*Regrets*
Glaiza's POV"Sorry ma'am, pero hanggang dito na lang po kayo" the nurse told me as they rushed Deni inside the emergency room
Hinawakan ko yung braso nung nurse "Please do everything to save her. Please I'm begging you, don't let her die. Please.. please"
"Don't worry, gagawin po namin lahat ng makakaya namin" sumunod narin yung nurse sa loob ng ER
Naupo ako sa upuan sa gilid ng ER then inilabas ko ang cellphone ko and send message to my mom pati narin sa mga kaibigan ni Deni para pumunta na sila sa hospital ngayon.
After I send the messages, I put my hands together, bow my head and started praying.
God, please wag niyo po munang kukunin si Deni saakin. Alam kong madami akong nasayang na panahon dahil mas pinairal ko ang sakit na nararamdaman ko. Natakot lang ako maniwala sa kanya nun, pero please nakikiusap ako, wag muna ngayon. Hayaan niyo po munang makasama ko siya ng matagal na panahon. Gusto ko pa siyang alagaan at pasayahin. Nakikiusap po ako.
Nakayuko lang ako habang paulit ulit na nagdadasal. Ramdam na ramdam ko din ang kabong ng dibdib ko, ang panlalambot ng katawan ko, at ang sakit na nararamdaman ko.
Nag aagaw buhay ang babaeng mahal ko. Alam ko na grabe ang torture na nararamdaman niya ngayon. Kung pwede lang na makipag palit ako ng pwesto sa kanya ginawa ko na.
Bakit kailangang si Deni pa ang masagasaan? Bakit hindi na lang ako? Sana ako na lang ang nasagasaan. Sana ako na lang ang nag aagaw buhay ngayon. Mas gugustuhin ko pa yun kesa ang ganito.
Mas gugustuhin ko ng malaman na hindi niya ko mahal kesa yung ganito.
Maya-maya lang din, dumating na yung mga kaibigan ni Deni, sinundan naman ito ng family niya. Samu't sari ang tanong na ibinato nila saakin pero isa lang ang nasagot ko.
"Na-hit and run siya, at wala man lang akong nagawa"
Napaupo ulit ako sa silya at ipinatong ang ulo ko sa mga kamay ko. Narinig ko naman ang mga iyak nina Bianca pati narin ni mom.
"She'll be alright, my daughter will be alright" sabi ng papa ni Deni habang may namumuong luha sa gilid ng mata nito "she's a tough girl. Malalabanan niya to"
After that, wala ng umimik saamin. Lahat kami nag aantay sa sasabihin ng doctor. Yung mga kuya Deni, pabalik balik at alam kong kinakabahan din sila.
"Anak" lumapit si mom saakin "Kumain ka muna. Alam kong hindi ka pa nag hahapunan"
"Wala po akong gana"
"Sige na anak kumain ka muna"
"Sorry po, pero wala po talaga kong gana"
Bigla naman lumapit si Bianca saakin "Tita, ako na po bahala" kinuha niya yung pagkain na inaabot saakin then tumabi siya saakin
"Glaiza, hindi magugustuhan ni Rhian ang ginagawa mo ngayon. Kumain ka na muna"
Hindi ko sinagot si Bianca, instead tinignan ko siya sa mata "Sorry" bulong ko dito
"Para saan?"
"Siguro karma ko to. Ang dami kong sinaktan na babae dati, isa ka na dun. Kasalanan ko kung bakit nangyari to. Kasalanan ko lahat..."
BINABASA MO ANG
The Casanova Has Fallen (Completed)
FanfictionWould a Casanova be able to find her ONE TRUE LOVE? From the best selling Wattpad Story BTCHO Comes another RaStro Wattpad Adaptation "In a Game called Love, the first one who falls is the LOSER"