*Flair*
Bianca's POV
"If you're curious you better go to the quadrangle" Luis winked at me then umalis na sila ni Rhian
Ako naman naiwang nakatayo dito at nagiisip kung ano nga ba talagang meron.
"Bianca!!"
Nakita kong palapit saakin yung isang ka-member ko sa pep squad
"Hi Grace "
"Bianca, ikaw ha! Girlfriend mo pala si Chynna "
"Eh?!"
"Congrats! Ayun napadaan lang para sabihin yun sayo. Babye " umalis na siya and ako naman nagkaroon ulit ng isang malaking question mark sa ulo.
Ok? ano yun? Ano ba talaga meron?
Mula pa kaninang pagpasok ko wala ng ibang sinabi ang mga tao kundi puro congrats.Ano ba talagang kalokohan
ang ginagawa ng Chynna na yan at mukhang buong mundo na ang nakakaalam na girlfriend ko siya?!At dahil sa hindi ko na talaga makayanan ang pagka intriga ko sa nangyayari, dumiretso ako sa quadrangle.
Pagkadating ko dun, madami ng nagkakagulong mga tao dun.
Nagulantang naman ako ng makita kong may malaking banner na nakalagay dun sa stage at may nakasulat na:
"Bianca Charlotte King is the one who is holding my heart right now. All of you, especially the girls of Glaiza De Castro, don't you dare lay even a finger on her or else you'll have to face me."
Sa taas ng stage nandun si Chynna nag f-flairing habang nag chi-cheer ang mga babae sa kanya.
Wow talaga ngang magaling siya
Ako naman, I was rooted to the ground and hindi makapaniwala sa nakikita ko.
Bloody Mary! Ano bang pinaggagagawa ng babaeng to?!?! Ano ba talaga tumatakbo sa isip niya!!
"Uy Bianca!!" nakita ko yung ka blockmate ko na palapit saakin "Grabe ang swerte mo sa girlfriend mo ngayon ha!
Mukhang mahal na mahal ka talaga niya. Sabi niya pa mag hapon daw siyang mag f-flairing ngayon para
ipakita ang pagmamahal niya sayo""HA?!"
Nagulat naman ako. Mag hapon?! Meaning kanina pa siya diyan umaga?!
Tanghali na ngayon and medyo mataas ang araw kaya mainit sa quadrangle. Gusto ba niya mag collapse?!
Seriously, bat ba niya ginagawa ang mga bagay na to?!
Umakyat ako sa stage at nilapitan siya. Nakita ko naman na napatigil siya sa pag f-flair.
"Bianca! Nakita mo ba ang ginawa ko?"
Binulungan ko siya "Ok itigil mo na yan ngayon, I'm warning you. Kung ayaw mong ipatalsik kita dito sa school itigil mo na yan."
Instead na matakot siya sa sinabi ko, nginitian lang niya ako at biglang inakbayan at itinago ang mukha ko sa may ilalim ng kilikili niya.
"W-wait-"
"Guys, mukhang na touch talaga ang girlfriend ko sa ginawa ko. Maiyak iyak siya eh "
Narinig kong naghiyawan yung mga estudyanteng nanunuod. May iba pang sumisigaw ng "kiss!!"
Ako naman nagpupumiglas sakanya kaso hindi ako makakawala.
Anak ng pagong na babaeng to oh!!!
Hinarap naman niya ako at biglang pinunasan ang pisngi ko na para bang may pinupunasang luha pero sa totoo lang walang luha.
BINABASA MO ANG
The Casanova Has Fallen (Completed)
Fiksi PenggemarWould a Casanova be able to find her ONE TRUE LOVE? From the best selling Wattpad Story BTCHO Comes another RaStro Wattpad Adaptation "In a Game called Love, the first one who falls is the LOSER"