Hailey's POV
Nakakaasar na Zach yon! Pero mas nakakainis ang sarili ko! Argh! Bat nga ba ako pumayag na samahan siyang bumili ng regalo para sa girlfriend niya?
Bakit nga ba Hailey?
Fine! Sumama ako sa kanya kasi gusto ko siyang makasama! Argh!!! Ang landi ko naman pakinggan!! Nakakaasar talaga! Ganto ba talaga pag nagkaka-crush?
At bakit ang sexy niya tumawa over the phone? Aish! Hanggang ngayon paulit-ulit na nagre-rewind sakin yung tawa niya. Bakit nga ba napakasexy?
Or baka ako lang ang naseseksihan?
"Hailey!!! Pasok na tayo!"
"Ay sexy!" Napatalon pa ko. Ito naman kasing si Dianne, bigla-biglang pumapasok sa kwarto ko.
Ngumiti siya ng napakalawak,"Oo kams! Tanggap ko namang sexy ako! Tara na nga!"
Inirapan ko na lang. Asan kaya ang sexy sa kanya? Pero joke lang yon, sexy naman talaga si Dianne, ayoko nga lang sabihin sa kanya kasi kakapal lalo pagmumukha niyan.
"Ano kams? Tulala ka na lang forever?" Natigilan siya sa pagsasalita,"Ay wala nga palang forever."
"Ang bitter mo. Kung kayo talaga, kayo talaga."
Nanahimik na lang si Dianne nang sabihin yon ni Irene sa kanya. Ako? Eto, nakatingin sa kawalan. Hinihintay kasi namin si Rica dito sa tambayan namin. Ang tagal nga eh.
"Andyan na pala kayo!" Bungad ni Rica pagdating niya. Kami naman ay halos mapairap sa kanya.
"Hindi wala pa! Wala pa kami dito!" Pilosopong sagot ko sa tanong niya.
Nag-pout si Rica,"Sorry na nga. Lilibre ko--"
"Pinapatawad ka na namin Rica-babes! Tara na!"
Napailing na lang kaming dalawa ni Irene sa kabaliwan ni Dianne. Ewan ko ba dyan. Simula nung nag-break sila ni Migs, ayan, nabaliw na. Minsan nga pakiramdam ko, pinepeke na niya yung mga tawa niya.
At yon ang nakakalungkot pag nagmahal ka: PALAGI KANG MASASAKTAN.
At ang tendency nun is magbabago ka. You see, pag ka nasasaktan ang tao, automatic na nagbabago. And siguro, change is overtaking Dianne.
Hindi naman kami against doon. Kaibigan namin si Dianne and tanggap namin siya.
"Carbonara sayo Irene? Eh ikaw Hails? Anong gusto mo?"
Napaisip ako. Ano nga bang gusto ko? Hindi ba ang gusto ko lang naman ay hindi maging unrequited love itong nararamdaman ko, pero imposible yon eh. Kahit san naman kasing angulo tingnan, unrequited pa rin ang kalalabasan.
"Woi!"
Napakurap ako ng pinitikan nila ko ng kamay sa harapan. Ay sh*t. Ano nga ulit yung tanong ni Rica?
"Ano nga yon?"
"Sabi ko kung anong gusto mong pagkain."
"Uhmm. Pansit na lang."
"Okay! Tara na Dianne!" At hinila na ni Rica si Dianne papunta sa counter samantalang ako, naiwan kasama si...Irene.
"Anong iniisip mo 'Lei?"
Hindi ko siya sinagot. Dalawa lang naman kasi ang mangyayari dyan. Kung sasagot ako, magsisinungaling ako pero kung hindi ako sasagot, malilito siya at kukulitin ako lalo.
"Lei?"
"Wala. Wala akong iniisip." Ang dami kong iniisip, si Zach, si Mika, yung puso ko.
"Sure ka--"
"Musta kayo ni Mark?" Pag-iiba ko ng topic. Ito na nga marahil ang hidden talent ko, ang iiwas sakin ang usapan.
"Okay naman kami 'Lei. Ipapakilala ko na rin siya kaila mama."
Napangiti ako dahil natuwa ako sa umaambang love story ng pinaka-cold kong kaibigan. Nakita ko rin yung ngiti niya. Iba eh. Yung tipong may something. Ewan. Ganon siguro pag in love ka.
Pagkatapos ng Recess incident ay niyaya ko silang dumaan sa may room nila Matt. Si Rica ay hindi maitago yung ngiti sa mukha niya. Wow ah? Parang may something din.
"Anong ngiti yan Rica?" Tanong ko sa kanya. Napatingin naman siya sakin pero pilit niyang tinatanggal ang ngiting yon.
"Uhmm. Wala. Masaya lang ako."
"Talaga lang ha?" Ma-try nga,"Wag na lang kaya tayong dumaan sa room nila Matt? Magta-time na oh?"
Tatango na sana yung dalawa kaso umawat si Rica. Dumaan na daw kami kasi baka hindi rin kami magkita ni Matt mamayang uwian. Napangisi tuloy ako. Affirmative. Mukhang lumalalim na talaga yung pagka-crush ni Rica sa kababata ko.
"O.M.G! Maayos na ba itsura ko? Hindi ba ko haggard? Hindi ba messy yung buhok ko? Hala. Baka may dumi sa mukha ko?" Kukunin niya sana yung salamin niya sa bag niya pero hindi niya makita,"Hala! Yung salamin ko! Aish! Sa CP na nga lang!"
Kaya buong naglalakad kami papunta sa may floor nila Matt. Ayun at puro ayos si Rica ng mukha. Sinisipat-sipat niya yung mukha niya at baka daw kasi may dumi siya doon. Nakakahiya daw sa mga tao.
Tss. Kung alam niyo lang. Hindi sa mga tao nakakahiya, kay Matt yan panigurado.
"Anong meron?" Bati ni Matt samin habang ipinapakita yung dimples niyang malalim. Sinulyapan ko si Rica sa may likod namin nila Dianne na nakatalikod. Hay nako.
Binulungan ako ni Dianne,"Natatawa ako kay Rica."
"Ako rin." At nag-apir kami. Si Irene? Tahimik lang na nakatabi samin and as usual, hindi nakangiti.
"Ano nga?" Iritadong sabi sakin ni Matt. Aba? Bat ang high blood nito?
"Si Rica daw kasi. Ayun oh." Tinuro ko si Rica na nakatalikod at walang ka-alam-alam na sine-set-up na namin siya.
Tumaas ang kilay ni Matt,"Bakit?"
Kunwari pa itong si Matt. Hindi na nga mapigilan ang pagngiti eh,"Lapitan mo na."
Hindi ko na inintay ang kasagutan ni Matt basta hinila ko na sila Irene palayo doon. I'm sure talaga magpapasalamat yan si Rica kapag nakabalik dito sa room.
"Eh kams? Ano sa tingin mo? Tatanggapin ko pa ba?" Tanong sakin ni Dianne paglipas ng tatlong araw na kasabugan niya.
"Ewan ko sayo." Kibit-balikat kong sagot.
Tumabi naman siya sakin at humiga sa kama ko kaya ganon din ang ginawa ko. Maya-maya lang ay nagbuntong-hininga siya.
"Gusto ko siyang tanggapin kams. Migs deserve a second chance."
"Ikaw kams. Kasi ang sakin lang, sinaktan ka na niya. Tapos ngayong sinaktan siya nung babaeng yon, babalik na naman siya sayo? Ano siya?" Kumanta ako,"Nawawala, bumabalik, eto na namaaaan!"
"Papatunayan naman daw niya yung sarili niya eh. Don't worry kams, I'll play hard to get."
"Aba, dapat lang." Umismid ako at si Dianne ay tinitigan ako ng matalim,"What?"
"Eh kayo ni Zach? Anong nangyari?"
Ayun, nag-date kami (is that a date?) Tapos binilhan niya ko ng libro. Tapos sobrang sexy ng tawa niya. At ang guwapo niya pa. Fvck! Bat ba napaka-Adonis ng kaanyuan niya?!
"Kams?" Natauhan ulit ako sa boses ni Dianne.
"Ano yon?"
"Ano ngang nangyari?"
"W-Wala naman. We're friends." Na sana 'more than that'.
BINABASA MO ANG
The Story of Us
General FictionI used to think one day I'll tell the story of us. How we met and the sparks flew instantly. And people would say,"They're the lucky ones."