"What?! Community Service?!"
Napalingon ako sa pagmumukha ng tatlong diyosa na to. Naka-taas ng kilay si Rica. Si Dianne naman naka-pout at si Irene...ugh...edi malamang her usual expression.
STRAIGHT-FACED.
Malungkot akong tumango sa harapan nila at sabay-sabay silang nagbuntong-hininga. Akala ko tatagal ang ganong atmosphere pero hindi pala, bigla kasing tumili itong si Rica.
"Oh my God!! Hailey! Makakasama mo si Ryan! OMG! Haileeeeey! You won a life!" Niyugyog ako ni Rica,"Oh my God!! Pwede bang sumama? Please Hailey plea---aray ko naman Irene! Bat mo ko binatukan?!"
"Eh malamang! Tss. Pag yan narinig ng ka-M.U mo."
Lumingon si Rica sakin at nag-pout,"Hindi mo naman ako isusumbong sa kababata mo diba?"
Napailing na lang ako sa inakto ni Rica habang si Dianne ay tumawa. Si Irene naman ay umirap lang. Kahit kailan talaga to.
Oo, ka-M.U na ni Rica si Matt. Nakakatuwa din yung dalawang yon. Dapat nga nung nalaman ni Rica na may gusto rin sa kanya si Matt ay magiging mag-boyfriend na sila. Hindi naman kasi pakipot si Rica. Hindi rin pabebe. Basta ba nalaman niyang gusto din siya ng taong gusto niya, automatic, sila na. Walang ligaw-ligaw, diretso yan.
Pero di ganon si Matt. Dapat daw 'take it slow'. Ayan tuloy, M.U-M.U na lang daw muna sila.
"Atsaka yang M.U na yan! Abangan niyo yan at magiging boyfriend rin!"
Napairap na lang kaming tatlo kay Rica. Kung ano-ano kasing sinasabi. Eh baka nga ang nangyayari, si Matt ang nililigawan ni Rica para maging sila na.
"Basta ah? Hindi ako makakasabay sa inyo pauwi kasi...alam niyo na."
Malungkot na tumango si Dianne. Eto, masaya din ang love life nitong babaeng to. Binalikan niya kasi si Migs.
Actually, hindi ko alam kung tamang desisyon yung ginawa niya eh. Kasi personally, para sakin, hindi na dapat binabalikan yung taong nanakit sayo. Para saan pa diba? Kung sasaktan ka lang rin nila, bakit mo pa sila babalikan?
Pero para kay Dianne, hindi, iba yung perspective niya sa sitwasyon. Deserve din naman daw kasi ng tao yung second chance at hindi daw dapat pinagdadamot yon.
Ganon din yung opinyon ni mommy tungkol dyan nung time na kinuwento namin sa kanya. Parehas sila ni Dianne eh, ako palagi yung nag-ko-contradict. Kaya nga di na ko magtataka kung kapatid ko na pala yang si Dianne. Baka magpa-party pa ko pag nangyari yon.
Basta yon, sana lang talaga at maging maayos ang lovelife nitong bestfriend ko. Kasi pag ka nasaktan pa yan siya ni Migs, hindi ko na talaga alam, baka mahampas ko na talaga siya ng bakal.
"Pero bakit ka nga ulit mag-ko-community service?"
"Ayun eh, nakipag-away ako kay Rona. Tsk."
Nakakainis talaga. Gustong-gusto ko lang talaga maabutan si Rona ngayon at sabunutan siya. Pero hindi bale, mas matindi naman daw ang kakaharaping parusa ni Rona kasi mas mataas yung posisyon niya sakin.
I think special project yon. Pero mahirap. At hindi lang basta-basta.
Si Zach naman, ayun, kaya lang naman siya magko-community service kasi nakita ni Ryan sa CCTV na ayun nga, merong ginagawang SPG. Ang nakakapagtaka lang ay hindi sinama si Mika sa community service.
Hmm? Ano kayang meron? Ang unfair naman. Kami magpapakahirap sa community service tapos si Mika hindi? Wow ah? Napakaganda naman ng pagtrato. Tsk. Siguro magkakilala yang si Ryan at Mika kaya may special treatment.
"Tss. Bat mo pa kasi pinatulan? Tsk. Hindi ka tuloy makakasama ngayon. Nakakatampo na!" Nag-pout na naman si Rica kaya napangiti ako.
"Sorry na! Babawi na lang ako next time."
"Wews! Sawang-sawa na kong umasa kams! Alam mo bang napakasakit nang naasa?"
Tinitigan ko siya,"Hoy Dianne, para namang umasa ka no? Tss. Eh sa pagkakatanda ko, si Migs itong nahabol sayo. Asan ang pag-asa mo doon? Ha? San banda?"
Nagtawanan na lang kami sa sinabi ko at nagkuwentuhan tungkol sa kung ano-ano at kung sino-sino hanggang mapa-topic kami sa lovelife ng pinaka-misteryoso kong kaibigan.
"Wala nga sabi. Sinabi niya naman na gusto niya ko, oo." Namula si Irene,"Pero di pa niya alam na gusto ko rin siya."
Nagulat naman ako bigla nang nakita kong nandoon si Mark sa likod ni Irene. Nakita rin yon nila Rica pero hindi na sila nagsalita, hinayaan lang namin na magsalita si Irene.
"Nakakakilig yung time na nagkapareho kami ng damit, hindi naman kasi kami nag-usap tapos wala lang, parang...parang destiny."
"So sinasabi mo bang 'destined' tayo?"
Sumingit bigla si Mark at halatang nagulat si Irene doon. Nakakatuwa lang yung mga reaksyon nila. Si Mark, nakangisi habang si Irene, namumula.
"Tss! Hindi naman! Alam ko namang coincidence yon! Co-in-ci-dence!"
Nagtawanan ulit kami dahil kay Irene, ito kasi yung pinaka-unpredictable sa barkada namin, hindi mo alam kung magiging masaya o seryoso lang.
Ang saya rin. Ang saya ng gantong buhay na kahit wala kang love life, may mga kaibigan ka naman, totoo nga yung quote na:
'Friends will always make you realize that you can love life without a lovelife.'
"Parang masyado naman tayong masaya?" Biglang singit ng isang pamilyar na boses. Nagtaka naman ako lalo na sa mga reaksyon nila Dianne.
=_= -Irene
^.^ -Dianne
*♡o♡* -Rica
At dahil ganon ang reaksyon ni Rica, napalingon ako sa likod ko...at nakita ko iyong lalaki na dahilan kung bakit ako magko-community service ngayon.
"Oh? Bakit ka nandito?"
"Malamang sinusundo ka." Titili na sana si Rica kaso naunahan siya ni Ryan na magsalita,"Pupunta tayong headquarters. Kakausapin ko muna kayong dalawa ni Melendez."
"Oh okay." Tumango ako sabay kuha ng bag,"Oh sige, bye guys! Ingat kayo ah?"
Di ko na sila nakitang tumango kasi hinila na agad ako nitong Ryan na to. Pvta talaga. Hindi naman ako aso para hilain!
"Ano ba?! Wag mo nga kong hinihila!" Naiirita kong saad. Nilingon naman niya ko at nagtaas pa ng kilay. Wow, siya pa may ganang magtaas ng kilay ha?
"Ayaw mong hilain kita?" Long pause,"Edi hahawakan ko na lang yang kamay mo hanggang makarating tayo ng headquarters."
At isang ngisi ang pinakawalan niya sakin, napairap na lang ako.
BINABASA MO ANG
The Story of Us
Fiksi UmumI used to think one day I'll tell the story of us. How we met and the sparks flew instantly. And people would say,"They're the lucky ones."
