Zach's POV
Tahimik lang akong nagwawalis doon nang bigla kong narinig na nagsalita si Ryan. Napalingon ako sa direksyong yon at nakita ko si Hailey na nakaupo sa damuhan at si Ryan na sinisita siya.
"Castillo? Anong ginagawa mo?"
"Ano?" Mataray na sinambit ni Hailey. Napangiti ako, iba talaga tong babaeng to.
Kung akala ko ay hindi na magsasalita ulit si Ryan, nagkamali ako. May bala pa pala to para isagot kay Hailey.
"Hindi porket babae ka at napagod ka na, hihinto ka dyan. This is your punishment Hailey. And hindi ka pinarusahan para magpahinga lang dyan."
"Eh ano--"
Kitang-kita ng dalawang mata ko ang pagtayo ni Hailey at ang pagkaapak niya sa balat ng chichiria. Kitang-kita rin ng dalawang mata ko ang muntikang pagkahulog ni Hailey at ang pagsalo sa kanya ni Ryan.
Nag-slow motion ang paligid. Kahit ako naramdaman din yon. Pero sa tingin ko ay mas naramdaman yon nila Hailey at Ryan.
"Pvta." Mahina akong napamura nang napagtanto ko kung gaano kalapit ang mga mukha nila sa isa't-isa.
Pvtang*na talaga. Kitang-kita ko mula sa kinatatayuan ko ang pagpula ng mukha ni Hailey at ang panginginig ni Ryan. Sh*t. Baka magka-developan sila. Hindi pa naman pwedeng mangyari yon.
Napailing na lang ako. Alam ko kasi kung gaano kaganda si Hailey lalo na pag nakita mo yung mukha niya ng malapitan. Alam ko yun syempre kasi naranasan ko na.
Natitigan ko tuloy siya ng maayos. Yung mukha niya, napakaputi pero hindi pinulbos. Paano yon? Kitang-kita ko rin yung mahahaba niyang pilikmata. Tapos yung matangos niyang ilong. At syempre yung mapupulang labi niya na parang napakalambot. Pvta. Anong lasa niyan?
Pero ano kaya ang nasa utak ni Ryan ngayon? Ganon rin ba? Ang nasa utak ba niya ay katulad din ng mga naisip ko nung mga oras na iilang pulgada na lang ang layo ng mga mukha namin sa isa't-isa?
Ang ganda niya talaga. Hindi na talaga kataka-taka kung bakit ang daming gustong manligaw sa babaeng to. Ilong pa nga lang, maiinlove ka na, pano pa kaya pag yung labi na?
Hindi ko alam kung saan kumuha si Hailey ng gantong kagandahan. Ganto ba kaganda ang mama niya? Ganto ba ang nagagawa ng lahi ng tatay niya?
Kung siguro naiisip niya ngayon ang mga naisip ko nun, posible na mahumaling siya kay Hailey. Pvta. Hindi pwede.
At kung si Hailey naman ang magkakagusto kay kuya. Pvtang*na. Mas lalo namang hindi pwede yon.
Selfish nga ba? Selfish nga ba itong iniisip ko? Ang selfish ko na nga ba? Gusto kong hindi sila magkagustuhan pero ako mismo ang dahilan kung bakit nawasak ang puso ni kuya. Hindi ko naman pwedeng ibigay sa kanya si Mika. At lalong hindi ko maaatim na ipaubaya sa kanya si Hailey.
Ibang usapan na yon.
Iba si Hailey. Hindi siya yung tipo ng babae na gugustuhin mong balewalain. Kometa eh, diba ang kometa, palaging napapansin kahit saan mapunta? Hay Hailey, bat ka nga ba ganyan?
Ilang minuto na ang nakalipas pero ganon pa rin sila. Hindi pa rin gumagalaw sa kinatatayuan nila habang ako eto, masama ang tingin sa kanila.
"Ano?! Maglalandian lang ba kayo dyan?" Inihampas ko yung hawak kong walis tingting sa pinakamalapit na puno sakin saka sila tinignan ng seryoso,"Nagpunta tayo dito para maglinis, hindi maglandian."
Agad naman silang naghiwalay ng sumigaw ako. Good. Gusto pa nila nasisigawan. Eh kung sana kasi pinabayaan ako ni Ryan na masalo yang si Hailey, edi sana hindi sila masisindak ng ganyan.
"S-sorry."
Fvck! Bakit namumula yang si Hailey? Hindi pwede to. Nako. Wag lang talagang mangyayari na magkakagusto siya sa kuya ko.
"Walang problema Hailey." Ngumisi si Ryan saka tumingin sakin,"Pero para siguro sa iba, meron."
Halatang nagtaka si Hailey sa sinabi ni Ryan pero mas pinili na lang niyang manahimik at magwalis doon kaya iyon na lang din ang ginawa ko.
BINABASA MO ANG
The Story of Us
General FictionI used to think one day I'll tell the story of us. How we met and the sparks flew instantly. And people would say,"They're the lucky ones."