Hailey's POV
Hindi ko na pinansin si Zach after nung nangyari. Argh! Ayoko ng pag-usapan! Basta ayun, nung nag-collapse ako, hindi ko na alam basta pagkagising ko nasa bahay na ako. I don't even have a clue on how I got there. Imposible namang maglakad ako diba?
"Uii Hailey." Napalingon ako kay Mark. Ito yung manliligaw ni Cerlyn. Gwapo siya actually.
Nagiging close ko na rin naman kasi to. Nagkakasundo rin kasi kami. Minsan nga naaalala ko si Matt sa kanya eh. Ano kaya ginagawa nun ngayon?
"Alam mo ba to?" Itinuro niya yung assignment niya sa Math. Itinuro ko namam sa kanya iyon. Mabait naman kasi ako.
Pagka-recess ay pumunta ako sa pinakagilid ng classroom at doon kumain. Gusto ko lang sa tahimik. Wala ako sa mood para dumaldal.
Ganon lang ako hanggang sa narinig kong may tumawag sakin. Nang nakita kong si Zach iyon, iniwas ko kaagad ang paningin ko. Kunwari wala akong narinig. Pag kasi nakikita ko siya, bumabalik lahat. Ewan. Ayoko kasing isipin na siya iyon. I just can't hate him.
Ilang araw na rin kasi niya kong sinusuyo. Hindi ko nga alam kung bakit ginagawa niya iyon. Hindi ba niya alam na nalilito
"Kams! Grabe kanina pa kita hinahanap!" Hinigit ako ni Dianne palabas kaya napairap ako. Kahit kailan talaga.
"Hailey!!" Si Zach iyon. Boses pa lang niya, alam ko na. Bat ganon?
Humagikgik si Dianne sa gilid ko,"Kams, tawag ka niya oh.."
Hindi ko na inimikan si Dianne. Hindi naman kasi nila alam yung nangyari, hindi ko naikwento sa kanila. Kumain na lang ako at hindi ko siya pinansin. Bahala siya dyan.
Nang nag-ring na ang bell ay papasok na sana ako sa loob kaso kinalabit ako ni Zach,"Uii..sorry na."
Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy na sa pagpasok ng room. Sorry lang ba? Wow ah? Sorry and he's thinking na I'm forgiving him because of a 'sorry'? But come to think of it, andami na rin naman niyang ginawang effort pero kasi..hindi pa ko ready na patawarin siya.
Tumabi sakin si Dianne nung medyo malapit na ang uwian. Ano kayang sasabihin ng babaeng to?
"Kams..."
"Yeah?"
"Wala kang kasabay pauwi?"
Wala si Rica so technically,"Wala."
"Great! Sabay daw kayo ni Zach!"
Napairap ako. Not again,"Sabihin mo sa kanya, yung GF niya yung asikasuhin niya. Wag ako."
Kumunot ang noo ni Dianne,"Ano ba kasing nangyari?"
"Mahabang kwento."
"Hayst. Sige, sasabihin ko sa kanya."
Siksikan ang mga estudyante pagdating ng uwian. Hindi ko nga rin alam kung anong meron pero ganon talaga, minsan kailangan rin nating maranasan na makipagsiksikan. Hindi naman sa lahat ng oras palagi na lang maluwag ang daan, minsan may mga sitwasyong hindi ka rin makakahinga.
Nasiko ako nung isang babae na katabi ko kaya inayaw ko siya. Nakakaasar naman kasi. Siksikan na nga tapos ang harot-harot pa.
"Ang bitter mo te."
Umirap ako,"Atleast di ako kiti-kiting kagaya mo. Landi ah?"
"Hindi ako malandi. Excuse me."
"Sinabi ko bang malandi ka? Ang sabi ko ang landi ng galaw mo. Tsk. Defensive."
"Aba.." Sasabunutan na sana niya ako kaso naunahan ko siya.
Hinigit ko agad yung buhok niya kaya di na niya ko naabot so ang ending? Napaluhod siya sa gitna ng crowd. Ako naman ay sumingit na agad sa ibang space. Ayokong masabunutan. Baka mamaya gantihan ako nung babaeng maharot.
