"Alam mo Hails, ang dapat mong gawin dyan. Obserbahan mo yung lalaki. Tingnan mo kung ano talaga ikaw para sa kanya. Kasi alam mo? Sarili mo lang ang pinapahirapan mo sa pag-iisip. Na-iistress ka lang Hails eh."
"Alam mo Hails, ang dapat mong gawin dyan. Obserbahan mo yung lalaki. Tingnan mo kung ano talaga ikaw para sa kanya. Kasi alam mo? Sarili mo lang ang pinapahirapan mo sa pag-iisip. Na-iistress ka lang Hails eh."
"Alam mo Hails, ang dapat mong gawin dyan. Obserbahan mo yung lalaki. Tingnan mo kung ano talaga ikaw para sa kanya. Kasi alam mo? Sarili mo lang ang pinapahirapan mo sa pag-iisip. Na-iistress ka lang Hails eh."
"Argh!!" Pinunit ko yung panlima kong papel na pinagsusulatan ko ng gagawin kong speech sa sobrang frustration.
"Oh Hails? Anong meron?" Matalim kong tinignan si Ryde kaya nagtaas siya ng kilay sakin,"Oh bakit? Anong ginawa ko?"
"Argh! Kasalanan mo to!" Hinampas ko yung braso niya kaya nabigla tong katabi ko.
"Ano ba Hails? Masakit ah?"
Inirapan ko siya,"Eh kasi naman Ryde! Gulong-gulo na ko! Ayoko na talaga!"
"Kung ayaw mo nang talaga, edi ayawan mo. Hindi yung nagdadalawang-isip ka pa. Ano bang problema doon?"
Napaisip ulit ako sa sinabi ni Ryde. Kahit kailan talaga, tama talaga ang nasasabi ng mokong na to pag nagseseryoso.
"Oh ano? Diba tama ako?" Nakangisi siya ngayon. Inirapan ko na lang,"Wews. Ayaw pa umaming tama ako."
"Oo na. May tama ka na. Tsk."
Kaya ayun ang ginawa ko, iniwasan ko si Zach. Halos hindi na nga ko lumalabas ng room dahil alam kong doon siya laging nakatambay sa corridor namin.
"Hailey, hinahanap ka ni Zach. Anong meron?" Tanong ni Rica sakin. Nilingon ko lang siya pero hindi ako nagsalita. Nakatanggap tuloy ako ng palo sa braso.
"Aray! Masakit ha?"
"Ikaw kasi! Ayaw mo pang sabihin samin. Kahit si Dianne, walang ideya kung anong nangyayari sa inyong dalawa. Ano ba talaga 'Lei?"
Napabuntong-hininga ako,"Iniiwasan ko siya."
Tumango si Rica sa sinabi ko at ikinagulat ko iyon. Si Rica kasi, talagang mausisa kaya nakakapagtaka kung ganoon lang ang reaksyon niya. May problema rin ba ang isang to?
"Rica may problema ka 'no?"
"Wala no. Ako pa?"
"Tss. Magsisinungaling ka na nga lang, sakin pa talaga. Ano bang nangyari? May conflict ba sa story ng buhay mo?"
Malungkot na tumango si Rica kaya niyakap ko na lang siya. Niyakap din naman niya ko. Siguro nga ganto talaga, lahat ng tao may problema sa buhay, sa mga istorya nila. Iba-iba nga lang ng dahilan at iba-iba lang ang hirap.
"Salamat Hails." Ani Rica ng kumalas na siya sa pagkakayakap sakin.
Ngumiti ako,"Wala yon. Ano? Kailangan ba naming marinig yan? O sa sarili mo na lang?"
Malungkot na tumango si Rica kaya nginitian ko na lang siya,"Basta lagi lang kaming nandito. Tatlo kami Rica. You can always lean on."
Minsan kasi, may mga bagay na dapat sinasarili na lang. Iyon yung mga bagay na dapat mong harapin nang mag-isa.
"Castillo, dalhin mo muna tong mga notebook kay Ma'am Berroya. Please?"
Tinanguan ko na lang yung president namin sa Filipino kahit sobrang labag sa sarili ko iyong inuutos niya. Hayst. Adviser kasi nila Zach yon si Ma'am B. eh syempre, papasok ako ng room nila, edi nagkita kami? Pano ako iiwas kung ganoon?
Kinuha ko na yung mga notebook saka ako nagpunta sa room nila Zach. Halos mag-orasyon pa nga ako nang papasok na ako doon.
Pero dahil inuuna ko ang pride ko, pumasok pa rin ako ng room nila. Bahala na. Basta iiwasan ko siya hanggat kaya ko.
Hanggat kaya ng sarili kong hormones.
Halos hindi ako humihinga ng nagsimula na akong pumasok sa room nila. Sarado kasi yung sa may likuran kaya dito ako sa may front door ng room nila dadaan. Nasa likod kasi nun yung cubicle ng adviser nila at ang daanan talaga ay sa likod kaso ayun nga, sarado kaya eto. No choice.
Maingay at magulo ang klase nila pagkapasok ko. Halos malukot pa ang mukha ko nang tamaan ako ng isang paper plane. Ugh, seriously? Pano natatagalan ng mga teacher ang gantong klase?
Napairap na lang ako at di na inalintana ang mga tingin sakin nung mga babae sa room nila. Basta maibigay ko lang talaga tong notebook kay Ma'am. I swear! Tatakbo talaga ko palabas dito!
"Salamat Castillo ha? Sige, iwan mo na lang dyan." Ani Ma'am. Busy siya at nakaharap sa laptop, gumagawa siguro ng grades?
"Ah sige po." Nag-bow ako,"Dito na po ako."
Hindi ko na hinintay yung sagot ni ma'am dahil umalis na kaagad ako doon, nagbibingi-bingihan sa mga tawag ni Zach sakin.
"Hailey! Hailey sandali!"
Dire-diretso lang akong naglakad papunta ng classroom namin kahit aware akong hinahabol niya na ako sa may corridor.
"Hailey--!"
Tinakbuhan ko siya. Ang hassle naman kasi nitong corridor namin! Pagkahaba-haba! Daig pa yung nilalakaran ng mga artista sa award's night!
Sa sobrang pagmamadali ko ay ayun, tulad ng inaasahan, nabunggo ako. Ayun tuloy, napasubsob yung puwet ko sa semento.
Ganon naman talaga diba? Pag ka nabunggo ka na sa katotohanan, masasaktan ka talaga?
"Aray ko ah!" Ininda ko yung tumama sa may puwet ko. Hayst.
"Hala miss---Shanelle!!"
Napatingin ako sa taong nakaharap sakin ngayon. Ghad! Si Matt-matt! Waaah! Anong ginagawa niya dito?
"Matt! Anong ginagawa--" Hindi ko natapos yung sasabihin ko dahil bigla niya kong binuhat,"Waaaaah!"
"Matt! Ibaba mo na ko!!" Nagpupumiglas pa rin ako mula sa pagkakabuhat niya sakin. Kasi naman! Pinipilit niya na dalhin ako sa clinic eh ni hindi nga ko nagkagasgas! Masakit lang yung puwet ko pero ganon naman talaga pag nasusubsob diba? That's normal!
Hiyang-hiya pa naman ako dahil sobrang layo ng clinic doon sa building namin. Dadaan ka pa ng field (na madalas tambayan), ng canteen (na laging may tao) at sa gym (na talagang may tao).
"Wow ang sweet naman nung guy."
"Kaso parang pabebe pa si girl."
"Naku, kung ako bubuhatin ng ganyan, yayakapin ko pa siya."
"Pero in fairness, ang guwapo nung guy tapos ang ganda nung girl! Bagay sila!"
Nakanang tong mga taong to. They really never knew the feeling of humiliation!! God! Nakakahiya kaya to! I mean, hindi naman araw-araw na sight yung ganto!
Pagkarating namin ng clinic ay halos ibato ko na kay Matt lahat ng gamit doon. Sobrang O.A naman kasi ng lalaking to! Parang napasubsob lang ako ay ganon na siya maka-react.
Hindi naman ako fragile glass na mababasag agad pag nalaglag.
"Ewan ko kasi sayo! Bat ka nga pala nandito? Saka bakit ang O.A mo? Saka ano? Bakit nga? Anong ginagawa mo dito? Bat naka-uniform ka ng school namin? Ha? Matthew? Ha?" Nanlalaki ang mata ko ng tiningnan ko siya,"Fudge! Dito ka na mag-aaral?!"
Tumango si Matt kaya niyakap ko siya. Halos masakal na nga eh pero ayun, tinawanan ko lang. Bad childhood friend eh?
"Ano Shan-shan? Sobrang saya lang?"
Masaya ko siyang tinanguan. Genuinely. Kasi nahihirapan na talaga ako dito, lalo na kung may Zach na iniiwasan mo.
BINABASA MO ANG
The Story of Us
Fiksi UmumI used to think one day I'll tell the story of us. How we met and the sparks flew instantly. And people would say,"They're the lucky ones."
