Chapter 10: Heartfail

4 1 0
                                    

3rd week na ng Januray. Ganon pa rin naman ang scenario noong bakasyon. Magkakasama kaming apat tapos magkatext kami ni Zach.


At ngayon, papasok na ko, actually hindi ko na alam. Ayoko na kasing maging crush pa si Zach. Ang hirap-hirap naman kasing magkacrush doon sa taong may girlfriend na! Feeling ko kasi nagiging kontrabida ako ng love story nila.


Tulad kahapon, monthsary nila ni Mika tas ako pa yung pinapili niya kung anong kulay ng Teddy bear ang ibibigay niya. Pati nga kung anong uri ng flower, ako rin pumili.


"Hailey ano?" Taas-kilay niya kong tinignan at ako naman ay naka-pout. Seryoso ba siyang ako talaga ang tatanungin niya ng mga gantong bagay?!


Eh kung sabihin kong bigyan na lang niya si Mika ng ipis at uod?


"Eto oh, cute." Itinuro ko pa rin yung sa tingin ko ay cute na Teddy bear na naka-display sa Gift shop. Wala eh, kahit gusto kong maging selfish, hindi ko magawa.


"Sige. Yan na lang kukunin ko."


Pagkabili niya nun ay dumiretso kami sa flower shop. Halos mabahing ako sa naghahalo-halong amoy ng bulaklak. Hindi ko alam kung talagang amoy nila yon o may iniispray ang mga tindera para doon.


Nagpa-handa siya ng isang dosenang rose doon sa cashier. Cashier ba tawag doon? Hindi ko alam eh.


"Eh bat kasama mo yung girlfriend mo? Akala ko surprise?" Rinig kong sinabi nung 'cashier'. Ako naman ay namula. Ako ba iyong 'girlfriend'?


"Ahh eh..h-hindi ho siya. Iba po yung girlfriend ko." Mautal-utal na sabi ni Zach.


Humingi ng paumanhin yung kausap niya,"Naku sayang naman. Bagay kasi kayo eh."


Sh*t!! Anong sinabi nung babae? Pa-rewind!


"Naku sayang naman. Bagay kasi kayo eh."


Yieee! Bagay daw kami! Pero teka, tao kami diba? Pano kami naging bagay? Psh Hailey, you're so corny.


Pero dibaaa? Ang ibig sabihin nung sinabi nung babae ay may chemistry kami ni Zach! Naku, kung hindi ko lang talaga kasama si Zach ay baka kanina pa ako nag-gimme gimme dito kaso wala eh, nakakahiya.


Pagkatapos naming dumaan sa Flower Shop ay tumigil kami sa may Bookstore. Ayan, bookstore na lang, paulit-ulit na yung shop eh.


Pinaupo niya ko sa bench dahil baka daw pagod na ako. Buti nga naisip niya yon, totoo naman kasi. Pagod na pagod kaya ako. Ako ba naman gawing tagapili ng ibibigay niya sa girlfriend niya?! Tss. Buti sana kung ako yung bibigyan niya eh.


"Dyan ka muna ah? Pasok lang ako sa loob." Ani Zach at agad siyang pumasok sa loob. Ni hindi nga hinintay yung pagtango ko. Tss. Sumosobra na talaga tong lalaking to.


Hindi man lang ba niya ko ibibili ng libro? Aish. Natigil na kasi yung nagbibigay ng libro sakin eh. Tumigil nung Christmas Party at hanggang ngayon, wala pa kong natatanggap pero hindi naman ako nag-eexpect. Nakakaawa din kasi yung kung sino mang nagbibigay sakin, baka mamaya naubos na yung pera nun.


Ang tanong lang ay bakit kaya ako binibigyan? Hayst. Di bale na nga, ang mahalaga madami akong libro.


"Hailey oh."


"What the--phew Zach! Bat ba bigla-bigla kang nasulpot! May lahi ka bang mushroom?"


Tumawa siya at umiling,"Wala ah. Ito oh." Inabot niya sakin yung dala niya at halos manlaki ang mata ko.


The Story of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon