Chapter 3: Friends

3 1 0
                                    

Zach's POV


"Pre san ka punta?" Inakbayan ako ni Melvin. Agad ko namang tinanggal iyon saka nagsalita.


"Dyan lang. Maggagala lang ako."


At iyon nga. Nag-ikot ikot ako sa campus. Iniwasan kong tumingin sa iilang magandang mga babae. Andami kasi eh. Kundi mga kapwa ko highschool ay college. Meron din naman sa elementary kaso mga bata pa yun.


Hindi ko mapuntahan si Mika sa room niya ngayon dahil busy daw siya. Ayoko namang magpumilit dahil baka meron pala yun at magalit pa sakin. Naku, ayoko ng ganon.


Tumambay ako sa may dulo ng school. Dito lang kasi yung tahimik na part. Matutulog na lang ako kaysa lumandi pero binuklat ko muna yung papel na nadampot ko kanina. Wala lang, babasahin ko.


Wishlist 20**

*TRUE Friends

*1001 books

*Bookshelf

*Unique Gift for my birthday

*Happy Memories

*Achievements

*Find him<3

By: Hailey Shanelle T. Castillo


Wews. Kay Hailey pala to. Pero bakit gusto kong ibigay sa kanya yung ilan dito? Tulad nitong libro? Bakit parang gusto ko siyang bilhan?


Argh. Bahala na nga. Bibilhan ko na lang siya. Tiniklop ko na yung papel at nang isasaksak ko na sana sa tenga ko yung earphones ko ay may narinig akong sumisigaw.


"Gusto mo ako! Sinasabi mo lang yan dahil na-turn off ka pero gusto mo ko!"


Babalewalain ko na lang sana yon kaso narinig ko yung boses nung kometa. Oo, di man ako matalino pero madali akong makatanda ng boses at sigurado akong kay Hailey yon.


"Hindi sabi kita gusto! Bakit ba pinipilit mo ang isang bagay na imposible namang mangyari?!"


Mabilis ko lang silang nakita dahil saktong pagtayo ko ay namataan ko na sila. Nakasandal si Hailey sa pader at yung lalaki ay nakaharap sa kanya. Wait..si Alwyn Legaspi ba yon?


Tumakbo ako papunta doon dahil gusto kong makita kung pano paluluhurin ni Hailey sa mga paa niya si Alwyn pero nanlaki lang ang mata ko nang nakita kong hinawakan ni Alwyn ang dalawang kamay ni Hailey at hinawakan nito ang leeg niya gamit ang daliri niya.


Pvta!


Mabilis akong tumakbo papunta doon at mas lalo kong nakita at narinig ang pinagsasasabi nila. Mas lalong nag-alab ang galit na hindi ko alam kung saan galing. Naikuyom ko ang palad ko.


"Mukhang masarap ah?"


Nakangisi si Alwyn at umiyak naman si Hailey. Papalapit na ang mukha ni Alwyn sa leeg ni Hailey and I know that damn move. Agad ko siyang sinapak at natumba agad siya. Wews, isang suntok lang pala to eh.


Pinabayaan ko na siya doon at agad kong dinaluhan si Hailey na napaupo habang umiiyak. Nagulat ako dahil may kakayahan din pala siyang humikbi.


Itinayo ko siya at dahan-dahang inilayo doon. Pinaupo ko siya sa may nakaangat na ugat ng puno roon. Umiyak lang siya ng umiyak. Pakiramdam ko ay nanlalambot ang puso ko.


Hindi ko alam kung bakit pero gustong-gusto kong pasiyahin siya ngayon. Parang winawasak din ako habang naiyak siya eh. Aish. Hindi ko na alam.


The Story of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon