Zach's POV
Sabay ulit kaming pumasok ni Mika. Ang ganda nga niya ngayon suot-suot yung headband na pang-diwata. Yung may parang bulaklak pero simple lang yung design nung kanya.
"Tumigil ka nga kakatitig." Naka-pout siya. Sh*t, ang ganda talaga.
Napakamot ako sa batok ko. Mannerism ko ata,"Sorry baby, hindi ko mapigilan eh. Ang ganda mo kasi."
Yumuko na lang si Mika. Ano ba yan, nakakainlove talaga tong babaeng to. Pasalamat na lang ako at ako ang sinagot niya imbis na yung ibang manliligaw niya.
Hinatid ko siya sa room nila kaya ayun, tampulan kami ng tukso. Kesyo ang sweet ko daw at nagdadala kami ng maraming langgam sa room nila. Napailing na lang ako.
Pagkadating ko sa corridor sa 1st floor ay tumambad sakin ang nakaupong Hailey na may nakapatong na notebook sa mukha niya. Napangiti ako, may side din pala si Hailey na may pagka-isip bata.
"Haileeeeeey...." Sinundot ko yung pisngi niya habang ganun ang posisyon niya. Resulta? Ayun, halos di siya mapakali at inayos niya ang pag-upo niya.
Tumaas ang isang kilay niya,"Anong kailangan mo?"
Napangiti ako. Naalala ko kasi yung unang pagkikita namin. Ganyang-ganyan din siya at ang cute niyang tignan. Idagdag pa yung pagpula ng pisngi niya. Ang cute-cute!
Nag-pout siya kaya mas lalo akong napangiti. Hindi ko na alam, basta sobrang cute niya. Ito siguro ang dahilan kaya madaming nagkakagusto sa kanya. Siya kasi yung babaeng hindi na kailangang magpaganda at dalang-dala ang sarili niya.
"Wala akong kailangan. By the way, good luck sa recitation niyo." Umalis na ko pagkasabi ko nun.
Pagkapasok ko ng room ay ayun na, nagsimula na ang klase. Syempre tabi-tabi kaming magtotropa, hindi kasi kami sumusunod sa seating arrangement. By friendship dapat ang arrangement ng upuan.
"Pre samahan niyo ko mamaya." Usal ni Migs. Kanya-kanya naman kaming tanong kung bakit. Syempre may mga love life din kami na kailangan naming asikasuhin.
Ngumisi si Migs,"Isusurprise ko rin si Dianne. Eto oh." May itinaas siyang box habang kaming magtotropa ay napanganga.
"Wow pare! Magpo-propose ka na?!"
"G*go ka pare! Hindi pa nga kayo legal tas ang lakas ng loob mo?!"
"Whooo! Goodbye sex life!!!" Pumapalakpak pa si Alex habang sinasabi yon. Nabatukan tuloy siya ni Migs.
"P*tangina niyo mga pare. Nagtaas lang ng box propose agad? At ikaw Alex ah, wag mo kong tinutulad sayo." Diretsong sabi ni Migs habang kami nila Alex ay nagpipigil ng tawa.
Sa aming magbabarkada kasi, si Migs ang maraming chiks, naka-first base na rin yan pero nabago ni Dianne, well. Iba talaga ang pagmamahal.
Umayos din naman ang usapan namin hanggang sa iyon na nga, isuSurprise na si Dianne. Monthsary kasi nila at gustong magpaka-sweet ni Migs.
"Happy Monthsary 'by. I love you so so much!" Hinalikan ni Migs si Dianne sa noo habang sila Hailey ay tumatawa sa likod.
Pagkatapos nung surprise ay nagyaya si Migs na kumain kami sa Pizza Hut. Pwede naman daw naming isama yung mga lovelife namin pero ako, hindi ko na isasama si Mika.
Hindi kataka-takang nandoon din sila Hailey sa Pizza Hut pagdating namin pero ang kataka-taka lang ay parang nagmamadali siyang tumayo nang nakita kami o ako?
BINABASA MO ANG
The Story of Us
Genel KurguI used to think one day I'll tell the story of us. How we met and the sparks flew instantly. And people would say,"They're the lucky ones."
