Prologue

14 2 0
                                    

"Waaah kams! Ayun oh!" Sigaw ni Dianne, hindi niya tunay na pangalan hindi joke lang, tunay na pangalan niya yan.


Agad naman kaming nagsilingunan. Si Rica ay napangiti at nagheart heart ang mata.  Si Irene, straight faced lang at ako, nakataas lang ang kilay.


NapaPout si Dianne samin,"Suportahan niyo naman ako. Minsan ko na nga lang ipakilala yung crush slash manliligaw ko tapos ganyan kayong dalawa? Buti pa si Rica."


"May pake kami Yan, hindi lang namin alam ni Lei kung pano magreReact." Diretso pa rin ang tingin ni Irene, kahit kailan talaga. Siya pinakaseryoso saming apat. Kahit kaming tatlo nila Dianne eh bihira naming makitang humahagalpak sa tawa yan.


"Oo nga. Hindi naman kasi guwapo." Mataray ko pa ring sabi. Ewan ko kung totoo pero ako daw pinakamataray at pinakasarkastiko sa kanila. Di naman ako naniniwala. Psh.


Napatingin agad sakin si Rica,"Hoy Hailey!! Ang guwapo kaya ni Migs! Tingnan mo ng mabuti!" Inanggulo niya ng mabuti yung kamay niya para maging square,"Chinito eyes, fair skin and ayun oh! Yung tawa niya! Kung hindi lang talaga property ni Dianne yan, malamang nalandi ko na yan."


Si Rica naman yung pinaka-inlove saming lahat kahit walang love life. Actually nagkaroon siya. Sangkatutak pa nga. Mahilig siya sa pogi and madami rin namang nafaFall sa kanya. Sa kulot pa lang niyang buhok at sa height niya, hindi na talaga kataka-taka.


"Psh. Kelan mo sasagutin yan?" Pag-iiba ko ng topic.


Napasimangot si Dianne,"Hindi ko pa alam eh. Siguro sa 14 para monthsary namin February 14" Tumawa siya.


At iyon nga, sinagot din naman ni Dianne si Migs. Hindi ko alam kung paano niya sinagot basta binalita niya na lang na sila na and yun. Mabait din naman si Migs at naku, subukan niyang saktan si Dianne, malalagutan siya ng hininga dahil saming tatlo nila Irene.


"Congrats!" Ngumiti si Irene. Wow. Ngumiti, ibig sabihin niyan boto din siya kay Migs.


Boto din naman kami pero may hindi boto. Yung family ni Dianne, hindi naman kasi nila gustong mag-boyfriend to, kaso ayun, nadala ng kuryosidad. Nag-boyfriend na.


"Pano yun kams?" Tanong sakin minsan ni Dianne nang tumambay kami sa may stage. Nasa room kasi si Irene at Rica, gumagawa ng assignment.


"Ewan ko ba naman sayo kams eh. Bakit kasi sinagot mo na? Kung mahal ka talaga nun, maghihintay yun."


"Ayaw ko naman kasing mahirapan pa siya kams. Isang taon na rin naman siyang nanliligaw."


Oo totoo yun, last year pa siya nililigawan ni Migs. Tibay eh no? Maganda rin naman kasi tong si Dianne, mahinhin pa saka pabebe. Good catch din para sa mga lalaki. Chix kumbaga.


Sa totoo lang, maganda silang tatlo. Ewan ko nga kung bakit ko naging bestfriends tong tatlong baliw na to. Basta nagkakilala na lang kami once tapos nag-click.


Brigada. Nakaupo lang ako sa pinakadulong upuan ng room kasi kakatapos ko lang maglinis nang may tumabi sakin. Naka-Long sleeves siya at pantalon. Seriously? Long sleeves sa kainitan ng panahon? Baka takot umitim.


Napalingon ako sa kanya. Black yung buhok niya as in pure black at medyo maiksi, same length sa buhok ko na hanggang sa may balikat tapos maganda siya. Maganda yung mata, medyo katangusan yung ilong and yeah, maganda talaga siya. Makipagkilala kayo ko? New friends ugh.


"Anong pangalan mo? / What's your name?"


Nagkatinginan pa kaming dalawa kasi nagkasabay kaming dalawa sa pagsasalita. Napatawa pa kami at napagtanto naming magaan na yung loob namin sa isa't-isa.


The Story of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon