*The Date*
Rhian's POV
"O-oy Glaze's san mo ba ko dadalhin?!" tanong ko sa kanya habang patuloy niya akong kinakaladkad. Pero wala eh dedma ang isang to!!
Pero hinayaan ko na lang siya na kaladkarin ako. Ako naman parang ewan na napapangiti dito.
Nagseselos ba si Glaiza? Wahahahaha kahit nakikipag landian tong si Glaiza sa iba, ang puso at isipan niya ay nasaakin parin.
BWAHAHAHAHA.Teka bat ba ang saya saya ko?!
Dinala ako ni Glaiza sa parking lot at pinasakay sa kotse niya. Sumakay naman siya sa driver's seat.
"Saan mo ba ko dadalhin?"Tumingin saakin si Glaiza at bigla naman nitong iniwas agad ang tingin niya at inuntog ang ulo sa manibela.
"Sh*t! Sh*t! tukso layuan mo ko!!"Ano daw?Hala, nasiraan na ata to ng bait? Bumaba ulit siya sa kotse at binuksan yung likod and mukhang may kinuha ata.
Nung bumalik siya sa driver's seat bigla nalang siyang may ibinato na jacket saakin.
"Isuot mo nga yan! Mamaya di ko na talaga mapigilan ang sarili ko at suwayin ko na yung pangako ko sayo!"Ano daw? Bakit naman?Doon ko lang naalala na sira nga pala ang uniform ko at natatakpan lang ang hinaharap ko ng polo ni Luis.
Napatingin ako bigla sa dibdib ko and ayun, kita ang cleavage ko.Kinuha ko yung jacket ni Glaiza at sinuot ko. Pinaandar na ni Glaiza ang kotse niya at nag drive papunta doon sa condo niya.
Teka akala ko ba mag d-date kami? Excited pa naman ako. Aba, nagbabadyang katuparan na ito ng step 3 and 4 eh!Mwahahahaha
Pagpasok ko sa unit ni Glaiza nakita ko agad sa ibabaw ng kama niya yung kapartner nung turtle na stufftoy na binigay niya saakin nung nasa Palawan kami. Napatakbo naman ako doon at hinug ko yung turtle.
"Ang cuttteeee talaga nito!! " sabi ko habang yakap yakap yung stufftoy.
"Ano ba!" bigla niyang inagaw saakin yung turtle na stufftoy
"Sinasakal mo naman si Den-Den eh!"
"Den-Den? " pagtataka ko
"Oo! Yan ang name nung turtle ko! Tapos yung sayo naman Tey-Tey."
"Kelan pa nagkapangalan ang stufftoy?"
"Ano ka ba!" nag pout siya bigla
"Bigay ko yun sayo dapat mahalin mo! Tsaka dapat bigyan mo ng pangalan!"
"Sige na! sige na! name na nung turtle ko ay Tey-Tey at sayo naman Den-Den" I rolled my eyes heavenwards.
Tong si Glaiza kakaiba din minsan eh. Biruin mo ang isang tulad niya ay may kakayanan mag pangalan sa stufftoy?Wahahaha.
May kinuha si Glaiza na damit sa cabinet niya atsaka ibinato saakin.
"Palitan mo na yang suot mo"Tinignan ko naman yung binato niyang damit sakin, isang simple light pink casual dress.
Biglang napataas ang kilay ko ng buksan niya ang walkin closet niya. Grabe naman napakarami naman niyang damit..Pwede na siyang magtayo ng department store!
"Oy sigurado ka bang ako pa lang ang una babaeng nadala mo dito sa condo mo! Para kasi sa isang normal na babae masyadong eksaherada yang dami ng damit mo! So tell me May iba kana bang nadala dito?! Siguro damit yan ng mga babae mo noh?! Souvenir ba nila yan sayo?! Naghubad ba sila dito ha?! Nag toootoooot na ba kayo?!"
"Anong toootooot?! Tsaka ano ba! Ang dumi mo magisip ha! Hobby ko lang talaga ang mangolekta ng mga damit at idisplay sila lahat diyan"
"Weh?"
BINABASA MO ANG
The Casanova Has Fallen (Completed)
FanfictionWould a Casanova be able to find her ONE TRUE LOVE? From the best selling Wattpad Story BTCHO Comes another RaStro Wattpad Adaptation "In a Game called Love, the first one who falls is the LOSER"