Chapter 32

4.7K 198 14
                                    

*Step 8*

Rhian's POV

"Hop-in Love Love! Tara na at mag mall! "

"Yes Love Love " sagot ko sa kanya
Pumasok na ko sa loob ng kotse ni Glaiza na naka simangot.

Nakakayamot talaga siya. Sobra

Alam niyo ba ang gusto niyang ipagawa saakin para mapatawad niya ko sa kasalanang hindi ko alam?

Gusto niyang mamasyal kami sa Mall ngayon na parang isang bagong kasal na couples at kailangan na tatawagin ko siyang 'Love Love' ngayong araw.

Ang dali lang ng hinihiling niya no?

Pero sino nga ba pinaguusapan natin?

Si Glaiza di ba? At pag si Glaiza humiling, hindi lang basta, basta. Lalo na kung may manyak siyang isipan.

Sabi niya doon ako matutulog sa condo niya, at hanggang doon, magpapanggap parin kami na bagong kasal.

Tinawagan niya nga sina Kuya at may kung anong sinabi. Hindi ko talaga alam ang dinahilan ni Glaiza pero
napapayag niya sila.

Tokwa natatakot ako sa pinaplano niya. Bat ba pakiramdam ko may masamang mangyayari saakin ngayong araw na to? Grabe talaga.

God wag niyong hayaan na saniban ng espirito ng kamanyakan si Glaiza mamayang gabi. Please maawa kayo
sakin. Bata pa ko. Hindi pa ko ready. Ayoko pa magkaanak

Nung makarating kami ni Glaiza sa mall, nag stroll lang kami habang magkahawak ng kamay.

"Tara Love Love punta tayo sa department store"

Nagpunta kami sa ladies section then nagtingin tingin naman ako ng mga shirts doon.

Na-miss ko na ang pagsusuot ng shirts. Simula kasi na nag sign ako sa contracts pinagbawalan na ko nina Sally.

Kailangan daw maging fashionable. Miss ko narin ang eyeglass ko at ang rubber shoes pati narin ang mahabang skirt ng uniform ko.

I miss my boyish look.

Tinigilan ko na ang pagtingin tingin ng mga shirts at hinanap si Glaiza at nakita ko siyang tumitingin ng mga
lingerie.

Don't tell me plano niyang isuot yan o di kaya naman eh ipasuot sakin yan mamayang gabi?!

May lumapit sa kanya na sales lady.
"Hi ma'am, para po ba sa mom niyo?" tanong niya kay Glaiza habang tinitignan ito ng malagkit na kulang na lang eh hubaran na niya si Glaiza.

With matching pakita pa ng cleaveage niya!

Ay tokwang sales lady to!!!! Ang harot!!

Lumapit ako kay Glaiza at pinulupot ko ang braso ko sa braso niya

"Love Love bigla kang nawawala! Kanina pa kita hinahanap"nag pout ako

"Para sakin ba yang lingerie nay an
Love? Oww how sweet naman. Pero mas prefer ko ang Pj's kasi lamigin ako eh" tinignan ko yung sales
lady

"Newly wed couple kami. Ang ganda ng asawa ko no? "
Bigla naman nawala ang ngiti sa mukha nung maharot na sales lady.

"Let's go Love Love?" hinila ko si Glaiza doon sa mga Pj's
Napansin ko naman na ang laki ng ngiti sa mukha niya

"Jealous much?"

Hinampas ko siya sa braso "Ang landi mo! "

Tinawanan niya lang ako.
"Don't worry Love hindi naman ako nagpapadala doon sa mga panlaladi ng mga babae sakin kasi simula ng
minahal kita, pinangako ko na sa sarili ko na ikaw na lang ang pwedeng lumandi saakin at pwede kong
landiin"

The Casanova Has Fallen (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon