* Step 1 *
Rhian's POV
'Don't make Decisions when you're ANGRY and don't make Promises when you're HAPPY'
That quote are on replay in my mind when it suddenly hits me that I really do sign the contract of breaking Glaiza's heart
Uggh feeling ko mababaliw na ako kakaisip kung pano ko magagawa tong misyon kong to
Busyng busy ako sa pakikipaglaro ng Tekken kay kuya Mike ng biglang bumulaga samin sila Bianca, Sally at Wila at kinaladkad ako papunta ng mall
"Teka nga!! Bitawan niyo nga ako!! Bat ba tayo nandito? Ano bang gagawin natin?!" Irita kong tanong sakanila
Uggh ayaw pa din nila akong pakawalan! Hawak hawak ako sa magkabilang braso ni Bianca at ni Wila habang si Sally palinga linga sa mga stores
"Ano ka ba! Nandito tayo para i.make over ka! Sa tingin mo pano ka magugustuhan ni Glaiza kung ganian ang itsura mo?!" Sally said eyeing me from head to toe
"Bakit ano bang problema sa suot ko?" Tanong ko sakanila
I'm wearing a loose shirt na white..black short shorts..at dahil kinaladkad nila ako naka doll shoes lang ako instead of chucks..suot ko din yung nerdy glass ko at naka messy bun..pero hindi yung messy na maganda tignan but as in messy na literal
"Seriously? Tinatanong mo talaga kung anong problema sa suot mo?! Realtak! Mukha kang sabog na jejemon!" Ismid sakin ni Wila at hinatak na niya ako ulit
Una nila akong dinala sa isang salon..hatak hatak pa din nila ako na dinala sa isang upuan
"Congrats Beatie magkakakilala na kayo ng suklay" bulong sakin ni Bianca at may lumapit na saming stylist
"Ano pong ayos ang gagawin natin sakanya?" Tanong ng stylist
"Surprise us.." sabi ni Sally at hinila na niya sila Bianca at Wila palabas ng salon
"Be back later Bestie!! Relax ka lang dian!" Nag wink pa si Bianca saka umalis
Teka! Iniwan na nila ako!!!
Bigla namang pumalakpak ng tatlong beses yung stylist tapos naglabasan na yung mga alagad niya ata? Then lumapit sila sakin na para nila akong kakainin
After two hours.....
Nangangalay na ako sa mga pinaggagawa nila sakin!! Kelan ba matatapos to?! Ginupitan na nila ako, nagcurl,nag kulay ,nag manicure, pedicure, wax at ngayon Hindi naman ako makadilat dahil may nakasalpak na dalawang pipino sa mukha ko tas may nakalagay din na facial mask sakin ang hirap gumalaw!! Huhu
Maya maya pa ay tinanggal na nila ang mga nakalagay sa mukha ko
Tapos inumpisahan naman nila akong make.up. an...kinabitan na din nila ako ng contact lens..huhu babye glasses..hindi ko pa nakikita ang sarili ko dahil nilayo ako salamin..gusto nila masurprise din daw ako
Nilalagyan na nila ako ng lipstick nung narinig kong dumating sila Bianca
"Ma'am saktong sakto ang balik niyo..tapos na namin siyang ayusan!! Grabe pala ang natural beauty ng kaibigan niyo! Mukha na siyang anghel ngayon" dinig kong sabi ng stylist
"Siguraduhin mo lang ah! Kundi ako ang kakalbo sayo" sabi naman ni Wila..nadidinig ko ng papalapit ang mga yabag nila
Pagbukas nila ng pinto gusto kong matawa sa mga itsura nila..sabay sabay kasi silang napanganga ng makita ako
BINABASA MO ANG
The Casanova Has Fallen (Completed)
FanfictionWould a Casanova be able to find her ONE TRUE LOVE? From the best selling Wattpad Story BTCHO Comes another RaStro Wattpad Adaptation "In a Game called Love, the first one who falls is the LOSER"