Zach's POV
"I love you Hailey. Mahal kita."
Pagkatapos kong sabihin lahat ng tungkol sa nararamdaman ko sa kanya ay kinabahan ako. Alam ko na kasi. Alam ko nang bibiguin niya ako. Alam kong sasakit na naman ang puso ko dahil sa kanya.
Pero tila ata nag-iba ang takbo ng mga mundo namin nang nagsalita siya.
"I love you too Zach."
Nanlaki ang mga mata ko pagkasabi niya nun. Hindi ako makapagsalita. Hindi ko rin alam kung anong nangyari lalo na nung naglapit na ang mga mukha naming dalawa.
Pvta.
Nakikita ko na naman ang mapupula niyang labi. Pati na rin yung ilong niyang matangos at yung makinis niyang mukha. At kahit alam ko sa sarili kong kaya ko na siyang halikan ngayon, may pumipigil pa rin sakin.
Siguro ganon kapag mahal mo talaga. May respeto ka at ako, ayokong kunin ang first kiss ng babaeng mahal ko.
Kaso bigla siyang pumikit. Tang*na. Paano ko pipigilan ang sarili ko kung nakapikit na si Hailey at mukhang handang-handa na? Tang*na talaga.
Nilabanan ko ang buong sistema ko at tinitigan lang siya. Naputol lang ang pagtitig ko sa kanya nang bigla siyang dumilat at nagtaas ng kilay.
"What?"
Tumawa ako. Ang cute kasi tignan ni Hailey. Para siyang nabigo. Akala ko ay mapuputol na ang kung ano mang nararamdaman ko nang dumilat siya kaso bigla siyang nag-pout.
Aba tang*na! Hindi ko na talaga ata mapipigilan to!
Napailing na lang ako at ngumiti. Bahala na. Hinawakan ko ang kaliwang pisngi niya saka siya hinalikan.
Agad niyang sinuklian ang halik na yon. Hindi ko tuloy mapigilan ang sarili ko lalo na't alam kong gusto ko rin at gusto rin niya. At pvta, ang sarap halikan ni Hailey.
Naramdaman ko ang pag-angkla ng dalawang kamay niya sa batok ko. Nanghihina na siguro ang isang to. Pero pvta, talagang hindi siya tumitigil sa paghalik sakin!
Bumaba din ang kaliwang kamay ko sa likod niya habang nasa buhok niya ang kanang kamay ko. Tang*na. Nararamdaman ko ang baywang ni Hailey at fvck! Natu-turn-on ako!
Hinalikan ko ang leeg niya. Nagulat tuloy ako nang umungol siya. Tang*na. Ang sexy nun.
"Zach~~"
Alam kong nabigla rin siya nang marinig ang sariling boses dahil napatakip siya ng bibig. Mas lalo pa akong na-turn on dahil doon.
"Hindi ko alam na napakaganda mo pala kapag umuungol."
Dinilat niya ang mga mata niya at siguro'y napagtanto kung ano ang itsura namin ngayon. Nakapatong na rin kasi ako sa kanya. Akala ko ay hihinto na siya pero nagulat ako nang hinigit niya ang ulo ko at parang gusto pa ulit akong halikan.
"Aggressive." Komento ko.
Naghalikan pa ulit kami doon. Hindi ko na alam basta kakaiba ito at hindi tulad ng pakiramdam kapag si Mika ang kahalikan ko. Iba talaga si Hailey.
Napahinto lamang kami sa paghahalikan nang may biglang nagsalita sa likod namin.
"Oh my God."
At nakita ko si Mika doon. Gulat na gulat siya. Agad naman akong napatayo at ganon din si Hailey na halatang hindi pa nahihimasmasan sa ginawa namin.
Hindi ko siya masisisi kung wala siya sa wesyo. Alam kong first kiss niya yon at ganon pa ka...wild.
"Zach...papanong?"
Napatingin ako kay Mika kaso nagulat ako nang bigla niyang sinabunutan si Hailey. Agad ko namang pinigilan si Mika at hinarangan si Hailey gamit ang likod ko.
"Pvtang*na Mika! Anong kailangan mo?"
May tumulong luha sa mata ni Mika pero pinabayaan ko yon,"Zach! Inagaw ka ng babaeng yan sakin!"
"Hindi tang*na! Hindi siya ang dahilan kung bakit ako nakipag-break sayo!"
"B-break?" Narinig ko si Hailey mula sa likod ko. Hindi niya siguro inakalang makikipag-break ako kay Mika.
"Hindi ako naniniwala! Knowing you!" Tinaas ko lang ang kilay ko kay Mika at hinigit si Hailey paalis na kaso nagsalita pa ulit ang ex ko.
"Tang*na Zach! Ano?! Mas magaling ba siya sa kama kaysa sakin?! Yon ba? Yon ba ang dahilan kaya pinagpalit mo ko sa kanya?"
Nagpantig ang tainga ko sa narinig at sasaktan na sana si Mika kung hindi lang ako pinigilan ni Hailey.
"Zach wag na. Halika na.."
Natigilan si Mika at napatitig kay Hailey,"Sandali...hindi ba ikaw yung binuhat ni Zach na nahimatay noon? At ikaw...si Hailey. Ikaw yung may-ari nung wish list?!"
Clueless si Hailey sa pinagsasasabi ni Mika. Malamang, hindi naman niya alam na ako yung nakapulot nung wishlist niya.
"At ikaw rin yung palaging nababanggit ni Zach na pangalan tuwing magkasama kami?"
Pinisil ni Hailey ang kamay ko. Siguro nararamdaman niyang malapit nang mag-hysterical si Mika. Pero hindi, hindi kami aalis dito.
"Oo siya nga." Sagot ko sa tanong ni Mika.
"B*tch! Kailan kayo nagsimula ni Zach?! Kailan ka niya naikama?! Tang*na! Zach! Hindi pa ba ko sapat?!"
Nagulat na lang ako nang hinubad ni Mika ang polo niya. Pati si Hailey ay nag-panic rin.
"Oh my God! Don't strip your clothes!" Sigaw ni Hailey sa kanya pero hindi nakinig si Mika at ipinagpatuloy ang paghuhubad.
Binulungan ko si Hailey,"Pipigilan ko ah? Dito ka lang."
"O-okay." Tumango siya.
Nilapitan ko si Mika,"Tang*na! Itigil mo nga!"
"Zach! Mahal na mahal kita! Zach!!" Inilapit niya ang katawan niya sakin pero pinigilan ko siya.
"Isusuot mo yan o iiwan ka namin dito?"
"Zach!" Umiiyak na si Mika. Nakakaawa man pero alam kong mali kung sasabihin kong mahal ko siya kahit hindi naman.
"Mika tumitig ka sakin."
Kumintab ang mata ni Mika,"Ano Zach? Mahal mo pa ako diba?"
Umiling ako,"Break na tayo Mika. Akala ko naintindihan mo na nung araw na yon? Bakit parang hindi ata? Mika, mas marami pang lalaki ang mas deserve ka kaysa sakin. Iba ang mahal ko Mika at alam kong iba rin ang mamahalin mo balang araw. Malay mo mas guwapo pa kaysa sakin. Balikan mo si kuya Ryan. You deserve each other. Thank you Mika...and I'm sorry..."
"Zach..."
Tinalikuran ko si Mika at nginitian si Hailey.
"Anong sabi niya?"
"Hayaan mo na siya Hails. Maiintindihan naman niya. Malay mo bukas, maging thankful pa siya dahil nakipag-break ako sa kanya."
Tumango lamang si Hailey kaya naisip kong magtanong sakin.
"Uhmm Hailey."
"Ano?"
"Totoo ba yung sinabi mo kanina?"
"Na ano?"
"Na mahal mo ko..."
Hindi sumagot si Hailey bagkus ay ngumiti lang at hinalikan ako sa labi. Smack lang pero naramdaman ko yung pagmamahal niya.
"Is that enough?"
"Oo. Tara na at umuwi?"
BINABASA MO ANG
The Story of Us
Ficción GeneralI used to think one day I'll tell the story of us. How we met and the sparks flew instantly. And people would say,"They're the lucky ones."
