Zach's POV
Napangiti ako. Ang swerte ko kasi sa girlfriend kong si Mikaela Eunice F. Rivera. Diba nga nagalit siya kasi biglaan kong nasambit yung magandang pangalan ni Hailey?
"Sino si Hailey?"
"Ah..eh.." Takte, pinagpapawisan ako. Ano bang sasabihin ko dito?
Mariin niya kong tinitigan,"Zach?" Tinaas pa niya ang kilay niya.
*ting*
Ayan! Alam ko na! Alam ko na kung paano paaamuin itong si Mika! Gagawin ko ang Migs' Hokage Styles no.3!!
"Baby? Wag ka ng magalit. Mahal naman kita eh. Kita mo tong juice na to?" Tumango siya,"Ganto kita kamahal, tikman mo dali."
Iniabot ko sa kanya ang juice pero hindi ko binitawan. Hinayaan ko na inuman niya iyon habang hawak ko.
"Anong lasa?"
"Matamis." Wala pa ring emosyon niyang sinabi.
"Talaga? Titikman ko ah?"
*tsup*
Boom!! Namula si Mika pagkatapos ko siyang halikan sa labi! Kailangan ko talagang pasalamatan si Migs dito!
"Z-Zach.." Ayan na, nabubulol na.
"Hmm?"
"Bati na tayo."
Oh diba? Napakagaling ko hindi ba? At napakabait ng girlfriend ko! Kung sa pagkakaalam ko nga ay first kiss niya yon pero di bale, okay lang yon. Ano nga ba ang silbi ng first kung may last? Eh diba minsan ang mas mahalaga ay yung last?
"Pvtang*na talaga."
Napalingon ako sa nagsalita at napasimangot. Bakit ba umuwi pa yan dito sa bahay kung ang 'hi' para sa kanya ay mura?
"Problema mo?"
"You don't fvcking care."
Isa pa to sa mga dahilan kung bakit ayaw kong nandito si Ryan sa bahay. Napaka-englishero kasi!
"Problema mo Ryan?"
"Can't you just shut your mouth? T*ngina. Nakakairita."
Ito talaga yung nakakainis pag andito yan eh. Magtatanong ako ng maayos tapos mumurahin ako. Gandang kausap 'no? Kung alam ko lang ay bitter pa rin yang si Ryan sa nangyari.
"Bitter ka pa rin ba kuya?" May panunuya ko pa siyang tinignan.
"Fvck you Zach." Napangisi ako sa sagot niya,"And don't call me kuya."
"Bakit? Kasi hindi mo talaga matanggap na ako yung sinagot ni Mika at hindi ikaw?" Ngumisi ako,"Sayang yang kaguwapuhan mo kuya kung hindi ka rin naman pinapatulan."
Patalikod na ko nang bigla akong gantihan ng suntok ni Ryan. Masakit kasi pumutok yung labi ko pero pvtang*na niya rin kaya sinuntok ko rin siya.
Para quits.
"Magsama kayo ni Mika. Tingnan lang natin kung makakatagal kayo." At tumalikod siya habang ako ay tumatawa lang.
Ginamot ko na lang yung sugat ko sa labi ay kahit wag na pala, tatawagan ko na lang si Mika para may libreng kiss. At sakto namang nasa bahay pa kami! Nako alam na this!
At for sure maaasar yang si Reisler. Tss. Kawawa namang presidente yan, perfect na sana kaso walang lovelife.
3 months ago...
"Mika please. Mahal na mahal kita." Lumuhod siya sa harap ng babaeng yon,"Please Mika. Wag mo naman akong iwan."
"Neil. Hindi ko na kaya. Wag mo nang ituloy yang panliligaw mo, mapapaasa lang kita." Tatalikod na sana si Mika kaso hinigit siyang muli ni kuya Ryan kaya sumingit na ko.
"Kuya hayaan mo na si Mika. Baka talagang..." Napatingin ako kay Mika na nakatingin na rin sakin ngayon,"Baka talagang napapagod na siyang saktan ka."
"Bakit? Mika bakit? Pumayag ka naman nung una hindi ba? Ginawa ko lahat ng kondisyon mo! Pero bakit? Bakit hindi mo ko masagot?"
Tumalim ang tingin ni kuya kay Mika,"May iba ba? Mika, may iba ka bang gusto?"
Hindi nakasagot si Mika at napatingin sa baba. Ako naman ay parang nanonood ng taping ng isang Break-up scene. Kulang na nga lang talaga ay popcorn.
Kaso nagulat ako sa sunod na sinabi ni Mikaela...
"Meron."
Tila huminto ang mundo ng tinuran ni Mika ang mga salitang yon. Pati ako ay nagulat. Syempre kasi gusto ko rin si Mika at umaasa akong ito ang mangyayari...pero hindi ko naman alam na magkakatotoo.
"Mika! Ano ba? Minahal kita! Mahal kita! Bakit may iba? Binigay ko na sayo lahat! Ginawa ko na lahat! Mika!" Halos maglupasay na si kuya Ryan sa harapan ni Mika pero wala. Umiling lang si Mika sa kanya.
"Neil I'm sorry. Pero si Zach talaga ang gusto ko."
At doon nga nagsimula ang sigalot namin ni Ryan. Gusto ko rin naman si Mika kaya niligawan ko siya and I know na walang makakatibag samin.
Napailing ako sa salamin. Kawawa talaga yung pinsan ko. Tch. Wala eh. Tinalo ko ang bro code pero okay lang, si Mika naman yon. At si Mika naman ang namili at pinili niya ako. Kawawa talaga si Ryan.
Hanggang sa hapag-kainan ay dama ang coldness namin ni kuya Ryan sa isa't-isa. Hindi na nga siguro maaayos to at medyo ang pangit lang pakinggan ng away namin dahil babae ang naging dahilan nun. Parang masyadong mababaw.
Hindi na rin naman nagrereklamo ang mga kasama namin dito sa bahay, siguro kasi nasanay na rin sila o baka kasi talagang wala silang pakialam.
Pagkatapos naming kumain ay nakita ko si Ryan na dumiretso sa balcony pero may nahulog siya kaya dinampot ko iyon at binasa.
Target list:
1. Hailey Shanelle T. Castillo
Anong ginagawa ni Hailey sa list na ito?
BINABASA MO ANG
The Story of Us
General FictionI used to think one day I'll tell the story of us. How we met and the sparks flew instantly. And people would say,"They're the lucky ones."