Chapter 4: The Fall

3 1 0
                                    

Hailey's POV


It's been days after nung nangyari. Alwyn is kicked out. Hindi naman kasi kinukunsinti dito sa school ang ganoon.


Buti mabilis akong mag-move on at di ko na iniintindi yon. But I think I'm traumatized. Sino bang hindi?


Naku, salamat talaga kay Zach. Ang bait niya pala. Kahit tinatarayan ko siya nung una ay iniligtas niya pa rin ako but hey, every man should be like that.


Ilang araw ko na ring napapansin yung pagtitig lagi sakin ni Zach. Sa tuwing Flag Ceremony, pag naglilinis ako sa corridor, pag nagkukwentuhan sila Dianne at Migs at nandon kami, tuwing recess at...ngayon.


Kasalukuyan kasi akong nagtuturo sa section nila. Ako kasi yung pinaghabilinan ng teacher namin sa Math. Pilit pa nga iyong inaagaw ni Rona pero di ko binigay.


Nadi-distract ako dahil sa mga tingin ni Zach ngayon. Nakakinis. I mean, he's looking at me like he can see through my soul! Nakaka-distract kaya yung ganon! Idagdag pa na nakangiti siya.


"What's wrong?" Bulong sakin ni Irene.


Sinama ko siya dahil siya lang naman ang mapagkakatiwalaan kong makakatulong ko sa pagtuturo dito sa section nila Zach. Hindi naman sa hindi makakatulong sila Dianne but I think Irene's better.


Umiling ako pero ngumiti lang si Irene.


Tapos na kaming magpaliwanag nung lesson, nakatayo na lang kami sa gilid at pinapanood ang section nila Zach sa paggawa nung seat work. Kailangan kasi naming kunin yon.


"Something's wrong 'ley. Is it Zach?"


Mabilis akong umiling at naka-pout na tumingin kay Irene. Tumawa siya at tinitigan ako na para bang may ginawa akong masama.


"What?" Taas-kilay kong tanong sa kanya pero pabulong lang.


"Gusto mo siya ano?"


"Hell no!" Tinakpan ko ang bibig ko dahil napasigaw ako saka bumulong kay Irene,"Hindi no. Di naman ako magkakagusto sa FC."


"But he saved you remember?"


"Oo. Ewan ko Irene. It's weird. Something's different about Zach. Sa lahat ng lalaking nahuli kong tumititig sakin, sa kanya lang ako na-awkward. Sa kanya lang ako hindi makatingin ng diretso. And...secret lang ah? Nung time na tinapik niya ang balikat ko, I felt something."


"You like him."


"No, I don't."


"Tss. Ako pa ba 'ley? Ako pa?" Nakataas-kilay na sabi ni Irene.


"Okay fine. Edi gusto ko na siya. Phew. I never thought that admitting it would feel this way."


Tumawa lang si Irene at pumasok sa classroom nila Zach. Nag-stay lang ako doon at pinanood si Irene. Now that I admitted it, alam kong mas ma-a-awkward ako kay Zach and I don't like to feel that way.


Pinabayaan ko na lang si Irene doon sa loob. Kaya na naman niya iyon kaya isinalpak ko na lang ang earphones sa tainga ko. Sakto naman at may nagtanggal nun at taas-kilay ko siyang tinignan.


"Oh Rona? Anong kailangan mo?"


"So ganyan pala ang ginagawa mo? Naupo ka lang dito habang yung dapat na ginagawa mo ay iba ang gumagawa. Tss. Sabi na nga ba at dapat ako na lang ang gumawa nito eh."


The Story of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon