Nagising ako ng maaga kaysa sa normal kong gising. Nagulat pa nga si mommy nang nakita niya ako kaagad sa dining table.
"Oh? Bakit ang aga mo namang nagising?"
Nginitian ko na lang siya,"Wala naman mi. Maaga lang talaga ako nakatulog kagabi."
"Hailey naman, naririnig ko pa nga kayong nag-uusap ni Dianne, alas-onse na nga yon." Nag-pout pa si mommy,"Anak, pwede mo namang sabihin sakin kung may problema ka. I won't judge naman."
"Mommy eh..." Napatungo ako. Hindi ko kasi alam kung sasabihin ko ba kay mommy yung about kay Zach. Ang weird kasi. Hindi ako sanay na namomroblema tungkol sa lalaki.
Nag-pout lalo si mommy,"Nagtatampo na ko 'nak."
"Mi kasi eh. Ang weird po kasi." Pano ko ba sasabihin? "May nireject po ako...and...nagu-guilty ako kasi tss. Kasi po..."
"Gusto mo na siya?"
Tumango ako. Nagsalita naman ulit si mommy,"Hindi naman nakakababa sa pagkababae ng tao yung pagko-confess ng tunay mong nararamdaman."
"May girlfriend siya mi. Hihiwalayan daw niya yon basta sabihin ko lang na gusto ko rin siya...pero mi ayoko naman...ayoko namang masaktan yung girlfriend niya."
"Pero mas masasaktan yung girlfriend niya kung malalaman nito na pilit na lang pala ang commitment sa kanya nung lalaki hindi ba?"
Yun na lang ang huling narinig ko bago ko iniwan si mommy sa dining table kasi nga maliligo na ko. Mahirap na eh, sobrang bagal pa namang kumilos ni Dianne. Kailangan maunahan mo talaga kasi kung hindi, parehas kaming mala-late.
"Tara na kams! Alis na tayo!"
Pagkarating namin sa school ay nakita ko si Zach doon sa may guardhouse. Medyo nag-alala naman ako. Kasi ang mga napapa-stay lang naman sa guardhouse ay yung mga estudyanteng nahuhulihan ng kung ano-ano.
Ang tanong: Anong mayroon kay Zach? Bat kaya siya napunta doon?
"Ano kams? Naku-curious ka ba?" Napalingon ako sa bestfriend kong biglang nagsalita sa tabi ko. Tinaasan ko pa siya ng kilay,"Tss. Wag mo kong tinataasan ng kilay kams! Naku-curious ka kung bakit siya nandoon 'no?"
Hindi ako sumagot. Ayoko naman kasing ipahalata kay Dianne na talagang nag-aalala ako at oo, let's say naku-curious nga sa kung bakit naroon si Zach.
Binulungan ako ni Dianne,"Kams baka nakakalimutan mong school officer ka. May karapatan kang magtanong."
Ay sh*t! Oo nga pala! Ano ba yan Hailey. Bakit ba napakatanga naman?
"Ano? Magtanong ka na ah? Una na ko sa room! Labyu kams!" At nag-wave pa siya bago tuluyang umalis at iniwan akong parang tanga na nakatayo malapit sa guardhouse.
"Ms. Castillo. Excuse po" Si kuyang guard,"Anong maitutulong ko?"
Nginitian ko siya,"Wala naman kuya. Uhmm. Ano po." Napatingin ako kay Zach doon sa loob,"Ano pong offense yung nagawa ni...Zach Melendez?"
Sumimangot si kuya kaya agad na napataas ang kilay ko. Phew. Unusual ba kung nagtatanong ako tungkol sa isang lalaki? Ugh!
"Boyfriend mo ba yan Miss? O manliligaw mo?" Nanlaki ang mata ko sa tanong ni kuya pero hindi ako nakasagot,"Tss. May dalang condom yan miss. Hindi ko alam kung para sa'yo yon or para sa...babae niya?"
"Ay ay! Hindi po kuya!"
Nanlaki ang mata ni kuyang guard,"K-kayong dalawa yung maggaganon miss? P-para sayo yon?!"
"Ay kuya! Hindi!"
Sh*t. Ano ba iniisip ni kuyang guard? Fvck it ugh.
"Hindi ho yon para sakin kasi hindi naman po kami. Sige po. Salamat."
"Ganon ba iha? Akala ko eh..."
"Mali ho yung akala niyo. Sige kuya ah." Nag-wave pa ko kay kuya bago dumiretso ng room.
Shemay naman. Ano bang iniisip ni kuya? Na wala na kong v-card? Grabe naman eh ni boyfriend nga di pa ko nagkakaroon. Phew.
Pero para saan yung condom ni Zach? Ay sh*t. Hindi kaya kay Mika? Pvta! Ibig bang sabihin nag-gaganon sila ni Mika?
"Zach~~" It's a moan.
Agad din naman yong sinagot ng isa pang boses. Yung boses nung taong gustong-gusto ko.
"Mahal talaga...kita." May halong pagbuntong-hininga pa yon, tingin ko naghahabol ng hininga and yeah, technically, I know what they're doing.
Ay pvtang*na talaga. Ayoko na ngang maalala yon eh! Hayst. Pero kung may condom na dala si Zach. Ugh. Ibig sabihin talaga mas malala pa ang nagagawa nila kaysa sa 'make love'? Sh*t. Ibig sabihin ba ay nag-'make baby' na rin sila?
Fvck. Bat ba ko naluluha dito? Ano namang pake ko doon? Isa lang naman akong pampagulo sa love story nilang dalawa. Tss. Ano bang pake ko kung nagtanggalan na sila ng V-card?
Hindi ako masyadong nakapag-focus sa klase dahil sa naiisip ko tungkol kaila Zach at Mika. Hindi ko tuloy naaway si Rona ngayon.
Simula kasi nung nakabalik yon dito mula sa pagkaka-suspend niya ay palagi na kaming nag-aaway. Burot nga lang siya kasi ako palagi yung nananalo sa pagitan naming dalawa.
Pagkatapos ng klase ay dumiretso ako sa room nila Zach. Nakita ko si Zach na nakasandal doon sa may railings. Agad namang nagkatagpo ang mga mata namin kaya sinamantala ko na yon para kausapin siya.
"Zach."
Tumango lang siya,"Oh Hailey! Musta?"
Wow. Hindi siya na-a-awkward ah? Kamusta kaya ako dito?
"P-pwede ba tayong mag-usap...y-yung tayong dalawa lang." Tumingin ako sa kanya,"About Mika...about us."
Ilang minuto kaming nagkatitigan. Medyo na-conscious tuloy ako dahil ako pa itong nag-aya sa kanya samantalang ako pa yung babae. Nakakahiya fvck. So unlady-like.
"Seryoso ka Hails?"
Muntik na kong mapa-face palm sa isinagot niya. Pvtang*na naman Zach. Effort kaya to! Isa tong gawain na hindi ko normal na ginagawa!
Nakagat ko ang labi ko at napatitig na lang sa kanya. Hindi ko kasi talaga alam kung anong isasagot ko. Leche. Hindi ko naman kasi to napag-aralan. Walang discussion si ma'am tungkol sa ganto.
Ah! Kailangan kong depensahan ang sinabi ko! Fvck! Bakit hindi ko agad naisip yon?
"N-Naisip ko lang kasi na...k-kailangan nating..." Napatingin ako sa kanya,"Kailangan nating mag-usap tungkol sa'ting....dalawa."
At nakagat ko ulit ang labi ko. Nagkatitigan lang kami kaya nagulat ako nang bigla siyang nag-flinch.
"Pvta. Wag mong ginagawa yan sa labi mo." Hinila niya ang kamay ko,"Tara na at mag-usap. May alam akong lugar."
BINABASA MO ANG
The Story of Us
Fiksi UmumI used to think one day I'll tell the story of us. How we met and the sparks flew instantly. And people would say,"They're the lucky ones."