"Mahal mo diba? Mahal mo. Aminin mo na kasi Hailey. Wala namang masama eh, 4th year ka na." Umirap na lang ako.
Sabay kaming pumasok ni Rica at kasalukuyan niyang ipinipilit sakin na mahal ko na si Zach. Damn! Magkaiba ang gusto sa mahal!
First day ng school ngayong taon. Oo, Happy new year! At oo, nalagpasan ko ang isang taon ng buhay at nangunguna kay Rona! Whooo! Bitchy Hailey.
Magkatext lang kami ni Zach buong Christmas Vacation. Minsan nga aayain niya ko ng gala pero hindi ako napayag. Ang weird naman kasi na makikita kaming dalawa na magkasama. May girlfriend kasi siya.
MAY GIRLFRIEND SIYA.
At hindi ko inakalang ganon kasakit na ipagpilitan sa utak ko na meron. Ganto pala yung feeling na may crush ka?
"Napaka-in denial mo Hailey. Tignan mo nga to." Ipinakita niya sakin ang pic namin ni Zach sa phone niya,"Halata naman kasi sa mga mata mo na inlove ka na sa kanya."
Umiling ako. Imposible naman kasing mainlove ako kay Zach agad. I mean, gusto ko lang naman siya diba at hindi na naman lalalim pa iyon.
Tinignan ko na lang yung pic namin sa phone ni Rica. Napangiti ako. Naalala ko kasi yung ball. Yung pagkatapos naming sumayaw.
Napasalampak ako sa upuan ng corridor kaya takang-taka akong tinignan ni Irene. Tinanggal ko rin yung heels ko, masakit eh.
"Anyare? Hindi ka sinayaw?" Aniya habang minamasahe niya yung paa niya. Masakit siguro, ilang minuto din kasi siyang nakatayo kanina ng walang upuan.
Umiling ako,"Sinayaw niya ko kaso ayun...nag-switch agad yung kanta eh. Bastos tsk. Yung sweet song naging party-party agad."
Tumawa siya kaya napatingin na lang ako ng masama. Anong nakakatawa doon? Nasira na nga yung moment ko eh!
Naabutan kaming ganon nila Dianne at Rica kaya ayun, nag-suggest sila ng pic. Tumanggi ako. Baka kasi makita pa ni Mika o ng kaibigan niya at masabunutan pa ko ng disoras.
So ayun, nagkuwentuhan lang kaming apat. Masaya naman hanggang sa sumingit si Zach. Nagtataka ko tuloy siyang tinignan.
"Ano?"
"Uhmm..picture tayo?"
Halos mapatalon ako sa gulat. Damn! He's asking me for a picture! He's the one asking! I wonder kung may nagturo sa kanya?
"Sino nagsabi sayo na mag-pic tayo? Si Migs ba?"
Mabilis na umiling si Migs sa gilid ni Dianne,"Hala. Pano ko naman sasabihin eh kasama ko to." Itinuro niya pa si Dianne.
Nag-pout naman si Zach sa may gilid ko,"Please Hailey? Sige na."
"Ayan naman pala Hailey eh! Tara na! Magpapic na kayo!" Hinila na kami ni Rica para magpapicture at napangiti ako lalo na nang inakbayan niya ko. Damn.
And ta-daa! Nagkaroon na kami ng first pic ni Zach!
Napailing naman agad ako. Mali to eh. May girlfriend na yung tao at maling-mali na nakikiepal pa ko sa love story nilang dalawa ni Mika. Bawal nga makiapid diba?
Nagsimula din naman ang klase. Ang epal-epal ni Rona. Kung di lang talaga ako nag-iingat na ma-guidance baka sinabunutan ko na yan.
Kaso hindi eh, mahirap ma-guidance lalo na at 4th year ako at running for valedictorian pa. Saka na lang pagka-graduate namin. Sasabunutan ko talaga yan.
Napapansin ko din yung medyo pagkakalabuan ni Rica saka yung ka-MU niya. Pati sila Dianne at Migs. Buti pa kami ni Irene, walang iniintindi.
Tulad ngayon, nagdadrama na naman si Rica.
"Eh kasi naman! Ano bang mali ko? May mali ba sa ugali ko? Sa mukha ko? Sa pagkatao ko? Wala naman diba?! Hayst! Pero bakit parang pinagpapalit niya ako sa Ara na yon! Argh! Linga kayong tatlo! Sabunutan natin yan!"
Pinakalma namin siya nila Dianne dahil warfreak talaga itong si Rica. Pag sinabi niya, gagawin niya. Kaya pag sinabi niyang sasabunutan niya si Ara, promise, mangyayari yan.
Kailangan lang nating maghintay ng mga...kalahating araw?
"Hoy Rica! Maghunos-dili ka!"
"Rica! Hala.."
"Whooo Rica!! Kaya mo yan!!" See? Ako lang ang supportive saming apat.
Oo, sinasabunutan na ni Rica itong si Ara. Pinipigilan na nga siya nung dalawa pero ako eto, taga-cheer. Masyado na ba talaga akong masama?
Nang nahila na nila Irene si Rica palayo kay Ara ay halos mapatawa ako. Ang gulo kasi ng buhok ni Ara at para siyang hinabol ng isandaang leon. Aww. I'm so bad.
"Ano ba naman yan Hailey! Imbis na tumulong ka aish." Si Rica yan. Nagrereklamo dahil hindi ko siya tinulungang mansabunot.
Tumawa na lang ako,"Baliw. Edi nalagas na buhok ni Ara kung dalawa tayong nanabunot?"
Tumawa siya sa isinagot ko kaya nagtawanan kami doon. Sila Dianne naman ay napapailing na lang. Kesyo ang baliw-baliw daw namin ni Rica.
Binalewala na lang namin yon. Mahal pa rin naman kami ng dalawang yan.
Sabay kaming umuwi ni Rica nong araw na yon at eto na naman, ipinipilit na naman niyang mahal ko na si Zach.
"Hindi nga sabi. Kulit mo no?" Umirap ako.
"Hay nako Hailey. Sige mag-deny ka pa pero sigurado akong mahal mo na talaga yon. Iba yung spark sa mata mo eh."
"Hindi nga sabi. Isa pang pilit tamo."
"Hayst. Bahala ka na nga." At umalis siya.
Hay nako Zach, nagtampo tuloy si Rica. Pero diba? Hindi ko pa naman mahal si Zach? Ang hirap naman siguro kung mahal ko na siya samantalang may mahal siyang iba.
BINABASA MO ANG
The Story of Us
Genel KurguI used to think one day I'll tell the story of us. How we met and the sparks flew instantly. And people would say,"They're the lucky ones."