*Weapon*
Rhian's POV
Gabing gabi na nung makauwi ako sa bahay namin dahil it took me a while to regain myself doon sa pagkakaupo ko sa labas ng unit ni Glaiza. Sobrang pinanlalambutan ako kaya halos hindi ako makatayo doon.
Pagka dating na pagka dating ko sa bahay, sinalubong naman agad ako ni Mama Amanda
"Yoyon, bat ngayon ka lang? alalang alala ako sayo" tinignan ko lang siya then nilagpasan ko atsaka ako dumiretso sa kwarto ko. Narinig ko naman na sinusundan niya ako
"Anak, galit ka parin ba saakin? Please naman pakinggan mo ako" naupo siya sa kama ko at tumabi saakin
"Ayoko makipag usap sayo, sapat na yung nalaman ko"
"Sapat? Yoyon hindi mo alam lahat! Wala kang alam sa mga nangyari kaya please wag kang magagalit saakin sa isang bagay na hindi mo alam ang buong storya" hinawakan niya ang kamay ko
"Please Yoyon listen to me"
Hindi ako umimik. Siguro nga dapat ko narin malaman ang side ni Mama Amanda. Oo galit ako sa kanya, pero sa isang banda, alam kong miss na miss ko na siya at nakakadagdag na yung pagka miss na yun sa pain na nararamdaman ko.
Naramdaman ko ang pag hinga ng malalim ni Mama Amanda then nag start na siya ipaliwanag saakin lahat lahat.
"Mahirap lang ang pamilya ko noon. Nagtatrabaho ang mga magulang ko sa pamilya ni Alfredo, ang papa ni Glaiza. Ang tatay ko bilang driver nila, ang nanay ko naman bilang kasambahay. Doon kami nakatira sa bahay nila noon kaya nakilala ko yung Papa ni Glaiza. Araw-araw kaming magkalaro kaya naman naging kaibigan ko siya. Ipinakilala din niya ako sa mga kaibigan niya nung nagpunta sila sa bahay. Yung papa mo, at si Clara..."
Napatingin ako sa kanya "S-si mama?"
"Oo, ang mama mo. Sabay sabay kaming lumaki noon. Naging matatalik ko silang kaibigan dahil tinaggap nila ako kahit hindi naman ako kasing yaman tulad nila. Pero habang tumatagal, mas lalong napapalapit ang loob ko sa Papa mo. Nalaman ko rin na mahal niya ko.
Magiging kami na sana kaso biglang naaksidente si tatay. Malaki ang gastusin sa ospital, hindi namin kakayanin kaya pinautang kami ng family ni Alfredo. Pero hindi parin nailigtas si tatay namatay siya at ang pamilya din nila ang sumagot sa pagpapalibing ni tatay.
Nung mga panahong sinisingil na kami, wala kaming maibayad, wala kaming ka-pera pera. Pero nagulat ako sa hinihingi nilang kabayaran.." naramdaman kong nanginig ang buong katawan ni mama Amanda at palabas na ang luha sa mga nito
"Gusto nila ako ipakasal kay Alfredo. Doon ko nalaman na matagal na niya akong mahal. Iyak ako ng iyak noon. Ayoko pero wala akong magawa. Napilitan akong iwan ang papa mo kahit mahal na mahal ko siya. Pero ang mas masakit, ang makita kong nasasaktan siya habang wala akong magawa" napatulo ang luha ni Mama Amanda at hindi ko rin naiwasang maiyak.
Alam ko ang pakiramdam na yun. Ang makitang nasasaktan ang taong mahal mo habang ikaw wala kang magawa.
Feeling mo napaka walang kwentang tao mo.
"Nagpapasalamat ako dahil nandiyan parin si Clara. Hindi niya iniwan ang papa mo nung mga panahon na yun kahit pinagtatabuyan siya nito palayo. But eventually, nakuha niya narin itong mahalin. Ikinasal na rin silang dalawa, at imibitado pa ako sa kasal" pumatak na naman ang luha sa mata ni Mama Amanda
"Parang dinudurog ang mundo ko nung makita ko yun dahil sa tinagal tagal na panahon, mahal ko parin ang Papa mo. Oo alam ko nung mga panahon na yun si Clara na ang mahal niya, pero masakit anak. Sobrang sakit. At the same time, masaya din ako kasi hindi na siya nasasaktan. After nilang ikasal dalawa, nagibang bansa muna sila kaya nawalan kami ng communication. Pinilit kong ibaling ang pagmamahal ko kay Alfredo pero hindi ko parin nagawa.
BINABASA MO ANG
The Casanova Has Fallen (Completed)
FanfictionWould a Casanova be able to find her ONE TRUE LOVE? From the best selling Wattpad Story BTCHO Comes another RaStro Wattpad Adaptation "In a Game called Love, the first one who falls is the LOSER"