Zach's POV
Sumakay ako sa tricycle papuntang school. Naalala ko yung babae na tropa ni Dianne. Sobrang taray kasi. Tsk. Ang arte pa, kala mo naman may germs yung kamay ko. Palagi kaya kong naghuhugas ng kamay for her information.
Hindi pa umaalis si Manong Drayber kasi kulang pa ng isa. Yun yung sa katabi ko na seat. Oo, kasi magtropa ata yung sumakay kanina eh ayaw maghiwalay kaya sa backride sila sumakay.
Edi sila na. Sila na ang may forever! Wala nga ko nun.
Hindi joke lang syempre, gagawin kong forever kami ni Mika. Kahit na nanliligaw pa lang ako sa kanya ay aaminin kong gusto ko talaga siya. Mahal na nga kung tutuusin.
Maya-maya lang ay may sumakay na din sa tricycle at tumabi sa'kin. Dahan-dahan niyang isinarado ang payong niya at nilagay yun sa bag niya. Wait, parang pamilyar siya?
Naka-earphones siya. Medyo Chinita. Pakurba ang labi. Matangos ang ilong. Morena. Buhok na may pagka-blonde sa baba? Teka? May kulay ba buhok niya?
"Anong kailangan mo Kuya?"
Nagulat ako kasi nagsalita siya. Agad kong ibinaling ang paningin ko sa kanya at mas nagulat ako nang bukod sa hindi siya nakatingin sakin ay naka-earphones siya. Pano niya mapapansin yon?
"You stare too much."
Nagsalita na naman siya at nagulat ako dahil parang kiniliti ang buong sistema ko at napangiti ako. Ang cute niya mag-english.
"Why are you smiling?"
Napatingin ako sa kanya ngayon na nakaharap na sakin. Nakatanggal na yung isa niyang earphones sa tainga niya at nakataas ang kilay sakin.
Shit!
Napangiti ako lalo nang naalala kong siya yung babaeng sobrang taray na bestfriend ata ni Dianne. Nakita ko rin ang panlalaki ng mga mata niya. Nagulat din siguro siya.
"Y-You.."
"What?" Wow. Nakakapag-english pala ko.
"Ang FC mo!"
Sumigaw siya sa loob ng tricycle kaya siguro naalarma si Manong Tricycle Driver at inihinto ang sasakyan. Sumenyas siya na wala lang yon at inirapan ulit ako.
Wow. Ngayon lang ata ako naka-encounter ng babaeng sobrang taray..at sobrang...hmm mas maganda si Dianne sa kanya pero kung tititigan mo, iba yung dating ng ganda nitong babaeng to.
Para siyang Heavenly Body na ibinaba sa Earth.
Bakit? Well, three impressions na makikita mo agad unang kita pa lang sa kanya...
She's cold. She's so hard to reach. She's beautiful.
Para siyang kometang ibinagsak sa Earth. Sandali. Hindi kaya? Alien siya? Pero may ganto bang kagandang alien? Wow. Ano kayang specie niya?
"Anong pangalan mo?" Nilingon lang niya ko at umirap ulit kaya tinanong ko ulit,"Hoy Miss, anong pangalan mo?"
Isinalpak na lang niya yung earphones niya sa kabilang tenga at may pinindot sa cellphone. Hala? Minax volume niya? Shit. Ayaw niya ba kong kausap? Bad breath ba ko?
Napailing ako sa inisip ko. Nag-toothbrush ako kanina. Imposibleng bad breath ako. Sadyang mataray at suplada lang tong babaeng to.
Parehas sila nung isa nilang tropang maputi na may straight na buhok. Yung parang White Lady. Parehas silang Cold, Hard to Reach at maganda pero iba tong babaeng kasama ko.
BINABASA MO ANG
The Story of Us
Ficción GeneralI used to think one day I'll tell the story of us. How we met and the sparks flew instantly. And people would say,"They're the lucky ones."