*Like I'm Gonna Lose You*
An: can anyone please tell me kung ano yung title ng una niyong nabasa sa UD na to?
Rhian's POV
"..kailangan mo ng gawin ang step 9 and 10. Rhian, G-glaiza's life is in danger. Naiinip na sila. I-it's time t-to break the Casanova's heart"
Right after ko marinig ang mga sinabi ni Sally, hindi ko na nagawang magsalita pa. I click the end call button habang yung luha ko tuloy-tuloy sa pag agos.
Bakit ba nangyayari to? Bakit ko ba pinasok ang ganitong sitwasyon. Napakahirap.
"How can I save her?"
"Fall in love with her"
Naalala ko dati yung sinabi saakin yan ni Sally. Fall in love with her? Paano ko matuturuan ang puso ko?
Yes, I know lately nagiging malaki ang epekto saakin ni Glaiza. Pero masasabi ko na ba na mahal ko na siya dahil doon? Inaamin ko may kakaiba akong nararamdaman para sa kanya, pero para tawagin itong pagmamahal parang napakababaw pa nung nararamdaman ko na yun.
Pwede bang bigyan niyo pa ko ng onting panahon?
Onting panahon para maturuan ko ang puso ko na mahalin si Glaiza
Kinuha ko yung notebook kung saan nakasulat ang contract and binasa ko yung step 9 and 10.
9. Be her girlfriend
10. Break her heart
Ang hirap hirap naman nito. Paano ko to magagawa? Paano ko maatim na saktan ang isang babeng wala naman ginawa kundi ang mahalin ako?
Tama bang ako ang magparusa sa kanya sa kasalanan niya dati?
Tama bang parusahan siya kung ang dahilan kaya naging ganun siya ay dahil sa pagiwan sa kanya ng ina niya at pagpapabaya sa kanya ng ama niya?
Tinignan ko ulit yung notebook at binasa yung last part ng contract.
But there is one and only rule you must abide.
DO. NOT. FALL. FOR. HER
If you break this rule, the operation is considered failed and you need to face a severe punishment.
Signed by: Rhian Denise Ramos
Ngayon ko na lang ulit naalala yung one and only rule na to. Dati kasi wala akong pakielam dito dahil alam ko sa sarili ko na hinding hindi ako maiinlove kay Glaiza.
Pero ngayon maliligtas ko lang siya sa pain pag nainlove ako sa kanya. Kaso pag nainlove naman ako sa kanya, may parusa na nagaantay saakin. Kung ano yun, I have no freaking idea.
Ang gusto ko lang gawin ngayon ay tumalon sa tuktok ng building at mamatay para maiwan ko na lahat ng problema ko ngayon.
Ang hirap ng sitwasyon ko. Wala ng ibang butas para malusutan ko to.
Dalawa lang naman ang option ko eh: save Glaiza's life or save Glaiza's heart? Hindi ko pwedeng piliin ang pareho, dahil ang bwisit kong puso ayaw parin tumibok para kay Glaiza.
Itinakip ko yung unan ko sa mukha ko habang patuloy parin ang pag-agos ng luha ko.
Sh1t lang. Ayoko ng ganito. Sana panaginip na lang lahat ng ito.
Ipinikit ko ang mga mata ko at parang nakakapang asar lang kasi yung mukha ni Glaiza ang nakita ko pagpikit ko.
Yung mukha niya na nakangiti ng masaya.
BINABASA MO ANG
The Casanova Has Fallen (Completed)
FanfictionWould a Casanova be able to find her ONE TRUE LOVE? From the best selling Wattpad Story BTCHO Comes another RaStro Wattpad Adaptation "In a Game called Love, the first one who falls is the LOSER"