"Kailangan mo talagang mag ensayo ng mabuti dahil sa susunod na linggo ay kasali kana sa tournament." Napatango naman ako kay mang Tobin ng magsalita ito habang hinahawakan niya ang aking tuhod dahil sa nag ku- curls- up ako dito.
Napa- upo naman ako ng malagpas ko na ang 300 curl- ups. Tinanggap ko naman ang maliit na towel na puti ng iabot niya ito sa akin.
"Pero die, kailangan mo ding mag- ingat dito. Hindi kasi basta- basta ang mga taong nakapalibot dito lalong- lalo na ang nasa top 3 ng tournament. Silang tatlo ang dapat mo talagang paghanda-an." Napatingin naman ako ng may pagtataka kay mang Tobin ng sabihin niya iyon.
"Ang ikatatlo sa ranking si Jena, isang dating mafia reaper. Isa sa mga mababangis na babaeng reaper noon. Hindi ko lang nga alam kung anong mafia ang kanyang binibilangan. Napasok siya dito sa kadahilanang trinaidor niya ang kanyang mafiang famiglia. Naging matigas ang ulo at hindi sumunod sa utos ng kanilang head." The heck? Grabeh naman pala, hindi ko alam na isang babae pala ang nasa top 3 akala ko puro mga lalaki lamang ang napasok doon.
"Ang ikalawa si Sebastian, isang assassin. Kaedad mo ata ang isang ito Die, yan lang ang impormasyong nakalap ko tungkol sa kanya at syempre ang tanging rason kung bakit siya nandito ay nadakip siya sa huling mission niya habang pinapatay neto at tino- torture ang isang gang lord at 3 mafia reapers na nakita niya. Mukhang baliw ang isang ito at palaging nakangiti sa tuwing lalaban sa arena." Napalunok naman ako at inabot ang isang bottled water na nasa tabi ko, binuksan ko ito at ininom habang tila hindi ko masyadong ma feel ang tubig na dumadaloy sa aking lalamunan.
"At ang ikatlo o ang nasa top ng ranking, si Ares. Sa edad na 47 ay matikas at malakas pa din ito. Walang masyadong impormasyon ang isang ito at talagang tago pati na ang kanyang classification kung ano ba talaga siya pero, isa lang ang alam namin tungkol sa kanya. Siya daw ang pumatay sa tagapag- mana ng Puting dragon." What the fuck? Bigla atang tumigil ang mundo ko ng marinig ko kay mang Tobin ang impormasyong iyon.
Ang sabi nila sa akin ay hindi nila alam kung sino ang pumatay sa anak ni primo o ni master. Bakit? Bakit nandito siya kung hindi nila alam? Baka iba ang rason neto kung bakit siya nandito. Damn, kailangan kung malaman ang katotohanan.
"Saan ko makikita si Ares, mang tobin?" napalaki ang mata ni Mang tobin ng itanong ko iyon sa kanya. Bigla naman siyang tumingin- tingin sa paligid namin at medyo lumapit siya sa akin.
"Anong pinagsasabi mong bata ka? Hindi ka pweding lumapit at magpakilala lang kay Ares. Mamamatay ka hindi kapa nakakalapit sa kanya. Isang delikadong nilalang si Ares, bata. At please lang bata, wag na wag kang lalapit sa kanya hanggat hindi pa ito oras ng tournament." Yun lang, at biglang tumayo si mang tobin at naglakad na paalis.
"Tumayo kana at mag- ayos bata. Maghahapunan na mamaya." Pahabol na sabi neto at patuloy na siya sa pag- alis. Napabuntong- hininga naman ako at napahawak sa pendant ng kwentas na nasa loob pa ng aking damit.
Primo, anong gagawin ko?
----------------------------------------------
"handa kana ba bata?" napatingin ako kay Mang tobin ng magtanong ito sa akin, ito ang unang beses na sasabak ako sa tournament na ito. Punong- puno ng mga tao ang buong stadium na ito na nasa lower level ng Branwar. Mga prisong katulad namin ni Mang Tobin ang nandito at manonood sa lingohang laban na ito.
Hindi lang pala mga priso ang nandito, nandito din at manonood at magbabantay ang ilang mga bantay ng branwar. At ang sabi sa akin ni Mang tobin ay nanonood daw ng laban ang pinuno ng Scorpion Org. Pati na din daw ang ilang miyembro ng council nila.
BINABASA MO ANG
The Outlaws (Complete)
AçãoGenre: Action, Adventure, Random, (chaos, war, gangster, academy, university, red, blood) Language: tagalog, English Date started: April 30, 2016, 11:11pm Rated PG This is a work of fiction, any resemblance to any other stories are pure coin...