Chapter 23: Sino?

3 1 0
                                        

Zach's POV


To: Mika my labs ♥♥

Mamaya baby ah? I love you. Wag na wag kang magpapagutom ha? Gusto ko healthy ka para sa future natin, ganon ka rin naman diba? I love you talaga 'by! Mahal na mahal kita!


Binura ko yung tinype kong 'good morning message para kay Mika. Masyado kasing gay eh baka ma turn off yon. Hayst? Ano kaya yung magandang message sa kanya?


Ah! Alam ko na kung kanino ako magtatanong!


To: Comet Hailey 🌠

Hailey? Ano magandang 'good morning' message?

Click 'Send'


Pero pagkalipas ng ilang minuto, wala pa ring reply si Hailey. Siguro walang load, tatawagan ko na nga lang.


[Oh?]


Wow. Napakaganda ng bati niya sa telepono. Pero bat ganon? Bat imbis na mainis ako eh bat napapangiti pa ko? Usually kasi pag ganto yung bungad sakin sa telepono, nagagalit ako. Pero bat iba kay Hailey?


Kakaiba nga talaga siya.


[Ano? May balak ka pa bang magsalita?]


Ang high blood talaga.


"Meron po ma'am." Tumawa ako pero nagsalita ulit dahil parang hindi nakapagsalita si Hailey,"Hailey? Ano? Nandyan ka pa ba?"


[O-oo naman!]


Hala? Bat naman biglang nabulol to?


"Bat nabulol ka?" Tumawa ulit ako.


[WALA!!]


Iniwas ko ang phone sa tainga ko dahil sumigaw si Hailey. Pvt*ngina nga eh. Napakalakas kasi! Buti na lang nga at iniwas ko yon dahil kung hindi baka bingi na ako ngayon.


Magsasalita pa sana ako ulit kaso biglang in-end ni Hailey yung call. Hala? Napikon?


Maya-maya ay tumunog ang cellphone ko at napangiti ako nang nakita kong si Hailey yon.


From: Comet Hailey 🌠

Wag ka nang tumawag uli kung wala ka namang matinong sasabihin!!!!


Natawa ako lalo. Naiimagine ko kasi yung pagmumukha ni Hailey habang sinasabi iyon. Ang cute siguro nun. Naka-pout tapos namumula yung buong mukha. Ang ganda niya talaga.


Nag-beep ulit ang cellphone ko. Hala! Baka si Hailey ulit! Pero pagbukas ko ng message, hindi ko alam bakit nalungkot ako, si Mika pala kasi yung nagtext at hindi si Hailey.


Pero bakit ba ko nalulungkot? Diba dapat masaya ako ngayon kasi si Mika na mismo yung nagtext? Pero bat iba?


From: Mika my labs ♥♥♥

Good morning baby! Bat wala kang 'good morning' message today? Tulog ka pa ba? Aww. Sige, matulog ka muna. Text mo agad ako pag gising ka na ah? May date pa tayo mamaya.


Nag-pout ako nang mabasa ko iyon. Oo nga pala, may date pa kami ni Mika mamaya kasi 2nd monthsary namin. Kailangan kong bumili ng regalo para sa kanya.


To: Comet Hailey 🌠

Hails. Samahan mo ulit ako mamili ng gift. Same time. Antayin kita sa may kanto ng subdivision niyo. Pumunta ka man o hindi 😉


The Story of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon