Chapter 2: That boy

5 1 0
                                    

Hailey's POV


"Ang FC niya kasi! Kung siguro ibang babae pa ko baka sinabi kong wala pero argh. Ang FC niya! Naiirita ako!"


Nagpaliwanag ako kaila Dianne. Hindi daw kasi tama yung ginawa ko kay Zach, ugh. Zach is his name right? Basta yun, rude daw ako. Saka hindi daw dapat ako nagsinungaling na may boyfriend ako. Ewan ko nga rin bakit sinabi kong meron eh basta natatarayan ko siya, sapat na yun.


"Nako kams. Tinapik ka lang kahapon tas nagkakaganyan ka na?"


"Hindi naman kasi yun lang! Kanina, nakasabay ko siya sa trike and yun, he's too nosy! Ang daldal niya. Ang daming sinasabi. Ano kuya? Close ba tayo?"


"Okay. We understand." Mahinahong sambit ni Irene.


"Maraming salamat Irene! Kaya mahal kita eh!" Sumandal ako sa braso ni Irene at nagtawanan kaming apat.


Ang fc-fc naman kasi ng lalaking yon! Tapos kometang nagdadasal?! The heck is that nickname!! Argh! Pero ang ganda naman nung pangalan ko ah? Hailey Shanelle. Ang cute kaya.


Nag-start na ang klase kaya umupo na kami sa kanya-kanya naming mga upuan. Kami na lang ni Rica yung nag-uusap kasi magkatabi kami. Magkasunod lang kasi kami ng surname, Castillo ako samantalang siya ay Cayabyab.


Maya-maya ay tumabi sakin yung kaklase naming magaling sa Math. Lumipat kasi si Rica ng puwesto, doon sa may crush niya na crush din siya. Kaya ayun, naiwan ako.


Ang sad naman. Palagi na lang akong iniiwan. Masakit na po ah?


Nagpatulong na lang ako kay Ervin kung paano i-compute yung mga problems sa board. Medyo mahirap kasi yung lessons ngayon. Nakakalito kasi ang Trial-and-Error.


Akalain mo yun, kailangan mo pa subukan ang lahat bago mo makita ang sagot. Parang sa love, kailangan mong maranasan ang lahat bago mo mahanap si 'The One' at bago mo makita ang 'Happily Ever After' mo.


Maya-maya ay may biglang humigit sakin kaya napatayo ako sa upuan. Umalis kasi yung teacher namin kaya nagkagulo na naman.


Ganun naman kasi talaga, pag may naalis, nagkakagulo. Tsk. Parang pag umalis yung pusa, nagkakagulo ang mga daga. Hayst. Sinasamantala ang pagkakataon.


"Ano Ervin? Diba gusto mo si Sallilas? Eh bat inaagaw mo si Castillo sakin? Ha? Ano ba talagang gusto mo?"


Bumalik ako sa Earth dahil biglang kinuwelyuhan ni Alwyn si Ervin. Nanlaki ang mata ko at agad ko silang inawat. Nagsimula na rin kasing magkagulo ang mga kaklase ko at natatakot akong umabot pa to sa guidance. Damay ako for sure.


"Al tama na!" Sigaw ko sabay hila sa kanya. Nahila ko naman siya kaya naglayo sila ni Ervin.


Tinuro niya si Ervin,"Don't. Ever. Get. Near. To. My. Girl. Again."


Umalis si Alwyn kaya nag-sorry ako kay Ervin.


"Ervin sorry! Naku naku! Nasaktan ka ba niya?"


Umiling lang si Ervin at ngumiti sabay balik sa upuan niya. Tahimik na lang din akong naupo sa upuan ko at tinabihan ako nung tatlong diyosa (shh lang ha? Lalaki ulo ng mga to).


Hindi ko na sinundan si Alwyn dahil baka iba na naman isipin nun. Assuming kasi siya eh, di ko naman siya gusto. At mas lalong di ako paasa. Halos taguan ko na nga yan pero ayun, umaasa siya. Tss.


"Wrong move Hails." Umiiling pa si Rica. Tinaasan ko siya ng kilay kaya nagsalita siya ulit,"Dapat umalis ka na agad. Baka suntukin pa lalo ni Alwyn si Ervin dahil sa ginawa mo."


The Story of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon