Chapter 27: Punishment

4 1 0
                                        

"Sinusundan mo ba ko?!"


Napataas ang kilay ko sa sinabi ng gwapong assumero na to. Seriously? Siya susundan ko? Aba napakakapal naman ata ng mukha niya.


"Hoy Mr. President. Hindi ba pwedeng wag mo masyadong palakihin yang ulo mo? Medyo hindi na kasi applicable sa panahon."


"So sinusundan mo nga ko."


"Malamang hindi. Bat naman kita susundan? Sa tingin mo ba maiinteresado ako sa buhay mo?"


"Malay ko ba and oh, napansin ko lang..."


Naiirita akong lumingon sa kanya,"What?!"


"You're ditching class. First warning Ms. Castillo. First warning."


Iritable na talaga akong humarap sa kanya. Nakakabwis*t na kasi t*ngina sobra na, kanina pa SILA. Sila Ryde, sila Zach at itong Neil na to!


"Ano? Asar na asar ka pa ata?" Nakangisi siya,"Bakit? Akala mo paparusahan kita? Wag kang mag-alala, para sayo, hindi ganon kabigat."


At dahil iritang-irita na ko sa mundo at putol na putol na ang pisi ng pasensya ko sa kanila, ayun at napagbuntungan ko siya ng inis. Sinuntok ko siya ng pagkalakas-lakas sa braso. Ininda naman niya.


"What the fvck?! Ano ba?!"


"Ano ka rin!" At tinalikuran ko na siya.


Nakakainis! Nakakairita! Sana talaga sakmalin na lang silang lahat ng isang malaking dinosaur! Kasi kung hindi, baka ako na mismo ang kumain sa kanila isa-isa!


Hindi na ko bumalik ng klase after nun, hahabulin ko na lang siguro yung lessons saka I need space. I need air. Hindi ko ata kakayanin na katabi ko si Ryde at ganon siya makitungo sakin. No way. Hindi ko talaga kaya yon.


Pumunta ako sa canteen para bumili ng croissant kaso nakasalubong ko yung demonyitang itago na lang natin sa pangalang Rona.


"Oh? San ka nag-cutting?"


Tumaas ang kilay ko bago siya sinagot,"Eh ikaw? San ka lumandi?"


Hindi siya nakasagot sa sinabi ko kaya napangisi na lang ako at tinalikuran siya kaso nga lang, dahil demonyita talaga to, ayun at tinulak ako. Muntik na tuloy akong sumubsob sa table!


Aba t*ngina. Hindi ako papayag na isang demonyita lang ang tutulak sakin. Kaya tinulak ko siya pabalik, mas matindi nga lang. Napaupo kasi siya sa sahig at alam kong nasaktan siya base na rin sa reaksyon ng mukha niya.


"Ano? Masaya bang bumalik yung karma sayo?"


Ngumisi pa ko ulit. Akala ko hindi na sasagot si Rona pero makapal ang mukha, sumagot pa rin. At take note! English ang sagot niya!


"Wait for my revenge Hailey! Wait for my revenge!"


Natatawa akong lumingon sa kanya kasi hindi bagay sa kanyang mag-English! Oh my goodness! Ang laking joke nito!


"What Hailey? What's is funny?"


At lalo akong humagalpak sa tawa dahil mag-E-English na nga lang ang isang to, wrong grammar pa. Nakakatawa kaya yung ganon!


"Oh my God Rona, minsan i-try mong bumalik sa Grade 1, baka matuto ka pang mag-English." Umirap ako,"My God, I can't even believe that you're running for valedictorian."


"Aba!" Nagulat ako nang bigla akong dinaganan ni Rona at sinabunutan. Syempre dahil isa akong diyosa, sinabunutan ko rin siya. Hindi naman kasi ako papayag na ginaganon ako.


The Story of UsMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon