*Broken Hearts*
Rhian's POV
"Kuya laro tayo ng tekken!!!" sigaw ko kay Kuya Mike na kasalukyang nakahiga sa kama niya
"Wag ka nga magulo Denise!" galit naman niyang sagot saakin sabay talukbong ng unan sa mukha.
Hay naku, simula nung bumalik siya galing sa date nila ni Sally ganyan na yan. Napaka init ng ulo. Hindi kaya nabasted to ni Sally?
"Oy kuya" pinindot ko yung mukha niya "Basted ka no? wahahahahha basted! Basted! Basted!! "
Bigla naman napatayo si Kuya Mike"ANO BA RHIAN DENISE!!! " he looks away
"Mukha ngang basted ako. Hay "
"Teka, ano ba kasi nangyari ha?"
"Eh kasi bigla bigla na lang siyang umalis. Sabi niya hindi daw maganda pakiramdam niya tapos ayaw niyang magpahatid saakin."
"Ha? Baka naman may nasabi ka sa kanya na hindi maganda?"
Nagisip naman si Kuya Mike "hmm wala naman. Ang huling pinagusapan namin is yung pinakita ko yung picture ni mama Amanda. After nun bigla na lang siya namutla. Tapos uuwi na daw siya"
Napaisip naman ako sa sinabi ni Kuya.Bat kaya ganun? Hindi kaya..
"Ah! Alam ko na!"
Napatayo bigla si kuya sa pagkakahiga "Bakit? Ano yun? Basted na ba talaga ako? "
"Hindi ano ka ba! Feeling ko kaya nagkaganun si Sally kasi..."
"Kasi ano?"
"Uhmmm.. girl thing"
"Ha?! Ang gulo namang paliwanag yan! Anong girl thing!"
"You know, pulang tuldok, red alert, red tide!"
"Eh? Ano?"
Ay jusko ang hina gumets ng kuya ko!"Monthly period!!! Ano ba! Syempre mahihiya sayo yun, kaya ayaw niya magpahatid tsaka kaya siya
nagkaganun kasi baka natatakot siya na tagusan. Feeling ko naramdaman niyang may period na siya kaya ganun""Owww I see, ganun nga siguro" ngumiti naman si Kuya
"Tara bunso! Laro na tayo ng tekken!"
Napangiti naman ako. Hay salamat ok na tong isang to.Bianca's POV
"Bestie!" nilapitan ko si Rhian na busy sa pag-aayos ng gitara niya sa may stage ng bistro namin
"Bat ka nandito? Ang init init, tara dun ka sa office mag ayos"
"Naku wag na bestie, malapit narin naman akong kumanta eh. Bat ka nga pala nandito?"
"Naku, nag out of town trip kasi si mommy at daddy para i-celebrate ang anniversary nila. Naiwan tuloy ako magisa sa bahay kaya hindi narin ako nagpaluto ng dinner. Dito na lang ako kakain. Nakakainis nga eh, sa Bohol pa sila nagpunta. Inggit tuloy ako!"
Natawa naman si Rhian saakin
"Hayaan mo na bestie, kailangan nilang mapag solo ngayon. Di bale sa summer punta tayo ng Bohol"
"Talaga? Masaya yun! Sama natin sina Wila at Sally, pati narin si Luis mo"
"Oo at si Chynna mo " she winked at me
BINABASA MO ANG
The Casanova Has Fallen (Completed)
FanfictionWould a Casanova be able to find her ONE TRUE LOVE? From the best selling Wattpad Story BTCHO Comes another RaStro Wattpad Adaptation "In a Game called Love, the first one who falls is the LOSER"