Epilogue
Rhian’s POV
*After 9 months*
Naging masaya ang pagsasama namin ni Glaiza sa loob ng ilang buwan namin bilang magasawa. Naging mas lalo siyang maalaga sakin, at mas naging sweet din
Kahit na magasawa na kami, para pa din kaming mga teenager na nagliligawan.
She always surprise me kahit na nasa bahay or work kami
Palagi siyang nagbibigay ng flower sakin na may kasamang mga notes.
We occasionally go on a date pag weekends
At kung itatanong niyo lang naman kung kamusta ang #SPGLife namin. Believe it or not, matapos ang unang beses na may nangyari samin. Ako na ang laging ‘nangangalabit’ sakanya
I almost drain her every now and then, minsan wala akong pake kung nasaang parte man kami ng bahay nandun or kahit pag nasa loob kami ng office namin sa resto. Basta pag kinalabit ko na siya wala na siyang tanggi sakin. Bwahahaha
Kung hindi pa nga siya nakiusap sakin na 4 times a week na lang namin gawin yun, baka talagang inaaraw araw at gabi gabi ko pa siya
Bakit naman kasi walang nakapagsabi sakin na *eherm* masarap palang gawin yun? Eh di sana nung unang beses pa lang ako tinease ni Glaiza noon bumigay na ako agad! Tsk sayang talaga! Charot lang!
After a month simula nung magpakasal kami, tumulak na agad kami papuntang Amerika at inasikaso na din namin ang pagkakaroon ng anak. Si Glaiza kasi mukhang atat na atat ng magkaroon ng baby
Mas mabuti na daw yung mas maaga para kahit papaano pag lumaki na ang magiging anak namin ay hindi naman ganun kalayo ang edad namin sakanya. Mukha ngang balak niya talaga na seryosohin yung volleyball team na sinasabi niya kaya sinisimulan na niya
Hindi naman ako tutol sa plano niyang to. Maging ako din naman, excited na na magkaroon ng mini me or mini Glaiza dito sa bahay namin. Siguradong sigurado akong riot ang magiging dating nun
Hindi naman kami nabigo sa unang try pa lang namin, dahil naging successful ang IVF process na ginawa sakin
Halos mapunit na nga non ang labi ni Glaiza sa sobrang lapad ng ngiti niya ng malamang dinadala ko na ang magiging anak namin
Parang bata din siya noon ng ibalita niya sa mga magulang at kaibigan namin namin na buntis na ako.
Hindi din siya nawalan ng pasensya sakin nung mga panahong nagkakaroon ako ng morning sickness at cravings
Balewala sakanya kung pinaghahanap ko siya ng pakwan na dilaw, hilaw na mangga at bayabas sa madaling araw
At wala din siyang reklamo kapag pinipilit ko siyang kaininin ang mga bagay na kinakain ko kahit gaano pa ito nakakadiri sa paningin niya at kahit na araw araw ko siyang pinanggigilan
Pero pagtungtong ko sa pang ika siyam na buwan ng pagbubuntis ko, napansin ko din ang pagbabago sakanya
Since hindi na din muna ako pumapasok sa restaurant namin dahil malapit na nga ang due ko hindi ko na siya palaging nakasasama at pumapasok siya
Sa ngayon ay madalas siyang nagpapaiwan sa restaurant at magpalate ng uwi, bagay na kahit kalian ay hindi naman niya ginagawa kahit kelan. At nung minsan din ay nahuli ko itong may kausap sa phone ng patago.
“Bestie.. confirmed may kasama siyang babae ngayon at nandito sila sa restaurant niyo ngayon”
Agad naman akong napabangon sa pagkakahiga. Di ko alintana ang bigat ng dinadala ko ngayon ng marinig ko ang balitang sinabi ni Bestie sakin
BINABASA MO ANG
The Casanova Has Fallen (Completed)
FanfictionWould a Casanova be able to find her ONE TRUE LOVE? From the best selling Wattpad Story BTCHO Comes another RaStro Wattpad Adaptation "In a Game called Love, the first one who falls is the LOSER"