Pumasok ako sa school na may kakaibang nararamdaman. Pano ba naman, sinalubong ako ng isang nakakakilig na text galing kay Zach kaninang umaga.
From: ZACH.
Goodmorning Hailey! Eat your breakfast! Sana nakatulog ka ng mahimbing kagabi!! ♡
Napangiti ulit ako nang naisip ko iyon. Nakakakilig. Bat ba may heart iyon? I mean, may girlfriend siya right? Is he flirting?
Napailing ako sa naisip ko. Typo lang siguro. Napindot niya lang siguro yung heart. Hindi naman niya ko lalandiin eh.
"Hoy babae! Kanina ka pa nakangiti! Anong nangyayari sayo?" Nanlaki ang mata ni Dianne,"My god! Wag mong sabihing na-engkanto ka?!"
"Baliw hindi!" Inilabas ko ang cellphone ko at ipinakita sa kanya ang text ni Zach. Ngumiti siya pero nag-pout din agad.
"Ano sa tingin mo? Tama ba na kinikilig ako?"
"Ewan ko kams, alam mo namang may 'Mika' yan diba?" Usal ni Dianne habang nag-action pa ng quotation mark gamit ang kamay niya.
"Yun na nga eh. Pero ewan, di ko maiwasang hindi kiligin. Sariling hormones ko na ata ang nagdidikta. Ewan."
Maya-maya ay biglang nag-ring ang bell. Signal iyon na magsisimula na ang Flag Ceremony at dahil nga gusto kong makipag-kompetensya kay Rona...
"Guys magsipila na kayooo." Mahinahon kong sabi unlike Rona na sumisigaw.
Mean mang ituring (kahit mean talaga ko) pero pakiramdam ko ay talagang mas gusto ako ng mga kaklase ko. Saka pa lang kasi sila pumila nang tinawag ko sila.
Tumingin kaagad ako kay Rica at nginitian siya. Yung ngiting mapang-asar.
Halos malukot ang mukha niya habang nagsasalita,"Bitch."
"At least sayo lang." Nginitian ko ulit siya bago umalis. Woooh! Success!
Ewan ko ba. Ang saya-saya ko pag naaasar si Rona. Masyado na ba akong masama kung ganon ang pakiramdam ko? Inuunahan din naman niya kasi ako. She deserves my attitude after all.
"Castillo! Musta? May nabalitaan ako ah?" Lumapit ang kaklase ko at bumulong,"Y-yung kay Alwyn?"
Napapikit ako. Pilit ko kasing inaalis sa utak ko yon at oo, walang alam ang mga kaklase namin. Basta na-kick out si Alwyn, yun na yun. Walang explanation. Ang nakakaalam lang ng tunay na nangyari ay ako, sila Dianne at si Zach.
Unless sinabi ni Zach sa iba.
"Anong nabalitaan mo?" Tanong ko. Ganto kasi dapat ang tamang strategy para hindi ka magmukhang guilty. You need to ask.
"Na-kick out daw siya dahil nakipagbugbugan." Wews. Akala ko naman kung ano na.
"Ahh. Ganon? Sige thank you."
"Akala ko kasi may kinalaman sayo. Baka kasi...karibal niya?"
Mabilis akong umiling sa kanya at tumalikod kaso saktong pagkatalikod ko ay napadikit ang ilong ko sa ilong ng isang lalaking pinaglalaanan ng effort nitong puso ko sa pagtibok.
Damn! Bat ganon? Bakit sobrang lapit namin at tila na-e-estatwa ako? Bakit hindi ako makagalaw? Am I just plain awkward or am I mesmerized by him?
Hindi ko na alam. Ramdam na ramdam ko ngayon ang kuryenteng dumadaloy sa sistema ko dahil sa mga ilong namin na magkadikit. Parang tumigil ang mundo and I can even smell his damn breath!
"A-ah..uhmm."
Yumuko ako at umiwas. Dumiretso ako sa may side nila Dianne na nagkukwentuhan ngayon at hindi man lang napansin ang nangyari. Si Irene lang ang bumulong sakin.
"I saw it. Full." Ngumiti siya at ngumiti na rin ako.
Pero di ko pa rin maiwasang maisip. Am I just complicating things? Hayst. Bakit ba kasi wala akong karanasan sa ganto? Hindi ko tuloy makontrol.
