Chapter 4

6.8K 244 4
                                    


"Argh.." mahinang daing ko, unti- unti ko namang minulat ang aking mga mata. Isang nakakasilaw na liwanag ang nakapag papikit ulit ng aking mga mata. Nang maka adjust na ang aking mga mata ay tiningnan ko ang paligid ko.

Isang maaliwalas na silid ang nakita ko na napipinturahan ng kulay skyblue. May isang side table sa gilid ng hinihiga-an ko, may dalawang pintu-an din na magkatabi na nasa harapan ng kama at may isang pintu-an naman sa kaliwang bahagi ng kama.

"Aw!" daing ko ng biglang bumangon ako. Napahawak ako sa aking tagiliran ng maramdaman ko ang pamamasa neto. Tiningnan ko ito at nakitang nakabenda ito sa ilalim ng isang pajama top. May naka turok sa kamay ko na dinadaluyan ng dugo, at ngayon ko lang naalala ang nangyari sa akin kagabi.

"Puta.., ahhh.." daing ko ng bunutin ko ang nakaturok sa kamay ko, at unti- unti kong binaba ang aking mga paa sa kama. Kailangan kong makaalis sa lugar na ito, hindi ko alam kung nasaan ako kaya kailangan kong makaalis dito.

Bigla akong napatingin sa pinto ng bigla itong bumukas. Napahawak ako ng mahigpit sa kumot ko. Isang katandaang lalaki ang bumungad sa akin at isang lalaking naka tuxedo at isang babaeng naka uniporme ng pang maid na may dalang tray ang pumasok sa silid.

"Mabuti naman at gising kana." Sambit ng matanda sa akin, tiningnan ko lang hanggang sa umupo siya sa isang sofa na nakaharap sa aking kama. Nakatayo naman ang lalaking naka tuxedo sa kanyang kanang likuran at yung babae naman ay pinatong lang ang tray sa side table ko at yumuko at lumabas na ng silid.

"Die Akira Soliman, 17 yrs old at anak sa ibang lalaki ni Erminda Chavez.. Ibang tao ang nagbigay ng second at surname mo. Pinalayas ka sa bahay nyo at doon ka naman natutulog sa isang abandonadong bahay sa kabilang kanto ng baranggay nyo. Minamaltrato at sinasakit ka ng ina mo., may grupo kang binibilangan pero ngayon ikaw nalang ang natitira sa kanila. Di ka din nakapag aral mula bata hanggang ngayon." Tuloy- tuloy na sambit ng matanda sa akin ng makalabas na ang babae sa pintu-an at maisara ito. Nanlalaki naman ang aking mga mata sa kanyang pinagsasabi. Paano niya nalaman lahat ng mga iyun?

"Sino ka?? Paano mo nalaman lahat ng mga iyon?" nakakunot- noong tanong ko dito, mas humigpit pa ang hawak ko sa kumot na nakatabon pa sa aking ibabang bahagi ng katawan.

" Phoenix Arwan Kushimoto o mas kilala bilang primo ng kushimoto empire." Nanlalaki ang aking mga mata ng marinig ko ang kushimoto empire.

"Ikaw yun.., ikaw ang big boss ng mga puting dragon!" gulat na sambit ko dito habang nakaturo ako sa kanya. Napatango naman siya sa akin at dumekwatro. Ang mga puting dragon o kushimoto empire ay ang tinaguriang ultimate assassin ng mga mafia families. Alam ko ang tungkol sa kanila dahil may nakabanggaan na din kaming mga Mafioso pero pasalamat nalang kami dahil isang maliit na sector lamang ang grupo na iyon. Tsaka may isang libro akong nabasa noon., libro tungkol sa mga iba't- ibang mga mafia families noong una nilang henerasyon.

Isa ang puting dragon sa tatlong malalakas na mafia families, Black phoenix, white dragon at red basilisk sila ang tinaguri-ang grand trinity na siyang pinaka delikadong banggain.

"A- anong ginagawa ko dito?" tanong ko dito sa mababang tinig habang nakayuko ako at pinaglalaruan ko ang pajama top na suot ko ngayon.

"Nakita kita sa gilid ng daan, nakahandusay maraming galos at sugat at may nakatusok na sanga ng kahoy sa iyong tagiliran na pinagtumbahan mo. Nakita din namin ang ilang mga miyembro ng black caiman na may hinahanap sa loob ng gubat." Sambit neto sa akin dahilan para mapatingin ako sa kanya.

"Kainin mo yang mga pagkain at maligo., may mga damit sa loob ng closet. Ipapadala ko nalang si annie para matulungan ka niya. Pagkatapos pumunta ka sa silid aklatan may pag- uusapan tayong dalawa." Sambit neto ulit at tumayo na siya at naglakad papunta sa pinto at lumabas kasama na ang lalaking naka tuxedo kanina.

Napasapo nalang ako sa aking noo. Kahit gustuhin kong umalis at tumakas sa lugar na ito ay di ko magagawa, nakapasok ako sa kushimoto empire at siguradong kamatayan ang parusa sa mga sinumang lumabag sa utos ng big boss.. Naku,. Ano na namang kamalasan ang nangyayari sa akin?


----------------------------------------------------------------------------

Do Comment and vote guys.., thanks',. :)

The Outlaws (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon