*Ms. Abs *
Rhian's POV
"Bestie sure kang ok ka na ha?"
"Oo naman bestie. Ako pa!"
Hinawakan ni Bianca ang kamay ko "kung alam ko lang sana na ganito ang kahahantungan ng lahat, hindi na sana kita pinilit dati. Bestie sorry talaga, sorry"
"Ano ka ba! Kung hindi mo ginawa to siguro matagal ng pugot ang ulo ni Glaiza"
Medyo natawa si Bianca "kung sabagay.. yung isa rin naman kasi na yun eh, napaka babaero"
Oo nga pala, alam narin ni Bianca yung about sa mafia thingy. Sinabi na namin nila Sally sa kanila and medyo gumaan din ang pakiramdam ko nun kasi kahit papaano alam kong wala na kong nililihim kay Bianca.
Sinabi din niya saakin na may nararamdaman pa siya kay Glaiza, but I do not need to worry kasi lately parang nawawala narin yung nararamdaman niya kay Glaiza, sa di daw malaman na kadahilanan.
Si bestie talaga, may pagkamanhid. Sana maidentify niya na na yung 'hindi malamang kadahilanan' na yun ay si Chynna. Pagka talagang nagkatuluyan ang dalawang yan mag papaparty ako!
"Oo nga pala bestie, magiingat ka doon sa mga babaeng yun ha? kinakabahan talaga ako sa sitwasyon niyo ni Glaiza"
"Ano ka ba bestie! Masamang damo kami, lalo na si Glaiza. Di kami agad agad mamamatay. Tsaka sabi rin naman ni Sally na marunong tumupad sa kasunduan ang mga yun. Pinapahalagahan nila ang pangako. We'll be fine"
"Sana mainlove ka na kay Glaiza"
"Naku ewan ko lang bestie" we both laughed then nag paalam narin saakin si Bianca
"See you later Rhian! Ingat"
"Same here!"
She waved then naglakad narin doon sa opposite way. Ako naman dumiretso sa locker room para kunin yung chef's uniform ko.
*sigh*
Nakakaasar naman na puso ito oh. Hanggang ngayon ayaw parin tumigil sa pagsakit. Parang may naglalagare sa puso ko eh. Alam niyo yung unti-unting nahahati sa dalawa?
Inaamin ko hanggang ngayon masakit parin. Sino ba naman ang makakapag move on lang within overnight? Si Taylor Swift lag nakakagawa nun! At kahit pa marami ang nagsasabing kamukha ko daw si TS eh hindi ko naman kayang gayahin ang skillz niya. Inaamin ko na nanghihinayang din ako para saamin dalawa. Mahal ko si Luis, pero alam ko hanggang doon na lang yun.
Medyo gumaan kahapon nung naiiyak ko lahat ng sama ng loob ko kina Bianca. Pero nung napagisa ako ulit, bumalik na naman lahat ng sakit. Ang hirap pala ng ganito. Sa totoo lang kung may magagawa nga lang ako para hindi bitawan si Luis ginawa ko na. Kaso alam ko kailangan ko na siyang pakawalan.
But if second chance was given to the two of us...
Dumiretso na ako sa comfort room para magpalit ng chef's uniform. 6 hours laboratory kasi kami ngayon at talaga namang bangag na bangag ako. Paano ba naman wala akong tulog kagabi kakaiyak.
Mukha na ngang kinagat ng isang milyong ipis ang mata ko sa sobrang pagka maga eh. Sana naman walang makapansin, lalo na si Glaiza.
Kung hindi patay talaga pag nagtanong siya. Wala akong maidadahilan.
Palabas na sana ako ng comfort room ng pumasok naman si Glaiza. Dala dala niya din ang chef's uniform niya at mukhang magpapalit din
"Hi Love Love. Kanina pa kita hinihintay! I miss you" masayang bati niya sakin then she kissed my cheeks
BINABASA MO ANG
The Casanova Has Fallen (Completed)
FanfictionWould a Casanova be able to find her ONE TRUE LOVE? From the best selling Wattpad Story BTCHO Comes another RaStro Wattpad Adaptation "In a Game called Love, the first one who falls is the LOSER"