Hailey's POV
"Oo na Ange, papunta na nga. Sandali lang." Sigaw ko sa cellphone na nasa harapan ko.
May gagawin kasi kaming project ngayon at ako yung leader nila. Hindi naman sa nagrereklamo ako pero para kasing ayaw ko umalis ng bahay dahil baka makasalubong ko si Zach. Na-weirduhan kasi ako nang tumawag siya sakin kagabi.
"Mahal na mahal kita Hailey. Seryoso ako. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko samin ni Mika kasi nahulog ako sayo. Hulog na hulog."
Umiling na lang ako. Halata naman sa boses niya na lasing siya at yon siguro ang dahilan kaya ganon, wala naman kasing maayos na nasasabi ang taong tinamaan na ng alak.
"Oy Hailey!" Napalingon ako kay Mark na naka-white tees at naka-red na pants. Sabay kaming pumasok sa loob nung café, doon kasi ang meeting place namin ng buong grupo.
Napasimangot ako nang napagtanto kong tapos na ang meeting time pero kaming dalawa pa rin ni Mark ang nandito. Nakakaasar talaga tong mga group mates ko. Filipino time af.
Nakipagkuwentuhan na lang ako kay Mark dahil baka mamaya ay may dumating rin. Ganon naman talaga diba? Kailangan busy ka habang naghihintay para hindi ka naiinip.
"Haileeeeey!!" Tumatakbo si Angelica habang palapit sa table namin ni Mark. Agad ko siyang binatukan kasi ang ingay niya. Pinagtinginan tuloy kami ng mga tao.
"Peace." Nag-peace sign pa ang g*ga. Kasama niya sila Julie at sila Anne. Sinabi rin niya na yung ibang kagroup namin ay didiretso na sa paggagawaan namin ng project.
"Pati sila Ryde, doon na didiretso?" Tumango si Ange sa tanong ko. Wow, so that means...
Si Irene na lang ang hihintayin namin dito.
"Mark. Samahan mo muna ko sa may department, please?"
Whooo! Ang saya sigurong maging cupid ng araw na to. May plano ako eh and I'm sure na maganda ito!!
Pumayag naman si Mark kaya sabay na kaming pumunta sa loob ng dept. Pinabili ko na rin siya ng mga kakailanganin na pagkain para samin. Syempre, baka magutom kami sa shoot.
To: Irene
Rin? Pwede doon ka na dumiretso sa department store nitong katabi nung café? Thank you.
Abot-tainga ang ngiti ko nang sinend ko iyon kay Irene. I'm really sure that this plan will work!
"Ugh Mark, pupuntahan ko lang sila Ange ha? Pakihintay na lang ako dito."
Tumango si Mark habang nakaukit sa mukha ko ang ngiting tagumpay. Sana nga lang maging maayos ang takbo ng Operation: MarkRene.
"Tara na guys. Alis na tayo." Yaya ko sa kanila nang makatapak ako sa café.
"Si Mark saka si Irene?"
"Naku, kaya na nun yung mga sarili nila. Tara na!"
Pagdating namin sa pagshoo-shootingan nung short film ay doon ko pa lang nakita yung flood texts at missed calls nila Irene at Mark. Binasa ko iyon.
From: Irene
Hoy Hailey Shanelle! Umayos ka ha!
Hailey naman! Akala ko ikaw yung nandito?
Oy Hailey! Humanda ka sakin mamaya!!
Napatawa na lang ako dahil puro death threat yon. Woah, I'm scared.
BINABASA MO ANG
The Story of Us
Genel KurguI used to think one day I'll tell the story of us. How we met and the sparks flew instantly. And people would say,"They're the lucky ones."