Pagkauwi ko ng bahay ay dumiretso ako sa katabi naming computer shop at nag-Facebook. Laking gulat ko nang nakita doon sa 3 friend request ang picture ni Zach.
Omo! Nag-friend request siya sakin!!!
Agad kong kinonfirm iyon at kinlick ang profile niya. Tinignan ko yung mga profile pictures niya. Sh*t bat ang guwapo nito?
In-exit ko iyon at tiningnan ang timeline niya. Nag-scroll up lang ako hanggang sa may makita akong post.
Mikaela Eunice Rivera with Zach Melendez
First picture with him ♡
*insert photo*
Halos i-zoom in ko iyon lalo. Hindi ko napansin yung pangalan dahil masyado akong na-absorb nung picture. Si Zach iyon na naka-side view at isang babae na nakatalikod tapos braided ang buhok.
In-exit ko agad yon dahil hindi ko kinakaya itong malakas na tibok ng puso ko. Hindi ko na alam. Ganto ba ang feeling ng attraction at lust?
I'm new with this feeling even though 4th year na ko, hindi pa naman kasi ako nagkaka-crush. Just like Irene. Sila Dianne at Rica lang naman itong nakaranas pero nakakahiya magtanong. Aasarin lang naman nila ko.
Pinalipas ko iyon hanggang nitong Intramurals. Plano naming mag-attendance lang at umuwi na kaagad (more like gala) pero itong si Irene, hindi makakasama dahil may service.
"Hindi ba pwedeng sabihin natin sa service mo na maggagala tayo?"
Umiling si Irene,"Hindi eh. Mommy will find out."
Nag-pout ako at malungkot na tumango,"The problem with strict parents."
Nagngitian na lang kaming apat doon hanggang basagin ni Rica ang katahimikan,"O sige 'Rin, alis na kami ah?"
"Bye! Ingat!"
Siksikan sa corridors dahil na rin sa mga nagkakagulong estudyante. Sa mga gantong panahon kasi ay halos sabay-sabay ang tournaments tulad ng basketball (kung saan halos lahat ng may status na 'in-a-relationship'), badminton (usually puro girls ang nanonood), volleyball (madami ring nanonood sa game na ito. Usually puro mga magtotropa) at syempre ang pageant (well, lahat naman gustong panoorin ito).
Pero kami? Maggagala kami. Hindi naman siguro kailangan ang bilang namin sa mga audience hindi ba?
Malapit na kami sa may labasan nung building namin nang may makita kaming pinagkakaguluhan. Pumunta kami doon at halos maglupasay si Rica sa kakatili.
"God! It's Sam Palacio! Yung reigning na Mr. Intramurals! Oh my God!!!!" Lumingon siya samin ni Dianne at inayos-ayos ang buhok niya,"Maganda na ba? Okay na?"
Tinanguan na lang namin siya ni Dianne at tumakbo na si Rica papasok sa crowd ng mga tao. Sinundan namin iyon ni Dianne hanggang sa makarinig ako ng pag-uusap na nagpakirot na naman sa dibdib ko.
"Waaah! Ang guwapo ni Sam!" Tili ng isang girl na braided ang buhok. Wait..braided?
"Naku! Isumbong kita kay Zach eh!" Ani naman ng isang kaibigan niya at nagtawanan sila.
As much as I want to look at their faces, hindi ko naman nagawa dahil hinigit na ko ni Dianne. Nakatalikod kasi silang apat na magkakaibigan pero I think yung naka-braid ang may crush kay Zach.
Naabutan namin si Rica na nakikipag-picture na kay kuya Sam kaya nag-abang na lang kami sa gilid. Maya-maya ay nagpa-picture din doon si Dianne. Naku, baka magselos si Migs.
BINABASA MO ANG
The Story of Us
General FictionI used to think one day I'll tell the story of us. How we met and the sparks flew instantly. And people would say,"They're the lucky ones."
