Samin natulog si Dianne buong weekend. Wala daw siyang ganang umuwi sa kanila, kahit sino naman siguro lalo na kung broken ka at walang may alam sa family mo.
Sa kaso naman ng family ko na halos family rin naman ni Dianne ay alam ang lahat. Pati nga siguro sinusuot kong panty sa araw-araw ay alam ni Mommy. At eto namang si Dianne, special treatment sa bahay dahil nga heartbroken.
"Naku iha, napakatanga naman kasi nung ex mo. Biruin mo! Ipinagpalit ka pa niya samantalang wala pa sa kuko ng hinliliit ng paa mo yung ganda nung babaeng yon!" Komento ni Mommy habang kumakain kami sa Dining.
Tumawa lang kami nila Daddy dahil sobrang affected si Mommy na para bang siya itong heartbroken. Si Dianne naman ay malungkot lang na ngumiti.
"Next time kasi iha, ipakilala mo rin samin yang Migs. Ikaw rin Hailey--"
Sumabat si Mommy sa usapan,"Oo nga anak! Halos dasalan ko na nga lahat ng santo para lang magka-boyfriend ka pero wala eh! Wala ka ba talagang nagugustuhang lalaki?"
Actually meron po kaso meron na siyang girlfriend kaya no choice ako kundi umatras.
"Wala po eh." Tumatawa pa ko pero deep inside ay nakahawak na ko sa kamay ni Dianne dahil nagsinungaling ako.
Hindi naman kasi ako sinungaling. Marahil bitch ako pero I never told a lie. Ito pa lang siguro at ang malala ay sa parents ko pa ako nagsinungaling. Ugh! Bad girl!
Pagkatapos naming mag-dinner ay sabay na kaming umakyat ni Dianne sa kwarto ko. Ramdam ko pa rin na malungkot siya kahit na ngumingiti. Ganon naman talaga hindi ba?
Minsan pinepeke natin yung nararamdaman natin sa ibang tao para makibagay sa kanila. Hindi kasi dapat tayo manghawa ng emotion sa iba at minsan, ramdam natin na wala tayong masasandalan so yeah, tinatago na lang natin ito sa sarili natin.
Sad part of being a teen.
Kaya naman pagkaupong-pagkaupo niya sa kama ko ay kinausap ko na agad siya. Hindi ko naman hahayaan yung bestfriend ko na ganto. Syempre kailangan ko ring palakasin ang loob niya.
She's not alone and that phrase must be in her mind.
"Pwede ka namang umiyak sa kama ko kung gusto mo. Kahit nga sa balikat ko eh. Pero mas the best kung sa music room tayo."
"Music room?"
Nginitian ko na lang siya at dinala sa music room namin sa bahay. Masaya dito kasi soundproof ibig sabihin, walang makakarinig sayo.
"Ano namang gagawin natin dito?" Ayan, nahawa siya sa boyfriend niya. Parehas slow.
Inirapan ko siya,"Dito mo ibuhos yung nararamdaman mo. Magsisigaw ka, humagulgol ka. Ilabas mo lahat. Kasi alam mo, kung itatago mo yan sa sarili mo, walang mangyayari, baka mautot ka pa."
Tumawa si Dianne sa huli kong sinabi at unti-unti rin siyang nag-breakdown. Pinanood ko lang siya doon at pinakalma lang nung oras na matulog. Ganon naman dapat eh, kailangan nailalabas mo lahat para gumaan yung pakiramdam mo.
Pagka-Monday ay sabay din kaming pumasok. May uniform din naman kasi si Dianne sa bahay kaya ayun, okay naman. Pwede na nga siya dito tumira.
"Ryde! Ryde!" Hala? Bakit di nagsasalita to? "Ryde! Uyy?"
Hindi pa rin ako pinapansin ni Ryde kaya tinapik-tapik ko na yung braso niya at pinakukurap ko na rin ang mata niya pero bat ganon? Ayaw pa rin? Sinampal ko nga.
"Aray Hailey!"
"Ayan! Hindi ka kasi nagsasalita! Ano bang problema mo?"
"Iniisip ko lang si ano...siya. Iniisip ko lang siya."
"At sino naman itong 'siya' na ito?" Nginisian ko siya,"Ayiee si Ryde! Binata na!"
"Tss. Eh ikaw ba? Sino ba yung lalaking nagpapalito sa iyo?"
Hindi ako sumagot sa tanong niya. Eh alangan sagutin ko, edi nalaman niya na! Mabuti pa na manahimik na lang ako kaysa magdaldal pa dito.
"Oh? Bakit tahimik ka?"
Nag-pout ako sa kanya,"Hindi ko naman kasi masabi sayo eh."
Ngumisi si Ryde,"Alam ko na! Sabay nating sabihin yung nagpapagulo sa utak natin!"
"Good idea Ryde! Sige sige!"
"Bibilang ako ng 1 to 3 ah?" Tinanguan ko siya,"Tapos sabay nating sabihin! Ge. 1, 2, 3!"
"Ikaw/Si Zach." Sabay naming sinabi pero hindi ko naman nainitindihan yung sinabi niya at mukhang hindi rin naman niya naintindihan yung sinabi ko kaya ayun, nagtawanan kami.
Pero bigla ring naglaho yung tawa ni Ryde. Hala? Eh kadalasan nga pag nagtatawanan kami, siya itong over laughing pero ngayon...may problema kaya ang isang to?
"May problema ka ba Ryde?"
Malungkot akong nilingon ni Ryde. Confirmed. May problema nga. Eh ano naman kaya yon?
"Anong meron Ryde?"
"Wala."
"Wushuu. Sabihin mo na. Makikinig naman ako eh."
"Sabihin na lang natin na sobrang nasasaktan ako dahil nalaman kong iba ang gusto nung taong gusto ko." Ngumiti siya,"Pero okay lang, sabi nga nila, hindi ka magmamahal ng libre. Dapat may bayad. Dapat nasasaktan ka."
"Ryde..." Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kasi ano nga ba ang dapat sabihin sa mga gantong pagkakataon?
"No Hailey. Okay lang ako." At umalis siya. Napatunganga na lang tuloy ako sa upuan ko buong klase.
BINABASA MO ANG
The Story of Us
Ficção GeralI used to think one day I'll tell the story of us. How we met and the sparks flew instantly. And people would say,"They're the lucky ones."