Chapter 8: Unique Gift

9 1 0
                                        

Naghihinagpis pa rin ako dahil sa pagkawala ng wishlist ko. Kasi naman eh. Nandon kaya yung mga wish koo! Tsk. Kaya nga wishlist diba? Kasi nandon yung mga wish mo. Tungak ka talaga hayst.


Birthday ko na sa isang araw pero wala pa rin yung wishlist ko!! Waaaah! Ano nang gagawin kooo?


Tapos sinagot na rin ni Mika si Zach. Hayst. Wala na talaga kong chance. Nakakaasar. Minsan na nga lang ako magkakacrush tapos unrequited pa?


Masaya naman ako kahit papaano. Malapit na rin naman kasi yung Christmas Party at Christmas Ball, actually sabay nga nung birthday ko.


December 17 ngayon at nakatanggap ako ng dalawang libro. Ewan, pinadala lang sa room katulad nung kahapon saka nung mga nakaraang araw. Actually, nagstart talaga yon nung December 1.


"Castillo! May libro mo dito oh!" Tinawag ako nung kaklase ko kaya naman taas-kilay akong pumunta sa kanya at tinanggap yung 'libro ko'.


"Hindi akin to." Binalik ko iyon sa kanya pero di niya tinanggap bagkus ay itinuro pa yung parang cardboard na maliit sa gilid.


"Wews. Eh anong basa mo dito?"


This is the property of Hailey Shanelle T. Castillo.


Napasimangot ako. Pano ako nagkaroon ng ganto? Tinanggap ko na lang dahil libro yon. Fiction pa.


Tuloy-tuloy lang yon. Minsan nga nasasanay na ko eh at ang galing kasi yung genre ng mga book na binibigay sakin ay yung mga trip ko. Ang tanong lang na namumuo sa isip ko ay...


Sino yung nagbibigay?


Pagkarating ng birthday ko slash Christmas Party, nagkasabay kami ni Zach sa tricycle. Hirap na hirap pa kong sumakay kasi naka-skirt lang ako. Kailangan daw kasi ng poise.


"Bagay sayo." Nagulat ako dahil biglang nagsalita tong katabi ko. Nakasuot siya ng checkered na Polo. Ang guwapo nga niya tignan eh, yeah, honestly.


At dahil nabigla ako sa pagpuna niya ng suot ko. Yumuko ako saka nag-thank you. Hindi ko rin alam basta parang na-flattered ako sa sinasabi niya and I feel special. Really special.


Sinalubong kami nila Dianne sa gate at inasar na naman nila kaming dalawa. Para lang silang mga timang dahil may girlfriend nga tong si Zach.


Ouch. May girlfriend na. Ansakit naman. Tagos sa buto ko.


"Pasensya na ah? Sige una na kami." Tumango lang si Zach at ako naman ay dumiretso na kaila Dianne. Naghahagikgikan na nga eh kaya ako eto, napairap na lang.


Binati din ako nitong tatlo. Binigyan din nila ko ng regalo. Tig-dadalawa sila. Yung isa daw kasi ay para sa Christmas at yung isa ay para sa birthday ko. Na-touch naman ako.


Pagkatapos naming magpicture-picture ay nakisali kami sa parlor games na inihanda ng officers ng classroom (kasama ako doon). May mga times na nananalo kami pero may mga times na hindi.


Ganon naman kasi diba? May mga bagay na kung saan mabibigo ka at kung saan aayon sayo ang kapalaran. That's life.


Parang ako kay Zach. Nabigo ako dahil sinagot na siya ni Mika. Maganda siguro yon aish, hanggang ngayon kasi hindi ko pa rin nakikita yon---ay erase erase! Wala na dapat Zach! Taken na yon!


Pagkatapos ng Christmas party ay dumiretso kami ni Dianne sa bahay ko para magbihis ng dress para sa Christmas Ball. Nagpa-make up na rin kami. Kailangan yon eh.


The Story of UsMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon