Hailey's POV
"Bukas ang start ng community service ha? Garden, after class. Don't worry at sasamahan ko naman kayo ni Melendez doon."
Yan yung exact words na sinabi ni Ryan sakin pagkatapos ko silang gamutin. Nakakaasar lang kasi parang kung makipag-usap siya sakin ay tila ba wala siyang utang na loob.
Fvck! Kung wala ako doon, malamang nagkapatayan na sila ni Zach!
But nevermind though, ang mahalaga lang dapat para sakin ngayon ay matapos ko ang 2 weeks ng community service para naman maging malaya na ko at hindi ko na makita yung presidente namin.
Pagdating ko ng garden ay nagulat ako nang nakita ko ulit sina Zach at Ryan na nagsusuntukan. I was like: what the fvck?! Hobby niyo ba talaga yan?
"Stop it!!" Awat ko sa kanila na agad din nilang sinunod.
Good. Buti naman at isang sentence lang, nasunod na kaagad. Kunot-noo ko silang tinignan. Buti na lang at hindi sila nasugatan na dalawa. At least walang dapat gamutin.
Natigil lang ang paninitig ko sa kanila nang biglang pumalakpak si Zach. Bumalik tuloy ako sa wesyo.
"Okay, start na. Hailey, eto ang lilinisin mo at Zach, yung part naman na yon."
Habang abala si Ryan sa pagsasalita tungkol sa mga dapat naming linisin ay hindi ko mapigilan ang mapaisip. Bakit community service ang tawag dito kung garden naman ang nililinisan namin?
Diba? Para kasing ang labo lang. Community service samantalang nasa school kami? Hindi ba dapat ay School service na ang tawag doon?
"Excuse me Ryan." Sabi na hindi ko talaga mapipigilan ang bibig ko.
"Oh?"
"This is supposed to be Community service right?" Tumango siya sa tanong ko,"So...uhmm...bakit kami naglilinis dito sa school if this is a COMMUNITY service?"
"2 weeks Hailey. 1 week for the school and 1 week para linisin yung bakanteng lote sa labas. You understand?"
Sh*t. Ang dami pala naming lilinisin. Maglilinis na nga ko....pero wait...ito ba talaga ang lilinisan ko na area?
"Sandali Ryan." Napalingon siya sakin,"Etong area na ba na ito ang wawalisan ko?"
Malinis kasi dito sa kinatatayuan ko, walang kalat. Wala ring mga nalaglag na lagas na dahon. In short, malinis.
Ngumisi siya,"Syempre hindi yan. Kita mo yon?" Itinuro niya yung area kung saan maraming mga nalaglag na lagas na dahon at may mga puno,"Yon ang lilinisin mo."
Halos malaglag ang panga ko. Woah. Siguro ay 1 hectare yon. Ugh? Seriously? Ako lang ba talaga ang maglilinis niyan? Wow ah?
"Yes Hailey, ikaw ang maglilinis niyan. Si Zach kasi doon sa side na yon" Itinuro niya yung area na mas maraming puno at mas maraming wawalisin. Fair pa rin naman,"Yon ang lilinisin niya kaya eto ang lilinisin mo. Is it okay?"
Tumango na lang ako kahit gustong-gusto ko na siyang saksakin nitong walis tingting na hawak ko. Grabe lang! Babae ako tapos magwawalis ako sa ganon kalawak na lugar?
Kahit naman na mas onti yon kaysa sa wawalisin ni Zach ay unfair pa rin! Baka mamaya marami palang ipis doon o di kaya ay mga uod.
"Seryoso ba talaga na ito yung lilinisin ko?"
"Oo Hailey, bakit? May reklamo ka?"
"Oo. May reklamo ako." Tumaas ang kilay niya nang sinabi ko yon,"Babae ako pero halos isang range na ng building itong ipapalinis mo sakin?"
Tumawa si Ryan pagkasabi ko nun habang ako ay eto, nagpipigil lang na sapakin itong presidente naming guwapo pero mayabang.
"Oh? Anong nakakatawa?" Pataray kong sabi.
"Seriously Hailey? You're asking that stupid question to me? Parusa 'to Ms. Castillo, don't expect it to be easy." Ngumisi siya,"Hindi basta-basta ang parusang galing sa presidente."
Napairap na lang ako sa sinabi niya at napatingin sa lilinisin ko. Ugh. I really shouldn't expect that I'll finish this as expected.
***
"Hayst. Nakakapagod." Umupo ako sa damuhan na nalinisan ko. Buti na nga lang at naka-jogging pants ako ngayon kaya medyo dirt-free.
Tinitigan ko yung nalinisan ko na area. Siguro wala pa sa kalahati ng pinapalinisan sakin ang nalilinisan ko. Ni wala pa nga ata sa 1/4 to.
Bahala na nga. Gusto ko lang talagang mamahinga kahit sandali. Hindi ba nila alam na ang hirap-hirap maglinis at magwalis?
Naupo na lang ako doon at tinusok-tusok yung isang dahon. Wala akong magawa eh. Tinignan ko si Zach na nagwawalis pa rin doon sa kabila. Buti pa siya, may kasipagang taglay.
"Castillo? Anong ginagawa mo?"
Napalingon ako sa kung sinong nagsalita at nakita ko si Ryan. Tsk. Ano na naman kayang arte ang sasabihin nito?
"Ano?"
"Hindi porket babae ka at napagod ka na, hihinto ka dyan. This is your punishment Hailey. And hindi ka pinarusahan para magpahinga dyan."
Mas lalo lamang akong napairap sa sinabi niya. Ang dami-dami talagang arte nitong presidente namin. So ano? I-o-overuse ko yung katawan ko sa paglilinis dito?
"Eh ano--" Napatigil ako sa pagsasalita nang pagtayo ko ay may naapakan akong madulas. Ine-expect ko na ang pagkahulog ko sa damuhan pero bakit parang hindi nadating?
Nagulat ako na nung pagtingin ko sa itaas, mukha ni Ryan ang sumalubong sakin. Sh*t. Ang guwapo din talaga nito.
Pero teka, parang nangyari na yung moment na to ah?
Bumili ako ng isang sandwich at paalis na sana kami ni Irene nang bigla niya kong pinatid. Oo, pinatid ako ni Irene!
Nabigla ako sa ginawa niya pero di ako sumigaw basta napapikit na lang ako at inaabangan ang pagbagsak ko sa lupa.
Pero wait...bat parang hindi ako bumabagsak sa lupa? Bat wala akong sakit na nararamdaman?
Lumingon ako paitaas at nakita ko si Zach doon. Naamoy ko na rin ang pabango niya and damn! It's attracting!
Oo nga. Yung sa canteen at nasalo ako ni Zach. Ang pinagkaiba lang ay si Ryan naman ngayon.
Napatingin ako kay Ryan na nakatitig lang din sakin. Fudge. Ang guwapo din pala nito. Kamukha niya si Zach oh my bat ganon? Related ba sila o sadyang si Zach lang ang naiisip ko ngayon kaya si Zach ang nakikita ko?
"Ryan..."
And for the first time, I saw our cold-hearted president smile. That true smile.
BINABASA MO ANG
The Story of Us
General FictionI used to think one day I'll tell the story of us. How we met and the sparks flew instantly. And people would say,"They're the lucky ones."