Chapter 19: Guilt

7 1 1
                                        

Habang naglalakad ako papunta sa room namin ay may nakabangga ako na mabangong guwapo pero snobber. Hindi man lang nag-sorry at nilagpasan ako! Aba! Hindi ako ginaganon!


Hinabol ko tuloy yung lalaki at binatukan sa ulo. Tss. Nakakaasar! Kahit naman guwapo siya, hindi siya dapat nangagaganon ng babae!!


Humarap sakin itong guwapong to pero nakasimangot siya at nakahawak pa sa parte ng ulo niya kung saan ko siya binatukan,"Ano ba miss?!"


"Ano rin ba Mister?" Nakapamaywang ako at nakatingala sa kanya. Ang tangkad naman kasi nito!


Tinaasan ako ng kilay nitong lalaki at ganon din ang ginawa ko sa kanya. Tss. Sino ba siya? Akala ba niya matatakot ako sa kanya?


Hell no!


"Wait..." Tinanggal nung lalaki yong salamin niya at inilapit yung mukha niya sakin,"Hailey Shanelle Castillo."


Hala? Sino ba tong lalaking to? Bat kilala niya ko? Oh well, baka kilala lang talaga niya ko. (Whooo taas ng bangko nitong babaeng to)


Nagtataka ko siyang tinignan. Iniisip ko kasi kung secret admirer ko to? Omg. Ang guwapo naman.


"Hindi mo ko secret admirer kung iyon ang iniisip mo." Nanlaki ang mata ko nang sinabi niya iyon pero mas nanlaki pa iyon nang nagsalita siya ulit,"Sumama ka sakin sa Private Lounge ng Council."


Teka, sino ba to?! Bat niya ko isasama doon? Tsk. Pero hindi naman porket sinabi niya, gagawin ko diba?


"At bakit naman ako sasama sayo? Kilala ba kita?"


"Neil Ryan Reisler for your information." Ngumisi siya habang ang mga mata ko ay nanlalaki. Sh*t! Si Ryan ba talaga to?!


Tinitigan ko siya ulit. And fudge! Si Ryan nga! Nagpagupit kasi siya kaya medyo nag-iba yung mukha niya but what the eff Hailey! Ano ba tong pinasok mo?


Pero kailangan compose lang, kunwari hindi ako natatakot. Phew. Pero kunwari lang naman yon kasi nakakatakot naman talaga yung sitwasyong to!!


"And so Ryan? A-Ano naman?" Fudge! Bat ba ko nag-stutter?


"Wow? At talagang nire-regain mo pa ang composure mo kahit na nginig na nginig na yang mga labi mo ha?" Pumalakpak siya,"Nice talent."


Inirapan ko na lang siya at tumalikod na ko. Nakakainis. Argh! Bat nga ba nakabangga ko pa tong president naming mayabang?


"Hep hep. Bat mo ko tinatalikuran?"


Humarap ako sa kanya,"Bakit? May naglalakad ba ng nakaharap? Tss. Gwapo ka sana kaso wala kang common sense. Dyan ka na nga."


Finlip ko pa yung hair ko nang tumalikod ako sa kanya. Wala lang. Nakakakaasar kasi.


"Uh-huh? Talagang tatalikuran mo ang president ng school na to?"


"Bakit?" Humarap ako sa kanya,"Tingin mo ba lahat ng tao dito takot sayo? Pwes hindi at isa ako doon."


Nagdire-diretso na ko sa room para hindi na ko masundan ni Ryan. F*ck, he's so handsome! Nako! Kung alam ko lang sana na ganon kaguwapo ang president namin!


Pero eww, masyadong antipatiko! Akala mo napakaguwapo! Ay oo na! Guwapo na siya! Pero kahit na! Wala siyang karapatan na mangganon ng babae!!


Nakasimangot ako pagkapasok ko ng room, nagtanong tuloy sila Irene kung bakit ako nakasimangot. Hindi ko na lang sila inimikan at umupo na ko ng tahimik sa upuan ko.


Pero hindi ko pa man nananamnam yung moment ko sa upuan...


"Excuse daw po kay Ms. Castillo." Ngumiti sakin yung isang member ng council,"From the president po."


The eff!


"Hailey, you can go." Nakangiting saad nung teacher namin. No Ma'am, I can't! Hindi niyo po alam, baka may trap sa headquarters!


Tumayo ako para naman hindi masyadong halata na may ginawa akong hindi kaaya-aya kanina.


"Mukhang may mali siyang ginawa ah." Tumatawang sabi ni Rona, inirapan ko muna siya bago ako sumagot.


"Mukha lang, eh ikaw?"


Pagkasabi ko nun ay pinuntahan ko si Jana sa may pintuan at isang awkward na ngiti ang pinakawalan niya sakin at ganon din ang ginawa ko. Siguro kasi alam namin parehas na may ginawa akong kasalanan kay Ryan kanina?


Tahimik naman ang headquarters nang makarating kami doon. Ano kayang patibong ni Ryan ang nandito? Tss. Baka mamaya may isandaang ipis na lumakad papunta sakin! Naku, ayaw ko nun!


"Bat ang tahimik dito?" Nilingon ko si Jana pero nagulat ako nang si Ryan na pala ang katabi ko,"Oh? Bakit mo ko pinapunta dito?"


"Para magbayad ka sa ginawa mo."


"Ano namang ginawa ko?"


"Sinasagot mo ko." Nilapitan niya ko doon,"And that's one thing that you shouldn't do."


"Bakit? Kasi naapakan ang ego mo? Tss. For your bruised ego? That's all?"


"And so what? Presidente ako dito and I can do whatever I want." Ngumisi siya,"At sinabi rin sakin ni Rona yung ginawa mo kay Janelle, don't you know that she's my sister?"


Nanlaki ang mata ko. Kapatid niya yon? Tss. Kaya pala parang ang lakas ng kumpiyansa ni Rona na mapapagalitan ako. Tss. Curse her!


"Ano? Hindi ka na makaimik dahil alam mong talo ka?" Mapang-asar pang ngumisi tong siraulo na to. Eh kung batukan ko kaya?


"Ow sh*t!!" Matalim ngayon ang titig sakin nung presidente naming mahangin,"Ano bang problema mo!!"


"Wala! Eh sa nakakainis ka! Ang antipatiko mo! Hindi porket guwapo at sobrang tangos ng ilong mo! Manggaganyan ka na!"


Ngumisi siya lalo,"O eh di inamin mo rin, ang guwapo ko diba?"


"Guwapo ka nga, ang pangit naman ng ugali mo! Wala pa rin! Kaya ka siguro hindi nagkakaroon ng girlfriend ay dahil ganyan ka!"


Nanahimik si Neil nang sinabi ko ang mga katagang yon. Naguilty naman ako. Sh*t. Pero bahala siya, hindi ako magso-sorry. Pinutol niya ata ang pisi ng pasensya ko sa kanya.


"Ayan, buti naman nanahimik ka na. Next time kasi piliin mo yung taong tatakutin mo." At nilayasan ko siya doon kahit punong-puno ng guilt yung sarili ko.

The Story of UsMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon