan ako ng gana kapag nakikita ko ang pagmumukha ni zelos. Sa lahat ng tao sa loob ng mansyon siya ang kahuli- hulihang taong ine- expect ko na magsalita ng ganun bagay sa akin.
Pinilig ko nalang ang ulo ko at pinabilisan pa ang takbo ng motor. Mabilis akong nag park sa pinaka dulo ng parking lot ng school. Nilibot ko ang paningin ko sa buong parking lot at napataas ang aking kilay ng makitang pininturahan na nila ito ng bago para makuha ang mga doodles at graffiti. Wala na din dito ang mga kotseng puno ng pintura at sira.
Parang walang may nangyari sap raking lot ah. Inayos ko na at nilagay ang helmet ko sa motor ko at pumasok na sa loob ng travenson academy.
Hindi muna ako dumiretso sa locker room para kumuha ng gamit kundi dumiretso ako sa canteen para bumili ng bottled water at sandwich. Pagkatapos kong bumili inumpisahan ko nang kainin ang sandwich papunta sa locker room.
Napataas ang isa kong kilay ng Makita kong nakasandal sa locker ko si zelos. Ininom ko muna ang tubig ko at patuloy lang sa paglalakad dito. Napa- diretso naman siya ng tayo at napatingin sa akin habang papalapit na ako sa kanya.
"Die.." mahinang banggit niya sa pangalan ko pero hindi ko siya pinansin. Binuksan ko ang locker ko at hinalungkat na ang mga notebooks na nandito at ilang libro.
BINABASA MO ANG
The Outlaws (Complete)
AcciónGenre: Action, Adventure, Random, (chaos, war, gangster, academy, university, red, blood) Language: tagalog, English Date started: April 30, 2016, 11:11pm Rated PG This is a work of fiction, any resemblance to any other stories are pure coin...