Busy ako sa pagtatago dahil ayoko talagang ma-guidance. Baka mamaya dumiretso na yung babae at nagsumbong, malalagot ako. Ganon lang ako hanggang sa may humila sakin palabas ng gate.
Habang hinihila ako ay hindi ko maialis yung tingin ko sa kamay niyang nakahawak sa wrist ko. Hindi ko masyadong mamukhaan yung lalaki dahil ang daming estudyante at natatakpan siya.
Pagkalabas namin sa gate. F*ck. Si...
"Ano? Ayos ka lang?" Nakatingin lang siya sakin pero sinimangutan ko lang siya.
"Don't act as if your concerned." Walang emosyon kong sinabi kay Zach at nilayasan ko siya. Tsk. Nakakaasar.
Diba dapat si Mika yung hinila niya doon? Baka mamaya nasuffocate na pala yung tao sa loob. Tss. Walang kwentang boyfriend.
"Hailey.." Hinawakan niya ako kaya hinarap ko siya.
"Zach, alam mo. Hindi ko alam kung bakit mo ko sinsuyo ng ganto. Hindi ko alam kung guilty ka o sadyang gentleman ka but either way, bat ganto ka...ka-concern.."
Hindi niya ko sinagot. Nakatingin siya sakin na parang nasaktan siya sa mga sinabi ko. I don't mean it but I have to. Baka kasi mamaya giyerahin na ko nung girlfriend niya. As I said, I may be a bitch but I'm not that bitch.
"Okay fine. I'm sorry Zach. Pero...I mean, I'm still not ready to forgive." Tumalikod na ako pero bigla ring nanakit ang ulo ko. Damn, ngayon pa ba?
The last thing I know, nasa bisig na ako ni Zach...and then I blacked out.
"Kams..kams.." Nagising ako dahil sa pagtapik ni Dianne sa braso ko kaya dahan-dahan kong dinilat ang mata ko at umupo.
"Waaah kams! Gising ka na! Hala! Natakot ako kams!!!" Na-touch naman ako sa bestfriend kong ito. Anemic kasi ako kaya madali akong nahihilo.
"Ano? Ayos ka na ba?" Biglang sumingit si Zach. Nanlaki ang mata ko. Hindi niya ba binalikan si Mika?
Magsasalita na sana ako ng kung ano nang maisip ko na..hindi pa ba sapat itong ginawa ni Zach para patawarin ko siya? He's sincere, I can tell.
Ngumiti ako,"Oo Zach. Salamat ha? Saka ano..." Sh*t, pano ko ba sasabihin? Napabuntong-hininga ako,"Sorry din."
Ngumiti lang din siya. Si Dianne naman ay ngumisi at sumenyas na lalabas lang siya. Napansin ko rin na nasa clinic kami ng school. Yeah, hindi naman kasi nagsasara itong clinic. May night shift kasi ang mga college.
"Naiintindihan ko Hails." Tumawa siya,"Alam mo ba? Ikaw lang yung babaeng nakilala ko na sobrang taray pero ang ganda pa rin ng kalooban."
"Si Mika rin naman ah. MAS maganda at MAS mabait kaysa sakin." Teka, bakit parang ang sakit sa puso habang sinasabi ko iyon? Don't tell me may sakit na rin ako sa puso?!
"Hindi Hails. Hindi mo naman maikukumpara si Mika--"
"Yeah I know. She's unique, she's different...she's special. Kaya mo nga nagustuhan diba?" Teka, bat puro bitterness ang lumalabas sa bibig ko?
"Yep. Pero mas kakaiba ka. Ibig kong sabihin, kaya kong idescribe si Mika pero ikaw...you're a mystery. Para kang...isang foreign comet na napadpad sa Earth."
"S-salamat." Sh*t, nakaka-flattered naman yung sinasabi ni Zach.
"Tara na. Hatid na kita?"
Tumango na lang ako at hinayaan si Zach na ihatid na ko sa bahay. Ano pa nga bang magagawa ko kung dikta na ng puso ko ang nasusunod?
BINABASA MO ANG
The Story of Us
Fiction généraleI used to think one day I'll tell the story of us. How we met and the sparks flew instantly. And people would say,"They're the lucky ones."