Zach's POV
Ang daming weird na kaganapan sa sarili ko ngayon. Nalilito na nga ko eh. Tulad nung ball, t*ngna, hindi ko alam kung bakit inaya ko si Hailey na magpapic at hindi ko alam kung bakit ginawa kong keyboard ng phone yung pic na yun.
Hindi ko rin alam kung bakit binibilhan ko siya ng libro. Para kasing gusto kong kumpletuhin yung 1001 books sa wishlist niya. Di bale, malaki rin naman allowance ko eh.
Hay nako, mababaliw na talaga ako! Diba dapat na kay Mika ang atensyon ko? P*ta Zach, sinagot ka na nga nung babaeng pinapangarap mo tapos ngayon ka pa nagkakaganyan?
Napailing na lang ako sa harap ng salamin. Bahala na. Kailangan ko talaga siyang iwasan. Nalilito na ako ng dahil sa kanya.
At f*ck! I don't even have to say her name! (Wow Zach, English yan!!!)
Pagpasok ko ng school ay napasimangot ako sa naabutan ko sa may tapat ng school gate.
Si Hailey tapos may kasama siyang lalaki. Ang saya nila habang kumakain ng ice cream. Tsk. Bat ang saya niya? Bat ganon yung mata niya sa paligid ng lalaking yon? Yun ba yung crush niya? Tss.
Pero teka, bat nga ba ako naiinis?
Napailing na lang ako at pumasok sa loob. Sinalubong ako ni Mika doon. Nginitian ko siya. Sino ba naman kasing hindi ngingiti pag may sasalubong sa iyong anghel?
"Hi baby. Good morning." Nginitian ko siya at hinalikan sa pisngi. Namula siya kaya tumawa ako,"Ang ganda talaga ng Ms. Right ko."
"Bolero ka Mr. Right ah! Tara na nga!"
Pagkatapos kong ihatid si Mika sa room niya ay pumasok na rin ako sa loob ng room at nagklase. Pagkadating ng recess ay lumabas ako at nagpunta sa corridor. Baka kasi...maabutan ko siya.
"Kams samahan mo ko!" Narinig ko yung boses ni Dianne. Napalingon ako doon at nakita silang dalawa ni Hailey. Tumango si Hailey kaya hinila na siya ni Dianne.
Hindi ko alam kung bakit ang sarap niyang titigan. Nagbabasa kasi siya habang naglalakad. Damn, di ba siya natatakot na mabunggo?
Sinundan ko lang sila ng tingin at nakita kong nagpunta sila doon sa kinakapatid ni Dianne. Pansin ko rin na OP si Hailey. Puntahan ko kaya?
Umiling ulit ako. Hayst. Nakailang iling na ba ko ngayong araw? Pero halos mapangiti ako nang nakita ko siyang pabalik sa room nila, dadaan siya sa room namin eh. F*ck yeah! Gusto kong magpapansin!
Pagkadaan niya dito ay sinalubong ko siya at hinablot yung librong binabasa niya. Halatang nagulat siya sa ginawa ko. Sino bang hindi?
"Akin na nga yan!" Ang sama ng tingin niya pero bat ang cute tignan?
Napangiti ako at tinignan yung binabasa niya. 'The One'? Wait, ito yung isa sa mga binili ko sa kanya ah? Na-appreciate niya talaga yung mga libro. Nakakatuwa naman.
"The One huh?" Pang-aasar ko sa kanya. Sinamaan niya lang ako lalo ng tingin.
"Ano bang pake mo?" Pagkasabi niya nun ay kinuha niya yung libro at umalis na. Ako naman ay natulala lang. Ang taray kasi eh
Teka, akala ko ba iiwasan ko na siya?
Argh! Pagkatapos ng araw na to, iiwasan ko na talaga siya. Kahit itaga pa sa bato! Sigurado na yon pero ngayon? Mukhang hindi ko pa kaya. Bukas na lang.
BINABASA MO ANG
The Story of Us
General FictionI used to think one day I'll tell the story of us. How we met and the sparks flew instantly. And people would say,"They're the lucky ones."
