Zach's POV
Ganito pala yung pakiramdam ng na-reject. Pvta naman. Karma na ba to? Karma ko ba to sa nagawa ko kay Ryan noon? Kasi tang*na. Kung karma to, sana tumigil na, sobra na ang sakit eh.
"Oh bro? Bat bigla kang nag-aya?"
"Oo nga. May problema ka ba tol?"
Tahimik ko lamang na nilingon sila Migs at Melvin saka uminom ng alak na inorder namin. Umirap na lang yung dalawa. Tss. Hindi ko naman talaga aayain tong dalawang to kaso nga lang ayokong uminom dito mag-isa.
Kasi diba? Paano kung malasing ako? Walang mag-uuwi sakin. Kaya kailangang nandito tong dalawang to.
"Tss Zach. Tama na nga." Pag-awat sakin ni Melvin nang tuloy-tuloy na akong umiinom,"May problema ka ba?"
"Oo nga Zach. Kasi tol, kung may problema ka, dapat sinasabi mo samin. Kasi paano namin reresbakan yang kaaway mo--"
"Mga g*go kayo. Hindi ko kailangan ng resbak."
"Eh ano palang ginagawa namin dito?" Nagtinginan silang dalawa,"Tara na nga. Alis na tayo dito."
"Hoy mga tang*na niyo. Iiwan niyo ko dito?"
Nilingon ako ni Melvin,"Eh kasi naman tol! Ayaw mong magsalita! Di tuloy namin alam kung anong silbi namin dito!"
Naiintindihan ko naman yang mga pag-iinarte nung dalawa. Kanina pa kasi kami dito at alam kong sawa na agad sila sa mga view na nakikita nila.
"Uminom pa kasi kayo--!" Pero bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay nakatanggap na agad ako ng batok galing sa dalawang kumag na to,"Ano? Hoy masakit yon!"
Umiiling si Migs,"Pinagbawalan ako ni Dianne uminom pre. Bat kasi gusto mo pa dito?"
Nakalimutan ko yon. Oo nga, baka mapagalitan pa ni Dianne itong si Migs tapos kasalanan ko pa. At ayoko namang mangyari yon. Ayoko ng makasira pa ulit ng isang relasyon.
"Eh ikaw Melv?"
"Pre sasama ako kay Migs kung san man siya pupunta." Umakto pa to na parang bakla,"Diba babe?"
"Pvta Melvin! Hampasin kita ng bote eh!"
Kung siguro ay wala akong problema ngayon, malamang nabatukan ko rin tong si Melvin. Pero ang nararamdaman ko lang ngayon ay tuwa. Nakakatuwa kasi kitang-kita ko ang pagmamalasakit nitong mga g*go kong kaibigan sakin.
Alam ko naman na kaya nila kong samahan dito kahit hindi sila mag-inom pero dahil alam nilang mag-iinom ako, gusto nilang umalis kami dito.
"Salamat mga pre."
Natigilan sila sa pagbabangayan pagkasabi ko nun at nagkatinginan. Para nga silang mga nabigla nang narinig akong nagpasalamat. Nabatukan ko tuloy. Mukha ba talaga akong hindi marunong magpasalamat?
"Ang sakit Zach ah! Pvta. Bat ka nagpapasalamat?"
"Tang*na Melvin! Lasing na yan!"
Binatukan ko ulit silang dalawa,"Mga g*go kayo. Hindi pa ako lasing. Pero seryoso ako mga tol, napapagaan niyo yung loob ko ngayon."
Ngumiti naman yong dalawa at umupo ulit sa mga inuupuan nila kanina. Tahimik lang silang nakiinom ng alak doon. Walang nagsasalita pero alam nila sa sarili nilang may papakinggan silang isang katulad ko.
"Nalilito ako eh. Posible ba talaga yon?" Nagkatinginan kaming tatlo bago ako nagsalita ulit,"Posible ba yung magmahal ka ng isang pa habang mayroon ka pang dapat mahalin?"
Umubo si Migs,"Si Mika ba at Hailey?"
Tumango ako. At napatingin kay Melvin nang pumalakpak ito.
"Pvtang*na pare. Nahulog ka kay Hailey habang kayo ni Mika?" Tumango ako,"Tang*na pre. Seryosong usapan nga yan."
"Hindi ko alam Melvin. S-sinabi ko kay Hailey. N-Nagtapat ako sa kanya--"
"Talaga pare! Nagawa mo yon? Tang*na! Isa kang tunay na lalaki! Onti lang ang nakakapagtapat doon dahil malupit mang-reject yon."
Tumawa ako,"Kaya nga Melvin eh. Ang sakit ng rejection pag galing sa kanya."
Napailing naman si Migs sa may kaliwa ko,"Grabe Zach. Hindi ko akalaing maiinlove ka kay Hailey." Nag-tss pa siya,"Pero paano si Mika?"
"Pero Zach..." Napatungo si Hailey,"Paano si Mika? Masasaktan siya."
"Hindi ko alam Hailey. Hindi ko talaga alam. Pero makikipaghiwalay ako sa kanya." Tumingin ako sa kanya,"Yun ay kung sasabihin mong mahal mo rin ako."
"Migs sa totoo lang. Naniniwala ako doon sa sinasabi nilang hindi ka magmamahal ng pangalawa kung mahal mo yung una."
Tumango silang dalawa pero naunang magsalita si Migs.
"Oo pare eh. Huhulaan ko yung nasa isip mo." Huminga siya ng malalim,"Handa kang makipaghiwalay kay Mika para kay Hailey no?"
Tumango ako,"Syempre pare. Kaso sabi ni Hailey hindi naman daw niya ko gusto. Pero ayoko namang ipagpatuloy ang kung anuman kay Mika gayong puro si Hailey na ang umiikot sa utak ko."
Umiling si Melvin,"Masasaktan mo si Mika pare." Napa-face palm pa ito,"Pvta pare. Ang hirap naman ng sitwasyon mo."
"Oo Melv eh. Kaso ayos na yon. Ayos nang masaktan ko si Mika ngayon kaysa naman patuloy akong magpanggap sa harapan niya na ayos lang ang lahat. Kaysa magpanggap ako na talagang mahal ko pa siya pero hindi naman." Ininom ko yung alak na nasa baso ko,"Ayoko nang makakita ng taong nasasaktan."
"Ganto kasi pare eh." Tumingin saming dalawa ni Migs si Melvin,"Kung pag-aaralan mong mahalin si Mika, baka maibalik mo pa. May tsansa pa kayo. Pero kung pipiliin mo pa rin yang si Hailey na tinanggihan ka na, pre, wala kang makukuha sa kanilang dalawa."
"Melv kasi. Hindi naman to vending machine na kailangan mong pumili eh. Ang kailangan kasi dito ay yung desisyon ni Zach. Pre, ako nagsasabi sayo, ikaw lang ang tunay na makakasagot at makakaintindi dyan sa sitwasyong pinasok mo."
Diretsong tumingin sakin si Migs.
"Pero bibigyan kita ng hint pre. Doon ka ba sa terminong 'ipipilit' o doon ka sa terminong 'magtitiyaga'? Your choice pare. Pero isa lang ang biktima dyan."
Nagkatitigan kami saka nagkaisa sa sagot.
"Si Mika."
BINABASA MO ANG
The Story of Us
Ficción GeneralI used to think one day I'll tell the story of us. How we met and the sparks flew instantly. And people would say,"They're the lucky ones."
