Chapter 18: Matched

5 1 1
                                        

"Wow! Si Matthew! Shocks!"

"Waaah! Tumingin siya sakin! Mamamatay na ko!"

"Nginitian niya ko! God!"


Ilan lang yan sa mga litanya ng mga tao sa university na ito sa tuwing papasok si Matt. Magmula kasi ng lumipat siya dito, ayan, naging ganyan na ka-wild ang mga tao.


Pero di ko rin naman maipagkakaila, guwapo talaga itong kababata ko. Kasi in the first place, hindi siya titilian dito kung hindi siya ganon.


"Oh my God Hailey! Kababata mo siya?!!" Halos I mean, napairap ako dahil sa sigaw ni Rica. Diretso tainga kasi.


"Oo nga! Unli? Paulit-ulit?" Mataray kong sagot. Agad naman siyang nag-pout.


"To naman! Tinatanong ko lang!"


"Pwede namang hindi isigaw diba?" Tinaas ko lalo ang kilay ko. Nanahimik na lang tuloy si Rica. Ako naman, eto, nakokonsensya.


Nakakakonsensya naman kasi talaga diba! Sigawan ko ba naman yung isa sa mga greatest friends ko? Hayst Hailey, tanga-tanga. Pano ka mag-sosorry ngayon?


"Ugh Rica.." Medyo awkward ang tono ko kay Rica. Marahan naman niyang inilingon yung ulo niya sakin.


"Ano?"


"Uhmm, ano kasi..." Nakataas lang ang kilay niya kaya nagdire-diretso na ko sa pagsasalita,"Uhmm, sorry."


Tch Hailey! Ang lame! Argh! Pano ba dapat mag-sorry? Hindi naman kasi ako ganong klase ng tao. Mataas ang pride ko eh kaya hirap na hirap ako pagdating sa mga gantong bagay.


Ugh! Tapos hindi pa siya nasagot? Tss. Ayoko na talaga! Ako na nga lang lumunok ng pride dito tapos na-seen zoned pa? What the?!


"Hayst. Sorry na..uiii." Naka-pout ako pero nakasimangot. Feeling ko kasi unti-unting bumababa yung pride ko.


Swear! Hindi talaga ko sanay mag-sorry!


"Okay." Ngumiti si Rica pero hindi ko alam kung genuine ba yon o ano kaya ayun, tinaasan ko siya ng kilay.


"Ano? Okay lang? Pano ko malalaman kung genuine yan?"


Tumawa si Rica,"Hay nako! Malditang childish! Bat nga ba hindi ka namin natitiis? Lika nga!"


Niyakap niya ko kaya niyakap ko na rin siya. Hayst. Masarap rin pala sa feeling na nakakapag-sorry ka, at least walang tensyon diba?


"So ano? Ipapakilala mo na ba ko kay Matthew?'


"Oo na!"


Hay nako! Napasubo ako ah! Wews. Pagka-break ay mabilis kaming lumabas ni Rica at pinuntahan si Matt sa may room nila. Sakto naman at kaka-dismiss lang rin sa kanila.


"Okay class dismiss." Rinig naming pagsambit ng teacher nila kaya nag-abang na lang kami sa may corridor at syempre, nag-greet din ako nang lumabas yung teacher nila at umexit.


"Sila Castillo at Cayabyab sh*t!" Sigaw nung isang lalaki sa may likod nung room. Tinaas ko na lang tuloy ang kilay ko. Anong meron?



"Omg Hailey!!!" Napanganga naman itong babae sakin tapos yung isa nakanganga kay Rica,"Shocks. Rica Cayabyab."


Dahil obvious na naguguluhan kami ni Rica, nagtaas kami ng kilay. Ano kayang meron? Tsk. Ngayon na nga lang ako makakapunta sa side ng corridor na ito tapos pag-eefortin pa nila ko na magtaka ng ganto.


Na-awkward tuloy ako nung may mga lumabas na na tao sa room nila Matt. Doon ka pa lang kasi pwedeng makipag-usap eh. Sa corridor lang. Hindi pwede yung nasa corridor ka tapos makikipag-usap ka sa taong nasa loob.


Kasi dapat naman talaga masanay tayo ng ganon, yung maayos lang ang pakikipag-usap, hindi dapat tayo masanay na nakikipag-usap ng may barrier, dapat tinatanggal muna natin to.


"A-ate, si Matthew po?" Mautal-utal kong tanong sa nakasalubong kong nakasalamin. Siya lang kasi yung nakita ko na hindi kami masyado pinapansin ni Rica, halos lahat kasi ng tao dito sa may corridor, nakatingin samin.


"Uhmm, nasa loob pa." She smiled. Kyaa! Tinanguan ko na lang siya at nag-abang na doon sa may pintuan. Doon ko nakita si Matt na nagsusulat pa ata ng notes mula sa cartolina.


"Kyaaa! Ang guwapo niya talaga!" Ipit na yung bulong ni Rica. Syempre, baka maasar ulit ako sa kanya, hindi ko na siya ipapakilala kay Matt.


Hindi naman nagtagal ay nakaramdam din yung kababata ko at nakita niya kami dito sa may pinto. Tumango siya at nang sinara na ni Matt yung notebook niya at naglakad na palapit samin, itong katabi ko? Ayun, naging parang inaasinan na alupihan.


"God! May lumalapit na demigod!!" Inirapan ko na lang si Rica at idiniretso ang tingin ko kay Matt na nakataas ang kilay sakin.


"Anong meron?"


"May papakilala kasi ako sayo" I felt Rica stiffened nang sinabi ko yon,"Pero wait, may tanong ako."


Naramdaman ko ulit na parang bata si Rica sa likod ko na naglililikot. Pinapapawi siguro yung naghahalong kaba at kilig niya. Phew, napailing ako. Ganon ba talaga pag nagkaka-crush?


"Anong itatanong mo?"


"Ahhh.." Tumingkayad ako para maabot ko yung tainga ni Matt,"Bakit ganto makatingin yung mga kaklase mo samin ni Rica?"


Tumawa si Matt. Hala bakit naman? Mukha bang joke yung sinabi ko?


"Kasi elite ang tingin nila sa inyo dito. Sige, kasama na ko. Tayo. Elites." Mayabang na sagot ni Matt. Nag-pout tuloy ako. Para kasing siya pa yung mas matagal na nag-aral dito samantalang ako ni hindi ko nga alam yon.


"Panong elite?"


"Kasi diba may image ka dito? Madaming nakakarinig tungkol sayo at madaming nakakaalam ng mga pinaggagagawa mo. In short, sikat ka and they're respecting you."


Nag-pout ako. Alam ko namang may image ako dito sa school pero di ko naman akalain na ganto katindi ang respeto ng mga estudyante ng mga lower class.


"Ano ba yan Hails. Alam mo naman ang popularity diba?"


"Ona!---"


"Ehem ehem." Ay oo nga pala! Si Rica!


Ngumiti ako at iminuwestra si Rica sa harapan ni Matt. Ngumiti naman si Matt at itong si Rica ay kinikilig na. Phew, hindi pa nga sila nagkakakilala.


"Rica, si Matt. Matt, yung kaibigan ko, si Rica." Pakilala ko sa kanila. Mabilis na iniabot ni Matt yung kamay niya at shinake hands naman ni Rica yon.


Nakangiti ko silang tiningnan. Pano ba naman kasi eh kinikilig si Rica habang si Matt eh halatang na-aawkward na sa kanya. Sa palagay ko kailangan ko munang iwan tong dalawang to.


"Punta muna ko doon ha?" Sa pagpapaalam ko ay parang hindi ako narinig ni Rica. Si Matt naman ay parang nagmamakaawa sakin. Nginitian ko na lang siya at umalis na ko ng tuluyan.


Isang pagsisimula na kaya ng magandang storya iyong nagawa ko kanina?

*************

(A/N: Waaaah! Nag-writer's block akoooo! Waaaaaaah! Tapos ang tagal ko pang hindi naka-update! Sarrehh! ✌😷 )

The Story of UsMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon