*The Wedding*
Rhian's POV
“Hay ang ganda ganda talaga ng anak ko” sabi ni daddy saakin habang nasa likod ko siya at pareho kaming nakatingin sa salamin.
Napangiti na lang ako kay daddy dahil ilang beses na niya akong sinabihan ng ganyan habang titig na titig saakin.
Napaka ispesyal kasi ng araw na ito para saamin. Sa loob ng ilang oras, mapapalitan na ng De Castro ang apelyido ko. Sa loob ng ilang oras pakakasalan ko na ang babaeng pinakamahal ko.
“Natutuwa talaga ako na isang napaka gandang bride ng anak ko at hindi rin maikakailang napakagandang bride din ng pakakasalan mo” walang humpay parin na pag compliment sa akin ni daddy
“Nakita niyo na si Glaiza dad?” tanong ko sakanya habang nakatingin pa din sa repleksyon niya sa salamin
“Oo anak dumaan muna ako sa kwarto niya kanina bago kita puntahan dito”
“Ano naman pong ginawa niyo dun?”
“Binigyan ko lang naman siya ng final warning” kibit balikat niyang sabi
“Dad!!”
“What? Sinabi ko lang naman na ingatan niya ang kaisa isa kong prinsesa. Na wag na wag siyang mapapagod na mahalin ka. Na kahit na buong mundo na ang humarang sa inyo, hindi ka pa din niya iiwan. Alam ko anak na hindi birong relasyon itong pinasok niyo. Taliwas ito sa nakasanayan ng ibang tao, kaya hindi malayong mas doble ang magiging hirap niyo sa magiging buhay niyo bilang magasawa. At gusto ko ring sabihin sayo ang mga salitang sinabi ko kay Glaiza” Hinarap naman ako ni daddy sakanya at hinawakan ang mukha ko
“Anak, wag niyong sukuan ang isa’t isa. Kung sakali mang magkaproblema kayo o may di mapagkakaunawaan, lagi niyong tandaan ang araw na ito, ang dahilan kung bakit kayo nakarating dito sa puntong ito ng buhay niyo. Ang wagas niyong pagmamahalan. Wag niyong paiiralin agad ang galit, ang lungkot o kahit na anong negatibong pagiisip. Mahalin niyo lang ang isa’t isa kahit mahirap”
Hindi ko namang maiwasang hindi mapaluha sa mga sinabi ni daddy.
Alam ko naman simula ngayon, magbabago na ang buhay ko. Hindi na ako pwedeng maging kasing childish ng dati. Hindi na ako pwedeng maging pessimistic.
Kailangan ko ng lawakan ang pangunawa ko ngayon at hindi na ako pwedeng magpadalos dalos sa lahat ng gagawin kong desisyon. Lalo na kung alam kong maaaring makaapekto ito sa pagsasama namin ni Glaiza.
“Shhh tahan na anak, ang ganda ganda mo ngayon tapos iiyak ka lang dian?”
Medyo natawa naman ako sa sinabi niya
“Tama na nga tong drama natin dad! Baka mamaya bago pa ako makarating kay Glaiza sira na yung make up ko! Naku baka maghanap pa ng iba yun!!”
“Nako subukan lang niya! Mata lang niya ang walang latay sakin”
Hinalikan naman ako ni daddy sa noo ko
“Basta tandaan mo lang yung mga sinabi ko sayo anak ha? Mahal na mahal ka namin ng mommy Clara mo at mama Amanda mo. Asahan mong nandito lang din naman kami kasama ang daddy ni Glaiza at ni Mareng Cristina para alalayan at suportahan kayo”
“Opo daddy, naiintindihan ko po. Mahal na mahal ko din kayo” lumapit na ako sakanya at niyakap siya ng mahigpit
Maya maya pa ay may kumatok na sa pintuan namin si Bianca
“Bestie! Moment of truth na! Let’s go?” dumungaw naman ito sa pinto at inalalayan na nila ako ni Daddy
Napakaaliwalas ng panahon ngayon. Para bang nakikisama sa amin panahon. Banayad ang lakas ng alon sa dagat, maririnig mo sa paligid ang mga huni ng ibon at tamang tama lang din ang lakas ng hangin hindi masyadong malamig hindi din masyadong mainit
BINABASA MO ANG
The Casanova Has Fallen (Completed)
FanficWould a Casanova be able to find her ONE TRUE LOVE? From the best selling Wattpad Story BTCHO Comes another RaStro Wattpad Adaptation "In a Game called Love, the first one who falls is the LOSER"