Agad ko rin namang binalewala iyon dahil kailangan ko pang makipagsabayan kay Rona. I really need to show her that the spot light's is not above her. It's above everyone. It's for everyone. Not only for her.
Pagka-recess ay dumiretso ako sa corridor para mag-sight seeing. Si Dianne kasi ay kasama si Migs ngayon. Si Rica naman, ayun, kasama rin yung ka-MU niya. At si Irene? Nasa loob, kasama si Mark, yung halata namang may gusto sa kanya kaso sa sobrang manhid ni Irene, ayun. Friendzoned.
Napunta na lang tuloy ako dito. Forever alone. Ganon naman kasi diba? Kailangang matuto ka kung paano ka mabubuhay mag-isa, hindi yung masasanay ka na may taong laging nandyan.
Kasabay ng pagnguya ko ng Potato Chips ay ang paggalaw ng tainga ko dahil sa naririnig ko sa may room nila Zach. Hindi naman kasi sobrang layo nun. Actually, katabi nga lang ng room namin.
"Asan ba si Melendez?" Mapanuyang saad ni Girl 1.
"Yiee. Kinikilig si Mika." Saad naman ni Girl 2.
At may malambing na boses na sumagot,"Ano ba! Tara na nga sa room!"
Napasimangot ako. Nakakainis. Magkakacrush na nga lang, doon pa sa may crush ng iba. Kung hindi nga lang talaga tanga ang puso mo Hailey!
"Patabi ah?" Tumaas ang kilay ko dahil tumabi sakin si Zach. Damn, his scent,"Itago mo ko kaila Mika."
Magtatanong sana ako kung bakit pero hindi ko na nagawa. Isiniksik na kasi niya ang sarili niya sakin at hindi ako makapag-concentrate sa ginagawa niya. It's disturbing!
"Y-yung kanina pala.." Pagsisimula niya ng topic.
"Ano namang meron?"
"Baka kasi..uhmm..na-awkward ka sakin? Wag naman sana Hails."
"Hindi naman. May ikaka-awkward ba ko?" Oo Zach! Na-awkward ako! Nakakainis! Andami kong nakikitang kung ano-anong nakapaligid sating dalawa kanina! Idagdag mo pa ang mga pesteng paru-paro sa tiyan ko at ang boltahe ng kuryenteng dumadaloy sa sisitema ko!
Damn! You're making me sick!
"Wala lang. Akala ko kasi meron." Ngumiti siya,"O sige na. Papasok na ko ah? Pumasok ka na rin sa room mo." At tinapik niya ko sa likod.
Ako naman ay malungkot na napatitig sa pagkain ko. Ano ba yan, masyado akong naguguluhan sa nararamdaman ko. Masyado akong nalilito. Hindi ko na alam kung mabuti ba to o masama.
Pagkarating ng uwian ay hiwa-hiwalay ulit kaming apat. Gusto ko kasing magpaiwan dahil may libreng sighting dito sa school mamayang gabi. May lunar eclipse kasi.
Pagkarating ng alas-syete ay inanunsyo na nung teacher na magsisimula na kaya agad akong naglakad papunta doon sa lugar na malayo sa mga ibang schoolmates namin kaya nagulat ako nang may tumabi ulit sakin.
Zach.
Tinitigan ko siya habang nakasandal ako sa may railings ng flagpole. Payapa siyang nakatingin sa langit kaya tumingin na rin ako hanggang sa siya na mismo ang nagsalita.
"Mahilig ka talaga sa panonood ng iba't-ibang nangyayari sa universe no?"
Tumango ako.
"I don't know. Gustong-gusto ko lang talaga na masilayan ang buwan, bituin at kung ano-ano pang mga weird na nangyayari. It's absolutely wonderful Zach. The weird things, the phenomenal experiences...lahat."
"Well. Kaya nga siguro 'Hailey' ang pangalan mo." Nginitian niya ko,"Cause you're a part of the mistifying universe."
Hindi ko na siya inimikan. Ang nararamdaman ko na lang kasi ngayon ay ang pag-aalab ng dibdib ko. I'm flattered. I'm surprised. Ewan na, basta I saw sparks fly above us.
BINABASA MO ANG
The Story of Us
Fiksi UmumI used to think one day I'll tell the story of us. How we met and the sparks flew instantly. And people would say,"They're the lucky ones."
