Chapter 36: Happiness

3 1 0
                                    

Hailey's POV


1 month. Isang buwan. Yep, isang buwan na ang nakalipas simula nang nireject ko ang lalaking unang nagpatibok dito sa puso ko. Yung lalaking unang nagparamdam sakin nung tinatawag nilang 'something'. Yung lalaking nagngangalang Zach.


Pero kahit isang buwan na ang nakalipas, hindi ko pa rin malimutan yung gabing nagtapat siya sakin at tinanggihan ko siya.


"Hindi ko alam Hailey. Hindi ko talaga alam. Pero makikipaghiwalay ako sa kanya." Tinignan niya ko,"Yun ay kung sasabihin mong mahal mo rin ako."


"Sorry Zach." Tinitigan ko siya gamit ang cold expression na madalas ko lang gamitin,"Hindi kita gusto."


Sh*t. Why? Bakit kahit isang buwan na ang nakalipas ay pakiramdam ko na kahapon lang nangyari ang lahat? Bakit ganon?


Marami rin namang nagbago. Si Matt at Rica, sila na. Hindi na M.U. kaya ang saya-saya na naman ni Rica. Sila Irene at Mark, ligawan stage pa rin. Buti nga at napagtiyatiyagaan ni Mark si Irene eh, at least malalaman talagang sincere siya sa nararamdaman niya kay Irene.


Si Dianne naman, ayun, sila pa rin ni Migs. At ako? Eto, yung may pinakatahimik na buhay. Wala eh, wala naman kasing nagbago sakin. Nakakaasar. Malapit na mag-March pero wala pa rin.


Bukod doon sa 'kung sino' na nagpapadala ng mga libro sakin, wala. Wala talaga. Walang bago.


Pero hindi ko naman hinihiling na may magbago. Kung tutuusin, masaya naman ako. Masaya. Sobrang saya. Kasi wala akong iniintindi hindi tulad noong medyo close kami ni Zach, palagi akong conscious sa sarili ko.


I wonder lang kung tama yung desisyong ginawa ko noong sinabi ni Zach sakin ang nararamdaman niya. I mean, siguro kung tinanggap ko iyon at sinabi ko ring gusto ko siya, malamang, kami na.


Kaso mali pa rin, maling-mali lalo na at mayroon siyang Mika.


"Kams bakit? Anong iniisip mo?"


Napalingon ako kay Dianne na kasalukuyang nakatitig sakin habang hawak-hawak yung cellphone niya. Napairap ako. Malamang kasi katext na naman niya yung Migs na yon.


"Wala lang kams. Yung dati kasi..." Napabuntong-hininga na lang ako,"Si Zach. Iniisip ko siya."


"Alin doon? Yung desisyon mo?"


Tumango ako kaya napailing si Dianne. Actually, kay Dianne ko lang nasabi yung lahat. Simula nung pagkasalo ni Zach sakin sa canteen hanggang sa pagsisinungaling ko ukol sa nararamdaman ko towards him.


Hindi ko rin alam bat hindi ko masabi doon sa dalawa eh. Siguro mas komportable lang akong magdrama dito sa diyosang to.


"Yung totoo kams, kinausap ako ni Migs eh."


Nanlalaki ang mata ko nang tinignan ko siya. Wow. Nag-usap sila? For sure naman, nagdrama rin yon si Zach sa best friend niya.


"Nalilito daw si Zach sa inyo ni Mika. Litong-lito daw. Hindi nga niya alam kung sinong pipiliin niya eh."


"Hindi ko naman siya pinapapili eh."


"Alam ko naman yon kams. Pero syempre, si Zach. Kailangan niyang pumili sa inyo. Look kams, nag-confess si Zach na may nararamdaman siya sayo habang mayroon siyang girlfriend and obviously, you rejected him."


Tumango ako sa sinabi ni Dianne para ipagpatuloy niya yung sinasabi niya.


"So for him, kailangan niyang gumawa ng desisyon kung ipagpapatuloy niya pa rin ang relasyon niya towards Mika gayong ikaw na naman ang mahal niya."


"And obviously, ipinagpatuloy niya ang relasyon nila ni Mika."


Mariin akong tinitigan ni Dianne,"Nasasaktan ka kams?"


"Of course not! Bat naman ako masasaktan?"


"Nakakatawa ka kams. Why be fake towards me? Pwede mo namang sabihin sakin na nasasaktan ka...unless na lang kung sarili mo mismo ang pinapaniwala mong hindi ka nasasaktan." Kumindat siya,"Am I right?"


"I don't know Dianne. It's so...ugh...kung alam mo lang kung gaano kasakit sa pakiramdam na i-reject ko siya."


"Oo. Tapos hindi pa kayo nagpapansinan. Alam mo kams, you just hurt each other's feelings. You're too kind Hailey. You rejected your happiness--no scratch it--your first ever happiness. Ugh. You rejected Zach for another person's happiness!"


Inalog pa ko nitong baliw kong bestfriend.


"That's sacrifice kams! It's sacrifice! Oh my gosh! Grabe Hails, hindi ko talaga akalain na kaya mong gawin yon. Na ang pinaka-cold hearted sa ating apat--no, I mean is ang pinaka-cassanova sa ating apat ay nagawa yon!"


"Teka kams! Akala ko ba si Zach ang topic? Panong napunta sakin?" Pananabat ko sa kanya. Kasi naman, parang baliw talaga ang isang to at nagdadrama na ukol sa 'pagsasacrifice ko' daw.


"Uiii gustong malamaaaan!!" Pangangasar niya kaya binato ko siya ng unan,"Oo na, eto na, ikukwento ko na."


"Bilisan mo na." Lumingon ako sa orasan,"Papasok pa tayo bukas."


Nasa bahay kasi si Dianne. Usual sleepovers lang at eto, sa sobrang kabagalan niya magkuwento, hindi pa kami tuluyang makatulog.


"So yun nga, nahihirapan siyang pumili sa inyo. Tumatawa nga si Migs habang nagkukwento eh pano first time niya daw nakita si Zach na namomroblema tungkol sa babae." Talaga? First time? "Oo kams, first time. Parang ikaw, first time kitang nakitang problemado sa lalaki."


"Grabe ka naman kams. Maka-lalaki to. Dali, continue."


"Binabalanse kasi niya yung sitwasyon. Kasi isa lang naman yung magiging biktima kahit anong gawin niya. Si Mika lang naman."


"Pero tama naman yung ginawa niyang desisyon ah. Hindi naman nalaman ni Mika yung about sakin diba? They're still together naman."


"Tama kams, kaso masakit sa part ni Zach. Isang buwan kams, isang buwan niyong nilayuan ang isa't-isa pero hindi pa rin niya maibalik yung nararamdaman niya towards Mika."


"So...anong pinaparating mo kams?"


Hinawakan ni Dianne ang balikat ko,"Kams alam kong mahirap. Alam kong hindi mo to gawain. Pero kams, hindi pa ba sapat ang isang buwan mong pagtitiis? Kams, confess your feelings to Zach--"


"Masasaktan nga si Mika kams. Hindi ba iyon naman ang rason ko kaya ko ni-reject si Zach noon? Kasi masasaktan si Mika." Nag-pout ako,"Ayoko namang magpakasaya kung may nasaktan ako."


"I know. Kaso kams, sa ginagawa niyo ni Zach. Bukod sa nahihirapan kayong dalawa dahil nilalayuan niyo ang isa't-isa, nasasaktan din si Mika sa tuwing magkasama sila ni Zach."


"Bakit naman? Magkasama naman sila ah?"


"Oo nga. Magkasama sila pero ang palaging nasasambit ni Zach na pangalan ay Hailey. Migs told me kams, mas nagiging pasaway si Zach ngayon kaysa noon. He's terrible."


Nag-pout ako,"Ano namang gagawin ko?"


"Wag mo na pahirapan yung mga sarili niyo. You deserve to be happy kams. Mika deserves to be happy and Zach. Zach too, deserves his happiness." Tinitigan niya ko,"Ikaw lang naman yung may kayang ibalik ang happiness niyong tatlo, bakit hindi mo pa gawan ng paraan?"

The Story of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon