Chapter 14: Unrequited Love

3 1 0
                                    

February na! Whoo! Buwan na ng mahaharot! Actually, Monday ngayon at nandito kami nila Irene sa tambayan. Wow, bat mukhang napaaga siya ng pasok? Ako kasi yung palaging nauuna dito eh.


Nagulat ako nang bigla siyang humarap sakin. Anong nangyayari? May rebelasyon bang dapat kong malaman?


"Bakit? Anong meron?" Nanlalaki ang mata ko,"Oh my God! Wag mong sabihing nakapatay ka ng tao! Nako Irene! Bakit? Bakit mo nagawa?!"


Binatukan niya ko kaya natigil ang pagdadrama ko,"Baliw! S-si Mark kasi.."


"Oh? Anong meron sa kanya?"


Namumula si Irene ng tinignan ako,"Nagtanong siya kung may chance ba daw.." Yumuko siya,"Kaso ano...hindi ko masagot."


Paktay ka Mark. Si Irene kasi yung tipo ng babae na wala sa utak ang lovelife. Studies lang at anime, sapat na para sa kanya.


"Pero ano..may chance nga ba?"


"Alam mo 'Lei, honestly speaking wala talaga eh. I mean, hindi ko naman sinasabing malabong magustuhan ko siya, pero kahit gaano ko piliting magkagusto sa kanya, wala talaga eh."


"I understand 'Rin. Wag kang mag-alala, kakausapin ko na lang mamaya."


"Thank you 'Lei ah?" Tinanguan ko na lang siya dahil dumiretso na kami sa loob ng school. Di na namin inantay yung dalawang pagong.


Magkatabi kami ni Ryde ng upuan kaya ayun, panay kami kuwentuhan. Nakakatuwa din tong kasama eh, seriously. Maya-maya ay tumabi si Mark samin. Natahimik ako. Naalala ko kasi si Irene, phew, pano ko ba ipapaliwanag kay Mark?


Naglokohan lang kaming tatlo doon pero hindi ako makatawa ng maayos. Wala lang, naaawa ako kay Mark. Kasi parang unrequited love ang dating nila ni Irene, parang samin ni Zach.


Pagkadating ng recess ay hinila ko na si Mark palabas ng room. Delikado, baka may makarinig. Doon ko na lang siya sa may bakanteng building dadalhin.


"Anong meron?" Walang clue niyang tanong. Ako naman ay napabuntong-hininga bago nagsalita.


"Phew. Alam ko dapat hindi ako nangingialam. Alam ko dapat nakikinood lang ako sa love story niyo pero alam ko rin na magkakasakitan lang kayong dalawa kung kayo mismo ang mag-uusap...and knowing Irene? Prangka yon, baka diretsong sumaksak yung palaso sa dibdib mo."



"Nasaksak na naman talaga ko nung pana eh...yung panang galing kay Kupido. Ang lalim oh." Itinuro niya yung dibdib niya at ngumisi,"Nagegets ko Hailey. Wag kang mag-alala."


"Gusto kasi niya sana...uhmm, friends lang."


"Alam ko pero diba...kung ikaw tatanungin ko, may tsansa bang magustuhan niya ko?"


"I dunno. Ask her, baka malaman mo. Ito lang naman yung role ko sa love story niyo eh, the rest is up to the two of you." Pagkasabi ko nun ay umalis ako nang nakangiti. Bravo Hailey, you did your job well.


Sa paglalakad ko ay nakabunggo ko si Rona na may kausap na babae, sh*t. Yun yung sinabunutan ko!!


"Oh. Andito ka pala." Pa-cool kong sabi pero deep inside, kinakabahan na talaga ako. Bullsh*t lang. Ayokong ma-guidance!


"Oo, andito nga kami at balita ko, sinabunutan mo tong si Janelle. Seriously Ms. Castillo?"


Vice President yang si Rona ng school at Secretary ako kaya under pa rin ako. Bw*sit talaga. Baka mapahamak pa ako nito at isumbong pa niya ko kay Ryan. Tch. Bat ko nga ba sinabunutan yang Janelle na yan?


"Why not ask her?" Taas-kilay kong sabi. Ang arte naman nitong Janelle na to, may paiyak-iyak pang nalalaman.


"Pinaalam ko na kay Ryan. Anytime, baka ipatawag ka na lang." Ngumisi si Rona,"Ayaw mo nun? Baka mabigyan ka ng punishment ng disoras."


Inirapan ko na lang siya saka umalis. Just dammit! Terror president si Ryan, gwapo, chinito tas may salamin lagi. Argh! Pag talaga ako nagkaroon ng hindi magandang record sa year na to, humanda sakin yang Rona na yan.


Nakalipas ang dalawang araw pero wala naman, hindi naman ako pinatawag nung presidente namin. Buti na lang.


Ngayon naman ay may program, yung mga nag-cosplay, kasali si Dianne at Cerlyn.  Ang ganda ni Dianne sa suot niyang parang angel na costume na hindi ko kilala kung sino basta anime yon, si Irene naman, naka-Miku na costume. Yung vocaloid.


Napapa-buntong hininga na lang kami ni Rica. Naging dakilang photographer kasi kami nung dalawa at syempre nag-picture din kaming apat. Hindi pwedeng wala, goals kaya yan.


Sinuot ko yung pakpak na costume ni Dianne at nag-picture. Nagulat na lang ako nang bigla akong binulungan ni Zach sa tainga. Halos makiliti ako pero ininda ko yon.


"Hindi mo na kailangan ng pakpak para magmukhang anghel. Isa kang anghel Hailey, at iyon ang pagkakaiba mo sa lahat."


Kinulit ako nila Dianne na sabihin ang sinabi ni Zach pero hindi ko sinabi. Para san pa diba? Saka ayoko na, baka umasa pa ko pag ginatungan nila yon ng kung ano-anong salita. Tulad na lang nung nagkuwento ako sa kanila once.


"Guys alam niyo ba...si Zach ano eh, ilang beses nang nagpapapansin." Naka-pout kong sabi.


Humagikgik si Rica at Dianne samantalang si Irene ay ngumisi,"Alam mo 'Lei, may alam akong ganyang kwento tulad ng sayo. Tungkol siya sa isang girl na nagkagusto sa isang boy na may girlfriend na pero magkakagusto yung boy doon sa girl."


Napalunok-laway ako. Pano kung ganon ang mangyari, hindi ba magiging sulutera ang dating ko? Kasi may girlfriend siya. Hayst. Titigilan ko na talaga to.


"Woi. Ano na namang iniisip mo?" Tumabi si Ryde sakin, ako naman ay ngumisi na lang. Nasa corridor kami ngayon nakatambay.


"Ano nga?"


Napabuntong-hininga ako,"Hayst. Hindi ko na alam Ryde. Ang hirap magkagusto sa may girlfriend. Nagiging sulutera ako kahit sa pag-imagine na magiging kami and I don't like it...ayokong mag-isip ng ganon. Ang problema lang is...hindi ko mapigilan. Hindi ko alam kung pano pipigilan at ang sakit Ryde, masakit."


"Alam mo Hails, ang dapat mong gawin dyan. Obserbahan mo yung lalaki. Tingnan mo kung ano talaga ikaw para sa kanya. Kasi alam mo? Sarili mo lang ang pinapahirapan mo sa pag-iisip. Na-iistress ka lang Hails eh."


"Salamat Ryde. Thank you ah?"


"Salamat na nga, thank you pa?" Natawa ako sa sinabi ni Ryde at napa-aww nang pinisil niya ang pisngi ko,"Ang cuteee mooo! Pero sigurado akong malalagpasan mo rin yang kung anong nasa utak mo ngayon."

The Story of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon