Chapter 11: What Was That?

6 1 0
                                    

Naaasar na talaga ko kay Zach! Argh! Bat ba kasi naging crush ko yung taong yon samantalang napakayabang at napaka-arogante naman?!


Nagtext kasi siya sakin kagabi. Akala ko nga kung ano na, nagulat na lang ako sa text niya. Ganto kasi ang laman:


Hi Hailey, crush mo daw ako? Totoo ba yon? Paki-confirm naman pero sana wag mong i-deny.


See? Assuming (pero totoo naman diba?) But argh! Wala akong balak i-confirm sa kanya yon!!! I mean, wala akong choice kung hindi i-confirm yon dahil kung titignan sa text niya, hindi siya maniniwala kung ide-deny ko iyon at wala akong balak sabihin sa kanya na crush ko siya. I'm not like Rona.


Oo, si Rona kasi naghahabol doon sa crush niya. Ayoko ng ganon. Nakakababa ng pride at ang pangit tignan sa babae na desperada.


*booogsh* (sound ng nagkabungguan)


Ay hala yung mga gamit ko! Argh! Mapulot ko lang talaga tong mga to, gigiyerahin ko yang nakabunggo sakin!


"Wait. Shanelle?" Lumingon ako dahil tinawag yung second name ko, ang cute diba? Shanelle.


"M-Matthew?" Halos manlaki ang mata ko nag tumango siya kaya hinawakan ko pa yung ulo nitong lalaking kaharap ko,"Waaaah! Totoo ka! Matt-Matt!!!"


Niyakap ko siya. Syempre, ganon naman diba ang reaksyon pag nagkita kayo nung taong ilang taon mo ring hindi nakita? Kababata ko kasi ito siya at nung 8 years old ko lang siya huling nakita. Siya lang rin naman kasi yung tumatawag ng 'Shanelle' sakin.


Pagkatapos naming damputin yung mga nagkalat kong gamit ay naglakad na ulit kami habang nag-uusap. Aba, namiss namin ang isa't-isa.


"Musta? Tagal din nating hindi nagkita ah.." Bitbit niya yung ilan kong gamit. Ang dami ko kasing bitbit na kung ano-ano eh.


"Okay lang naman. Ikaw ba? Nyaaay! Baka madami ka nang chiks ah!" Pag-aakusa ko. Ang guwapo kasi nito eh.


"Grabe ka? Hindi ah. Pero madaming nagkakacrush sakin." Argh! Ayan na naman yang crush-crush! Naaalala ko si Zach!


Umirap ako,"Psh. Teka.." Napansin kong hindi siya naka-uniform,"Wala kang pasok?"


"Wala. Alam mo naman yung school ko hindi ba?"


"Ay doon ka pa rin? Naks! Forever na this!" Biro ko sa kanya. Doon kasi siya sa school na yon nagsimula, mula pa nung nag-summer classes siya nung 3 years old kami.


"Ako pa ba? Syempre loyal to!" Napailing ako. Totoo talaga yung saying na 'True friends don't need to talk everyday but when they meet, it's as if they won't stop talking all day'.


"Ihahatid na lang kita sa school niyo."


Mariin akong umiling sa alok ni Matt. Nakakahiya naman kasi kung magpapahatid pa ko. I mean, kaya ko naman kasing pumasok mag-isa.


"Sige na Hailey. Ano? Ayaw mo kong kasama?" Humarap si Matt sakin at nag-pout,"Hindi mo ako namiss?"


Binatukan ko siya,"Argh! Oo na! Hatid mo na ko pero itigil mo na yung pag-pout. Mukha kang aso." Asong gwapo rather.


"At least cute." Binatukan ko ulit siya,"Tara na nga!"


Nilibre niya ko ng pamasahe sa tricycle. Nakakahiya man pero ayos na yon, at least nakalibre ako ng pamasahe. Sino bang hindi tatanggi sa libre nowadays?


Pagkababa namin sa may tapat ng school ay itinuro ko agad sa kanya yung Ice Cream Stand doon.


"Sige na Matt! Ilibre mo na ko! Ngayon lang tayo nagkita diba?" Pamimilit ko sa kanya pero ayaw niya talaga,"Sige na Matt! Pleaseeeee?"


"Ayoko nga. Baka madumihan pa yang uniform mo."


"Grabe ah! Hindi na ko ganon kakalat kumain! Baka ikaw yon!" Angal ko sa sinabi niya.


Nung mga bata kasi kami, we used to be a mess. As in super kalat namin kumain. Super kulit. Super harot. Ganon, kaya nga siguro nagkasundo kami ni Matt eh. Parehas kaming baliw.


"Ayoko pa rin. Hindi ako kumbinsidong maimis ka na kumain ng desserts. Na-trauma na ko doon sa cake."


"Grabe ka Matt! 7 years old pa tayo non!" Tch. Ang tibay talaga ng memorya nitong mokong na to.


Yung cake pala. Yun yung birthday party ng kapatid niya. Invited ako kasi siyempre, kaibigan at close friend nila ko. Teka, parehas lang yon diba? Ugh nevermind.


"Hatiin na nga kasi natin yung cake!" Pamimilit ko. Wala lang, masarap kasi yung cake na inorder nila. Chocolate tapos may Batman na laruan.


Bukod kasi sa gusto kong kainin yung cake, gusto kong kunin yung Batman. Ang galing kasi niya eh! Idol!


"Hindi pa nga pwede Shan-shan! Kailangan pa nating kumanta!"


Inirapan ko si Matt. Ang epal talaga nito. Palagi na lang akong pinipigilan sa kung ano-ano.


"Tch. Bahala nga kayo."


Takot akong humawak ng kutsilyo dahil pinagbawalan ako ni mama kaya ang ginawa ko, ginamit ko yung kamay ko para makakuha doon sa cake. Bahala na. Ang mahalaga lang ay makakain ako.


"Hoy Shanelle! Anong ginagawa mo!!" Sinigawan ako ni Matt sa tainga kaya nainis ako. Pinahid ko tuloy sa kanya yung cake na kinuha ko.


Sa sobrang inis ni Matt, kumuha din siya ng cake at ipinahid sa mukha ko. Ginantihan ko siya. Nagpatuloy ang ganon. Ibinato ko pa sa kanya yung Batman na laruan. Resulta? Ayun, na-murder yung cake. Kalat na kalat yung chocolate sa sahig at sa mga mukha namin ni Matt. Naalala ko pa nga si Marcus na umiiyak dahil nasira yung cake niya.


"Basta ayoko."


Tss. Pahirapan naman tong lalaking to! Nakakaasar ah? Pwede ba boys wag masyadong pakipot? Pag may babaeng nagpapalibre sa inyo, ilibre niyo na. Di kasi talaga bagay sa lalaki ang pakipot.


"Ayoko na. Nagtatampo na ko." Kinuha ko ang gamit ko sa kanya at tumalikod. Sh*t. Sana gumana ang Plan A ko.


"Hoy Shan-shan, akina yan." Whoo. Success!


Hindi ko binigay yung gamit. Bahala siya dyan. Ako naman ang magpapakipot tutal bagay naman sa mga girls ang ganon.


"Sige na nga, ililibre na kitang Ice Cream. Ano bang flavor?"


See? Umepekto yung Plan A ko! Omg Hailey, you're a genius!! Ay masyado akong nagtataas ng sariling bangko. Dapat pala humble lang.


"Chocolate." Nginisian ko siya. Kasabay noon ay ang pagdaan ni Zach sa harapan naming dalawa. Nakatitig siya pero bigla niyang iniwas nung nakita niyang nakatingin ako sa kanya.


Now what was that?

The Story of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon